SA SOBRANG busy nilang dalawa ay hindi nila napansin na may pumasok na dalawang tao sa shop. "Tss! Ang bagal mo talagang maglakad,” masungit na sabi ni Toni. “Ako pa ‘tong mabagal maglakad, eh ikaw itong mabilis maglakad. Akala mo hinahabol ka,” naiinis na sabi ni Beatrice. Pinaikotan lang siya ng mga mata nito saka dumiretso ng counter. Nanggigigil niya itong tiningnan at ini-imagine sa isip na binubugbog niya ito. Napakasungit talaga ng binata sa kanya. Dinaig pa ang babaeng may regla sa kasungitan. “Hoy!” sigaw nito sa kanya. “Ano na?” tila naiinip nitong sabi. “Diyan ka na lang ba o ililibre mo ako.” Napatiim-bagang siya para pigilan ang inis. Kung wala lang talaga siyang utang dito ay hindi niya titiisin ang napakasungit nitong ugali. Nang nilibre niya kasi ito ay hindi niya in

