Like what Angel promise to herself that she won't give up ay araw-araw niyang pinagsisilbihan si David kahit na masungit at hindi siya pinapansin nito. Kahit anong gawin at kausap niya dito ay hindi talaga siya nito pinapansin. Para lang siyang hangin na hindi nito nakikita.
"Ito na ang kape mo, Sir David." Nakangiting nilagay ni Angel ang tasa ng kape sa mesa.
Lihim na napabuntong-hininga si David ng mabasa ang nakasulat sa sticky note. 'Have a good day.’ Ito ang nakasulat sa sticky note with smiley pa. Hindi nya maiwasan na mainis sa kakulitan ng dalaga. Ilang beses na niya itong pinagsabihan pero parang balewala lang dito ang mga sinasabi niya. Parang isang hangin lang kausap niya dahil hindi ito nakikinig sa kanya, kaya naman parang isang hangin din ang turing niya dito.
Ilang beses na din niya sinabi sa mga katulog na huwag nang payagan na ang dalaga ang magsilbi at maghatid sa kanya ng kape pero wala pa rin dahil nagpupumilit ito na ito na ang magsilbi sa kanya. At dahil takot sa kanya ang mga katulong ay pumapayag ang mga ito.
Napaisip tuloy siya minsan kung gano’n ba talaga siya nakakatakot.
Mabilis na ininom ni David ang kape saka tumayo na para umalis. Gusto na agad niyang umalis para hindi na tuluyang mainis sa kakulitan ng dalaga. Ayaw niyang masira ang araw niya.
"Ingat po kayo, Sir David." sigaw nito sa kanya na mabilis na naglakad, halatang gusto na talagang umalis.
Iiling-iling na lumapit si Krizza kay Angel na nakangiting kumakaway. "Bilib talaga ako sa ‘yo, Angel."
"Bakit naman?" tanong niya saka humarap sa mesa at nag-umpisa nang magligpit.
Tumulong na din si Krizza sa pagliligpit. "Kasi ikaw lang ang may lakas ng loob na maghatid ng pagkain at pagsilbihan si Sir. At ito pa, ikaw lang din ang may lakas ng loob na kausapin si Sir David."
"Okay naman si Sir, ah."
"Anong okay doon?" Hindi makapaniwalang nakatingin si Krizza kay Angel. "Eh, sinusungitan ka nga niya." Napangiwi ito. "Hindi ko nga alam kung manhid ka ba o ano, kasi balewala lang sa ‘yo kapag sinusungitan o pinapagalitan ka ni Sir David."
Hindi maiwasan na matawa ni Angel. "Ano ka ba, nasa sa iyo naman kasi kung didibdibin mo ang mga sinasabi niya. Isa pa, kahit sinusungitan niya ako ay masaya na din ako dahil napagsisilbihan ko siya."
"Masayang pagsilbihan siya? Hmm..." Hindi niya maiwasan na pagtaasan ng kilay si Krizza dahil sa kakaibang tingin nito sa kanya. "Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Sir David?"
Nanlaki ang mga mata ni Angel saka uminit ang magkabilang pisngi dahilan para mapaiwas siya ng tingin sa kaibigan para hindi nito makita ang namumula nyang mga pisngi.
"Wala no," pagde-deny niya. "Gusto ko lang siyang pagsilbihan bilang pasasalamat dahil pinatira niya ako sa mansyon niya. Iyon lang 'yon."
"Yon lang ba talaga?" Tila parang hindi pa rin ito naniniwala sa sinasabi niya.
Hinawakan niya si Krizza sa magkabilang balikat at tinitigan ang mga mata nito. "Yon lang talaga, okay?" Tumalikod siya dito. "Kahit ano na lang pinag-iisip mo."
Nagkibit-balikat si Krizza. "Ewan ko sa ‘yo. Basta may iba talaga eh."
Napailing na lang siya. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Isa pa, wala namang mayaman na magkakagusto sa isang mahirap o isang amo na magkakagusto sa katulong."
Hindi naman siya umaasa na magkakagusto sa kanya ang binata. Gutso niya lang talaga itong pagsilbihan bilang pasasalamat. Isa pa, hindi niya alam kung mayroon ba siyang boyfriend o asawa nang mga panahon na hindi pa nawala ang mga alaala niya.
“Oy marami kayang gano’n.”
“Talaga? Saan naman? May kakilala ka ba?”
“Sa mga teleserye,” nakanguso nitong sagot.
Napailing na lang siya. “Palabas lang ‘yun, Krizza. Gawa lang. Katang-isip at sa mga teleserye lang, at sa mga libro lang nangyayari ang mga gano’n, hindi sa totoong buhay. Kaya huwag na tayong mangarap pa ng mataas, masasaktan lang tayo.”
“Malay mo naman kasi. Wala namang masama kung mangarap.”
“Wala ngang masama, pero huwag ding sumobra. Expecting too much will hurt you.” Nagtataka siyang nakatingin dito. Gulat kasi itong nakatingin sa kanya. “Bakit?”
“English ‘yun, Angel.”
Mas napakunot-noo siya. “Oo, alam ko. Anong masama do’n?”
“Wala naman. Naisip ko lang na baka isa kang mayaman na babae kasi marunong kang mag-english.”
Napailing siya sa sinabi nito. “Lahat naman ng tao ay maaring magsalita ng English, Krizza.”
Napakamot ito sa ulo. “Oo nga naman no.”
Nagpatuloy na lang sila sa ginagawa nila. Ayaw na din niyang makipag-usap pa kay Krizza dahil kahit anong walang kwenta lang naman ang sinasabi nito. Hindi man niya aminin sa kaibigan ay hindi niya maiwasan na may magkaroon ng kaunting paghanga sa binata.
Kahit anong sungit nito sa kanya ay nakangiti pa rin niya itong pinagsisilbihan. Nakakaramdam siya ng tuwa kapag pinagsisilbihan niya ang binata. Alam niya sa sarili niya na hindi na bilang pasasalamat ang pagsisilbi niya para dito. May parte sa kanya na gustong makita si David na ngumiti at gagawin niya ang lahat para makita ito.
Kahit pa sabihin niya sa sarili niya na mali na magkaroon siya ng paghanga dito dahil hindi niya alam kung may karelasyon ba siya noon, ay hindi pa rin niya mapigilan. Hindi niya mapigilan ang sarili na gustohing makita ang binata.
"GOOD evening, Sir."
Hindi na nagulat pa si David na isang nakangiting si Angel ang bumungad sa kanya. Ganito na ang inaasahan niya sa pag-uwi niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mapabuntong-hininga para pigilan ang namumuong inis.
Sinasadya na nga niyang gabi kung umuwi sa isiping natutulog na ito at hindi na siya nito salubungin pero nagulat siya na hating gabi na ay nasa sala pa rin ito at naghihintay sa kanya.
Minsan ay naisip na din niya na huwag ng umuwi sa mansyon, pero napaisip din siya kung bakit hindi siya uuwi sa sarili niyang pamamahay. Siya si David Montefalco, ang masungit, at hindi ang kagaya ni Angel, na walang naaalala, ang makakatiklop sa kanya.
"Gutom ka ba, Sir? Gusto mo ipaghain kita?"
"Why are you still awake?" walang emosyong tanong niya.
"Syempre hinihintay kita na dumating."
"Are you not tired of this s**t?" may bahid na inis niyang tanong. Gusto niyang iparating dito sa pamamagitan ng boses niya na ayaw niyang makita ito.
"Hindi po, Sir David," nakangiti nitong sabi. "At para sabihin ko po sa ‘yo, hindi po s**t ang tawag sa pagsisilbing ginagawa ko para sa ‘yo."
Sinamaan niya ng tingin si Angel pero kagaya nga noon ay hindi ito natatakot sa kanya bagkus ay lagi pa rin itong nakangiti. Naiinis siya kapag nakikita niya itong nakangiti. For him, the way she smile to him is like, she's mocking at him and its irritating him.
"Whatever you called this, stop this."
"Bakit naman?" inosenteng tanong nito na mas lalong nakapagpainis sa kanya.
"Because it's annoying. You are the most annoying person I've ever meet." Sinamaan na naman niya ito ng tingin ng napanguso ito.
"Pabayaan mo na lang kasi akong pagsilbihan ka."
"How can I just let you if its annoyed me?"
"Huwag mo na lang akong pansinin." Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Isipin mo na lang na hangin ako."
Marahas siyang napabuga ng hangin dahil naiinis na talaga siya sa kakulitan nito. Kahit anong gawin o sabihin niya ay ayaw nitong magpatalo o kaya naman ay palagi itong may katwiran sa mga sinasabi niya. Paano nga ba niya ito itututring na hangin kung palagi niya itong nakikita?
"You are so damn annoying!" iyon na lang ang nasabi niya saka naglakad papunta sa kwarto niya. Ayaw na niyang makipag-usap dito at baka ano pa ang magawa niya dito.
Nang makapasok sa kwarto niya ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Sa tuwing nasa paligid niya kasi ang dalaga ay parang hindi siya makahinga. Siguro ay dahil naiinis siya kapag nasa paligid o tabi niya ito.
Niluwagan ni David ang neck tie niya saka napabuntong-hininga na naman. Kailan kaya aalis ang dalaga sa pamamahay niya? Nagsisisi tuloy siya na pumayag siya sa gusto ni Manang na dito muna tumira ang dalaga. Hindi niya inaasahan na ganoon ito katigas at kakulit. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari ay hindi na sana siya pumayag sa pakiusap ni Manang Tessa. Sana pala nagmatigas na lang siya.
KINABUKAN ng magising si David ay agad niyang hinanap si Manang Tessa. Nakita niya ito sa kusina na naghihiwa ng mga gulay kasama ang dalaga. Si Angel agad ang unang nakakita sa kanya.
"Good morning, Sir David." Nandoon na naman ang maganda nitong ngiti.
Hindi niya ito pinansin saka bumaling lang kay Manang Tessa. "Can I talk to you, Manang?"
"Oo naman, hijo. May problema ba?"
"Sa study room tayo, Manang," sabi niya saka umalis.
Biglang nagkatinginan si Angel at Manang ng may pagtataka. Pero kahit nagtataka ay tumayo ap rin si Manang Tessa saka sumunod kay David sa study room nito.
Nang makapasok ay agad siyang nagtanong. "May problema ba, hijo?"
"I can't take her anymore, Manang."
Nagtaka ito sa sinabi ni David. Hindi maintindihan ang sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Si Angel." Sa pagbanggit pa lang sa pangalan nito ay naiinis na siya. "She is annoying. Kahit anong gawin at sabihin ko sa kanya ay para siyang bingi. Kinukulit niya pa rin ako. Damn, Manang! Ang kulit niya."
"Yon lang ba?"
Tiningnan ni David si Manang Tessang ng hindi makapaniwala. "Anong iyon lang, Manang? You know how I hate annoying person."
"Wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa niya, anak. Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya."
"She is not doing her job, Manang. Kinukulit niya ako and that's not her job."
"Pinagsisilbihan ka lang niya."
"I don't need her to serve me."
"Nagpapasalamat lang siya sa ‘yo."
"She don't have to." Napabuntong-hininga siya dahil parang nahahawa na si Manang Tessa kay Angel. Lahat na lang ng sasabihin niya ay palagi itong may katuwiran. "Bakit hindi na lang tayo magpatulong sa mga pulis para mas mapadali ang paghahanap sa pamilya niya."
"Bakit parang pinapaalis mo siya?"
"Because she's annoying. Ayoko nang may kumukulit sa akin. I want my normal and peaceful life back."
"Normal ba ang tawag mo sa buhay mo?" Napatahimik siya sa tanong nito saka napaiwas ng tingin. "Simula ng mawala ang mga magulang mo ay hindi na naging normal ang buhay mo. Nagbago ka na. Hindi na ikaw ang batang pinalaki ko noon." Napabuntong-hininga si Manang Tessa. "Hindi na ikaw ang batang masayahin. Natutuwa nga ako dahil ngayon ay may taong naglakas-loob na kausapin ka, na kahit sinusungitan at pinapagalitan mo ay bukal pa rin sa loob niya ang pagsilbihan ka. Sa wakas ay may nag-aalaga na sa ‘yo maliban sa akin."
Malungkot na nakatingin si Manang Tessa kay David na hindi nakaimik sa sinabi nito. Hindi na ito nagsalita pa at lumabas na ng study room.
Nagulat si Manang Tessa ng makita si Angel sa labas ng study room. Agad na lumapit si Angel dito.
"Anong sabi niya, Manang?" Kahit hindi ipakita nito na kinakabahan siya ay nararamdaman naman ito ni Manang Tessa. Nagdadalawang-isip man ay naglakas loob siyang tanungin ito. "Pinapaalis na po ba niya ako?"
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
Napayuko siya. "Kasi nakukulitan na siya sa akin. Kahit sinasabi niyang huwag kong gawin ay ginagawa ko pa din, kaya nang pinatawag ka niya kanina ay kinutuban na ako na kaya niya gustong makipag-usap sa iyo ay dahil nakukulitan na nga siya sa akin at gusto na akong paalisin." Napatingin siya kay Manang Tessa saka hinawakan ang kamay nito. "Pinapaalis na ba niya ako, Manang Tessa?"
Pinisil nito ang kamay niya saka ito ngumiti dahilan para mawala ang kaba niya. "Hindi ka niya pinapaalis, okay? Iba ang pinag-usapan namin." Nakahinga siya ng maluwag. "Pwede ba akong humingi ng pabor sa ‘yo, Angel?"
"Oo naman po, Manang. Ano ho iyon?"
"Kung ano man ang ginagawa mo para kay David, sana huwag kang mapagod at ipagpatuloy mo lang. Alam ko na may gusto ka na sa kanya." Nagulat siya sa sinabi ni Manang Tessa. Gusto man niyang magsalita pero walang gustong lumabas sa bibig niya dahil totoo naman. "Masungit at matigas man siya tingnan, alam ko sa loob-loob niya ay nalulungkot siya. Gusto kong may isang tao na titingin sa kanya at gusto ko ikaw 'yon. May tiwala ako na mapapalambot mo din ang matigas niyang puso."
Hindi niya maiwasan na mapalunok dahil mukhang mahihirapan siya sa gusto ni Manang Tessa, pero para dito ay gagawin pa rin niya.
Kaya naman tumango siya saka ngumiti. "Oo, Manang. Pangako. Hinding-hindi ko susukuan si David."
Hinding-hindi niya susukuan si David at hindi niya din bibiguin ang tiwala na binigay sa kanya ni Manang Tessa. Sa sinabi nito ngayon ay parang ipinagkakatiwala nito sa kanya si David at malaki ang tiwala nito na mababalik niya ang dating David.
Sa loob ng study room kung saan naroon si David ay nakatayo pa rin ito at malalim ang iniisip. Napaisip siya sa sinabi ni Manang Tessa saka napatawa ng mapakla. Simula ng mawala ang mga magulang niya ay hindi na naging normal ang buhay niya. Nawalan na siya ng dahilan para mabuhay at ngumiti. Gusto na nga din niyang mamatay noong araw na mawala ang mga magulang niya pero nandyan si Manang Tessa na dinamayan at binantayan siya.
Napailing-iling si David saka napabuga ng hangin bago lumabas ng study room. Ayaw na niyang isipin pa ang nakaraan. Gusto na niyang ibaon ito sa limot. Wala na siyang pakialam kung hindi normal sa ibang tao ang buhay niya basta para sa kanya ay normal lang sa kanya ang buhay niya.
Mas lalong hindi niya kailangan ng ibang tao para alagaan siya, kaya niya ang sarili niya. Hindi na siya bata pa para alagaan siya. Kuntento na siya sa buhay na meron siya ngayon at kung isang makulit na Angel lang naman ang mag-aalaga sa kanya ay huwag na lang.