YUGTO WRITING CONTEST - GIRL POWER
Si Lisana Cateline Kim ay isang sikat na idol sa girlgroup na Black and White. Isang araw ay nahuli niya na may kababuyang ginagawa ang pinaka mamahal niyang kapatid na lalaki at ang long time boyfriend niya. Sa sobrang gulat at galit na naramdaman niya ay kumaripas siya ng takbo palabas at sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Lisana at binawian ng buhay. Pagdilat ni Lisana ay nagulat siya nang nasa mundo na siya ng comics na 'Kingdom Affair' kung saan nabubuhay ang mga fairy, gods and goddesses. Na reincarnate siya bilang si "Lisa" isang mahirap na maid na nakatagdang mamatay sa hinaharap. Matakasan kaya ni Lisana ang mapait na kapalaran na meron siya?
Imbis na malungkot ay ngumisi si Lisana. "The heavens gave me a second chance to live. I swear to myself I will rule this kingdom!"