France Pinanood ako ni Kaizen habang nag-iimpake ako. I'm going back to France. Kanina pa namumungay ang kanyang mga mata at kulang nalang ay isama ko siya sa aking bagahe habang nakaupo sa tabi ng aking mga damit. We already talked about it multiple times this day kaso nahuhulog palagi sa ganito lalo na't nakapaskil rin sa kanyang ekspresyon ang pagkamiss agad sa akin. "Susunod ka after mo asikasuhin ang work mo?" tanong ko. Tumango siya, ang mga mata ay namumungay parin. Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagtutupi. As much as I want to stay here with him I just can't! At susunod rin naman siya. "Hihintayin kita roon, Kaizen," sabi ko. Kinuha niya ang aking damit at tumulong sa pagtutupi. His snobbish awra is already showing, the one that can intimidate and melt my knees. "You shou

