Happiness Pinanood namin ni Kaizen ang news habang nakaupo kaming dalawa sa kama. Nakasandal siya sa headboard, ako naman ay nakasandal sa kanyang dibdib at seryosong tinitigan ang screen ng malaki niyang tv. "Bakit mo sinabi noong una na si Keyla ang kasama mo sa gabing iyon?" "Binayaran po ako para sabihing si Keyla ang kasama ko, Ma'am. Natakot rin po ako kaya sumunod ako." "Bakit ngayon ka lang lumulutang?" "Dahil po nakokonsensya ako..." "So sinasabi mong si Kaedy ang kasama mo noong gabing iyon?" Tumango iyong lalake na naka mask at naka hoody para itago ang mukha. Kahit gusto kong magdiwang at sa wakas ay lumabas na ang totoo, hindi ko mapigilang maawa sa kapatid ko. This is a big scandal for her since napakasikat niya nang artista! Nagscan rin ako sa social media para ma

