bc

Gentleman's Queen: Trinity

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.8K
READ
billionaire
playboy
badgirl
gangster
drama
tragedy
comedy
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Isang lalaking matinik sa babae

Isang babaeng matinik sa babae?

Pinagtagpo ng isang misyon.

Anong mangyayari kung parehas sila ng gusto?

Magkasundo kaya sila kung nag-aagawan naman sila ng chicks nila.

chap-preview
Free preview
Prologue
"CAPTAIN iba na naman iyan ah"nakangising puna sa kanya ng isa sa mga kasama niya sa loob ng kampo. Pinanlakihan lang niya ng mata ang kasama niya ng hindi nakatingin ang dalagang kasama niya ngayon na akbay-akbay niya. sumenyas pa siya ng parang naghahamon ng away sa mga kasamahan niya doon. "What are they talking about?"tanong sa kanya ng babaeng kasama niya. Pasalamat nalang siya at mukhang amerkanang hilaw ang kasama niya ngayon kundi mapupurnada pa ang night out niya. Kung bakit ba naman kasi sinama pa niya sa kampo ang babaeng nakilala niya kanina sa labas. Edi sana hindi siya nahihirapan na magpaliwanag ngayon sa kasama niya. "They just said your beautiful"bulong niya dito. Inakbayan na niya ito at inilihis sa mga kasama niyang mga kapwa sundalo na nasa loob ng kampo nila ngayon. Kukuha lang siya ng extrang damit niya pati na din wallet niya kaya siya bumalik sa kampo nila. Rest day niya ngayon kaya malaya siyang lumabas ng kampo nila, ang mali lang niya dapat nagdala na siya ng extrang damit niya at pera kung alam lang niyang may makikilala siyang isang bebot. Mabilis niyang inalalayan ang kasama niya sa loob ng barracks nila, pinaupo niya ito sa kama niya habang naghahanap siya ng malinis niyang damit na sa kasamaang palad mukhang wala pa yata. Makalat din siya sa mga gamit niya doon, kaya hindi niya agad makita ang dapat niyang makitang mga gamit. "Hey babe, what are you looking at?"maarteng tanong sa kanya ng babae. Napatingin siya sa babae, tatawagin sana niya ang pangalan nito ng maalalang hindi nga pala niya natanong kanina ang pangalan nito. But take note nag-torrid kissing na silang dalawa kanina pa lang ng sabihin niyang interesado siya dito. "Just my wallet babe"naisagot niya dito. Tumango lang ito sa kanya bilang pagsagot. Napahalakhak siya ng makita niya ang hinahanap niya, iginiya na niya ang kasama niyang bebot palabas ng barracks nila ng masalubong niya ang isa sa mga sundalong under sa kanya. Sinaluduhan siya nito, na sinagot din niya ng saludo. "Captain pinapatawag po kayo ni Brigadier General Lumibao"pag-iimporma nito. Napakamot naman siya ng ulo niya sabay tingin sa kasama niya. Bigla siyang nanghinayang dahil alam niya kapag pinatawag siya ng ninong niya kailangan niyang magreport sa trabaho. At hindi basta-basta ang report na kailangan niyang gawin dito. Kakailanganin niya ang ilang oras o baka nga abutin pa sila ng isang buong maghapon na nag-uusap lang. "Babe, I'm sorry but I have to go"nanghihinayang niyang paalam sa kasama niya. Napairap naman sa kanya ang dalagang kasama niya. pero nakaisip naman siya ng paraan para makabawi sa dalaga. Ayaw kasi niyang nakakakita ng mga babaeng naiinis ng dahil sa kanya. Hinapit niya ito at hinalikan sa mga labi nito. hindi na niya inintindi ang kasama niyang nakakapanood sa kanila. Alam niyang sanay na ang mga ito sa kanya dahil madalas naman niyang gawin ito sa harapan ng mga katrabaho niya. "I promise I will get back to you after these work, and we will do all you want in the world"pangako pa niya dito. Inirapan pa din siya nito kahit na ginawa niya ito. Wala na siyang magagawa kung magalit man ito, madami naman diyan na pwede niyang ipalit mamaya kapag natapos niya ang gagawin niyang report sa brigadier general nila. "Lopez, ihatid mo nalang si miss sexy sa labas, ihanap mo na din ng masasakyan papuntang bayan"utos niya sa tao niya. "Sige po kapitan"nakangising sagot nito. Napailing nalang siya sa tao niya alam na niya ang tumatakbo sa isip nito. bigla tuloy siyang nawalan nan g gana sa babaeng kanina lang nagpapainit ng katawan niya. Iniwanan na niya ang mga kasama niya at dumeretso na siya sa opisina ng boss nila. "Sir"pagbibigay pugay niya dito. Seryosong sinaluduhan lang din siya nito sabay senyas nito na maupo na siya sa bakanteng upuan sa harapan nito na agad naman niyang ginawa. Matagal siya nitong tinitigan na para bang kinakabisado ang mukha niya nito samantalang simulat sapul kilala na siya nito. hindi pa siya marunong sumamit ng salawal kilala na siya ng kaharap niya ngayon. "Hindi ka ba mag-aayos ng sarili mo Captain Fuentes"simula nito makalipas ang ilang minutong pagtitig sa kanya. Marahas naman siyang napahinga ng malalim sabay bara-barang sumandal sa kinauupuan. Hindi niya din inayos ang pagkakaupo niya, bukaka kung bukaka talaga. "Ninong naman kung pinatawag niyo ako dito para isermon ang sermon sakin nila mama pwes mabibigo lang kayo"naiinis niyang sagot sa matanda. Napailing naman ang kaharap niya sa kanya bago siya nito initsahan ng isang may kakapalang folder sa harapan niya. nagtataka namang dinapot niya ito at binuklat-buklat. Leigh Caleb Smith Basa niya sa nakasulat na pangalan na nakita niya sa unang pahina, madaming impormasyon na nakita siya sa loob ng folder pero hindi naman niya ito binigyan ng pansin. "He will be you special assignment Fuentes, siya ang magiging tulay mo sa promotion na inaasam mo"pagbibigay sa kanya ng impormasyon ng kaharap niya. Nanlalaki ang mata, pati na din ang tenga niya ay nagpapalakpakan sa narinig niyang sinabi nito sa kanya. ilang taon na din kasi siyang humihiling ng promotion sa trabaho niya pero hindi hindi siya mapagbigyan. Kailangan niya ng maganda-gandang accomplishment para sa promotion niya at ang nakikita niyang promotion ay heto at kumakatok na sa kanyang kandungan. "Pag-aralan mong mabuti ang lahat ng detalye ng mission mo. It is a special mission Fuentes, hindi lang galing sakin ang mission mo na iyan kundi sa general natin. He want you to keep an eye to that man 24/7,alamin mo ang lahat ng mga lakad nito o maging ang buong transaction nito sa negosyo. I know we are not entitled in this kind of work but I trust you with this na magagawa mo ng tama ang trabaho na ito, not because you were my goddaughter but I trust your skill on this one"mahabang litanya ng ninong niya. Lalo naman lumaki ang ulo niya sa narinig niya sa sinabi ng ninong niya sa kanya. "Thank you sir"napasaludo pa siya sa ninong niya. Binigyan pa siya ng ilang briefing nito, bago siya nito pinaalis nito. masayang naglalakad siya pabalik sa barracks nila habang hawak-hawak niya ang folder na binigay sa kanya ng ninong niya. Ni hindi nga niya pinapansin ang mga nakakasalubong niya dahil abala siya sa pagbabasa sa nilalaman ng folder. Wala naman siyang makitang kahit na anog litrato ng mamanmanan niya. puro lang written report ang nandoon at nababasa niya. Pero agad namang nanlaki ang mata niya ng makita ang approach na gagawin niya sa assignment niya. "Kalokohan!"sigaw niya. Napatingin pa nga ang mga tao sa paligid niya ng dahil sa pagsigaw niya. pero wala siyang pakialam sa atensyon na nakuha niya ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makompronta ang ninong niya. "Fuentes, bumalik ka?"mukha namang hindi nagulat ang ninong niya sa biglaang pagbalik niya. "Hindi ko gusto ang assignment na ito. hindi ako magpapanggap na isang sexy na babae at aakitin ang target ko. Alam niyo iyan ninong, pero bakit pumayag kayo na ilagay ang ganitong kalokohan sa papel na ito kung gayong alam niyo sa simula palang na lalaki ako!"sigaw niya. Kalma lang ito nakatitig sa kanya, makikita pa nga na inaasahan na nito ang ganitong reaction niya. "Ayaw mo ba Captain Trinity Kate Fuentes?"mahinahon pa nitong tanong sa kanya. Mariing napapikit naman siya ng banggitin nito ang sinusumpa niyang buong pangalan niya. Bakit ba naman kasi binigyan siya ng napakagirly na pangalan ng nanay at tatay niya noon, samantalang isa siyang lalaking nakulong lang naman sa katawan ng babae. "Tres ninong, its TRES"pagdidiin pa niya sa ginagamit niyang pangalan ngayon. Well she's a lesbian, and she's proud of it. ................

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook