One

2720 Words
NAKATULALA siya habang nakatitig sa mga taong nasa baba at mukhang enjoy na enjoy sa night life. Walang gana na nilagok niya ang alak na nasa baso niya. Wala na kasi siyang kasama, may pamilya na ang mga kaibigan niya. siya naman naiwang binata, mag-isa sa mga ganitong galaan. "Hi babe, mag-isa ka yata" Hindi niya naman pinansin ang babaeng lumapit sa kanya pauloy lang sya sa pag-inom ng alak na hawak niya. nang mainip ang babaeng nangungulit sa kanya hindi nalang niya iniwanan nalang siya nito bigla. Nakakaramdam siya ng pagkainip sa buhay niya ngayon. Natapos na kasi ang thrill sa buhay niya, nailigtas na ni Rome ang asawa nito at okay na sila ngayon kaya stop na din sila sa pagpapanggap na isa silang mafia. Si Penelope naman at ang Auntie nitong si Brenda huminto na din sa trabaho ng mga ito. kaya wala tuloy siyang mapaglibangan ngayon. Wala namang thrill kung siya lang mag-isa ang mangbabae. Dati kasa-kasama niya si Ezekiel dito na naghahanap ng makakasama kapag gabi. Ngayon siya nalang, kahit lapitan siya ng mga babae wala pa din siyang gana. "What a lame life I have"bulong niya. Tininungga niya ang hawak niyang baso ng maubos niya ang laman nito nagpasya na siyang umuwi nalang sa bahay niya. Sa bahay niyang siya lang ang nakatira. Nakakabore ano? Naglalakad na siya palabas ng fortress nang harangin siya ng isang lalaki. Napataas pa ang kilay niya sa ayos nito. "Hi pogi!"nakangisi pa ito habang nagsasalita. Lalagpasan n asana niya ito ng harangin na naman nito ang dadaanan niya. "What's your problem?"inis niyang tanong dito. "Magtatanong lang ako sayo, ikaw kasi ang pinakamatinong tignan sa lahat dito"sagot nito sa kanya. Napailing nalang siya at hindi nagsalita pero hindi na niya tinuloy ang balak niyang pag-alis. Pakikinggan muna niya ang tanong nito sa kanya, siguraduhan lang nitong makabuluhan ang itatanong nito sa kanya. kung hindi baka ipaban na niya ito sa fortress. Well fortress is his property. Noong una hide out lang nilang magkakaibigan ito na nadevelop dahil na rin siguro sa palagi silang naglalagi doon kaya naman lumago. At ng lumago ito binili naman niya ito na hindi alam ng mga kaibigan niya. Nakakatawa mang sabihin pero hanep sa kakuriputan ang mga kaibigan niya pagdating sa happy happy nilang magkakaibigan. Kadalasan nagiging KKB nalang ang inuman nila o di kaya naman kung sino ang nag-aya siya magbabayad na sa huli patak-patak pa din ang mangyayari. Naturingan na mga bilyonaryo pero mga kuripot naman. Nagiging galante lang kapag nanliligaw. "Ano na? hindi ka pa magsasalita dyan"angil niya ng ilang minuto na ang lumipas hindi pa din nagsasalita ang lalaki. Nakita naman niyang ngumisi ito at parang may binulong at dahil may music pa din naman sa fortress hindi niya narinig ang sinabi nito. "Kilala mo ba iyong Leigh? Iyong may-ari nitong Bar?"tanong nito. Nagulat siya sa tahasang tanong ng kaharap niya. wala naman kasing nakakaalam na siya ang may-ari ng bar na ito siya lang at ang manager niya. "No"simpleng sagot niya at lalagpasan na ito. "Ay putsa, saan ko bang lupalop hahanapin ang lintik na Liegh na iyan"narinig niyang palatak ng kausap. Hindi na niya sana papansin ito dahil mukhang may saltik ang lalaki kaso nakuha ang atensyon niya nito sa sumunod na sinabi nito. "Badtrip naman oh!, magpakita ka lang saking gurang ka makikita mo"anito pa. Nanlalaki naman ang mata na napalingon siya sa nagsalitang lalaki na kanina lang kausap niya. "What did you say?"biglang kambiyo siya paharap sa lalaki. "Ano?"para namang naguluhan ang lalaki. Napatawa siya ng sarkasmo sa harapan nito. Naiinis siyang malaman na tinawag siyang gurang ng lalaking ito, mukhang hindi siya kilala ng lalaking ito. dahil kung makatawag sa kanya ng gurang wagas. Damn this guy! "Ang sabi ko sino ang tinawag mong gurang?"ayaw man niyang ulitin nito ang sinabi pero tinanong pa din niya. "Iyong Leigh ba?"inosente nitong tanong sa kanya. Sa asar niya ng sabihin nga nito ang pangalan, bigla niya itong hinila papuntang VIP room nilang magkakaibigan. Doon niya ito kokomprontahin at kung maaari baka maupakan niya ito ngayon din. Naiinis siyang isipin na hindi siya nito kilala samantalang ang daming nagkalat na magazine na silang magkakaibigan ang cover minsan siya nga lang mag-isa ang cover. "Teka nga p're kung makahila ka wagas"reklamo nito sa kanya ng makarating na sila sa VIP room. Sinamaan niya ito ng tingin habang nakapameywang siya dito ng harapin niya ito. "Anong problema mo?"nakaiinis na din na tanong nito sa kanya. "Ikaw, anong kailangan mo? And why did you call me GURANG?"hindi na niya napigilan na ilabas ang kinikimkim niyang galit. Kita niya ang pagkagulat sa mukha ng lalaki pero sandali lang. nakabawi din agad ito at biglang naging poker face ito habang sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa. "Anak ng pating, ang buong akala ko gurang na ang Leigh na sinasabi nila"he said as a matter of fact statement na lalo niyang ikinainis. Inulit pa kasi nito ang sinabing gurang na daw siya. "Ano ba, kanina ka pa"angil niya. Nagcross arm ito sa tapat ng dibdib nito at taas noo'ng tinignan siya nito na para bang nanghahamon ng away. Kaya naman niyang makipagbasag ulo dito, sa kanilang apat na magkakaibigan siya ang pinakabasagulero noon pang mga bata sila. Kaya sisiw lang sa kanya ito, mukha naman patpatin ang isang ito, ni hindi nga umabot sa baba niya ang height nito. ang liit pa ng katawan na aakalain mong babae ang hugis ng katawan. Sinuri pa nga niya ang kabuuan nito mula ulo hangga dibdib--- Wait dibdib? May dibdib siya... "Gagong ito bastos hoy gurang sa mukha ang tingin kapag makikipag-usap ka"pagtataray nito sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin at talagang nakatitig siya sa dibdib nito. How can a man have that kind of boobs? Mangha niyang tanong sa sarili niya. Sa sobrang curiosity niya nilapitan niya ito at dinama sa sarili niyang mga kamay ang dibdib nito. Isang nagbabagang suntok lang naman ang inabot niya sa kanyang panga. Isang malutong na upper cut ang inabot niya sa lalaking kaharap nya ng hawakan niya ang dibdib nito. Pero kaysa indahin niya ang pagkakasapak sa kanya. mangha pa din niyang tinitigan ang kaharap niya mula ulo hanggang paa. At paa hanggang dibdib nito. Hind siya pwedeng magkamali, sa dinami-dami ng nahawakan na niyang dibdib ng babae. Alam niya na babae ang kaharap nya ngayon. Pero kung titignan naman ito sa unang tingin pagkakamalan talaga itong lalaki. una na kasi ang hair cut nitong pagkakamalan na sundalo, sa damit nito panlalaki na hindi nalalayo sa style ng pananamit niya. Naka-rugged jeans ito na naka-vneck na tshirt na kulay gray. Nakarubber shoes lang din ito may isang hikaw sa tenga, at madaming borloloy sa mga braso na parang rakista ang dating. "Ay tangina, sabi sa mukha lang ang tingin gago 'to"narinig niyang sigaw nito. Doon naman niya nakuhang tumingin sa mukha nito. madilim kasi kanina sa baba ng fortress kaya naman hindi niya masyadong nakita ang mukha nito. sa unang tingin kasi talaga pagkakamalaman mo itong lalaki dahil sa porma nitong panglalaki. Pero ngayon na nakikita na niya ang kabuuan nito masasabi niyang babae nga ang kaharap niya. pero alanganing babae alanganing lalaki. Gupit panlalaki din kasi ang buhok nito na masasabi pa niyang naka-army cut ito sobrang iksi ng buhok nito. Sa isiping iyon bigla siyang napahalakhak ng napakalakas. "Ay nabuang na"nanlaki pa ang mata nito habang nakatitig sa kanya. "Babae ka"hindi isang tanong ang sinabi niya kundi isang statement na obvious naman. "Hoy, mukha ba akong babae sa tingin mo"asik nito sa kanya. Tumatawa pa ding napatayo naman siya sa kinalugmukan niya kanina ng sapakin siya nito. Hindi naman sa against siya sa mga lesbian ang sa kanya lang ang tinuro ng mga magulang niya sa kanya dalawa lang ang nilikha ng Panginoon natin, at iyon ay ang babae at lalaki lang. ginagalang naman niya ang mga third s*x na tinatawag ngayon. Kaya lang hindi niya kasi makuha ang sense ng pinaglalaban ng mga ito. Nanghihinayang siya sa mga ganitong tao. "Okay, I get it"pigil ang tawa na turan niya dito. Nakita niyang inirapan siya nito habang nagcross arm na naman ito sa harapan niya. mas lalo lang tuloy na emphasize ang may kalakihang dibdib nito. kaya hindi na naman niya napigilan na matawa ng malakas sa nakita niyang ayos nito ngayon. Nakadamit panglalaki pero ang dibdib naghuhumiyaw na 'hoy tanga babae ako' sa laki. Sayang maganda pa naman siya. Bigla naman siyang napatigil sa pagtawa at napatitig muli sa mukha ng kaharap niya. "Problema mo ha?"maangas na tanong nito sa kanya ng makita siyang nakatitig dito. "W-wala...I'm just wondering what is the feeling having s*x with a lesbian"deretsong sagot niya kung ano talaga ang nasa isip niya. Napanganga ito at nanlalaki ang mata na nakatitig din sa kanya, pero nang makabawi ito akmang sasapakin na naman siya nito ng mailagan niya ito. kahit paano sa kakasama niya sa mga kaibigan niyang may mga astig na asawa natuto na din siya kung paano protektahan ang sarili. Sa bawat suntok sipa o ano pa mang tangkang pag-atake sa kanya ng kaharap naiiwasan naman niya ito. napapangisi pa nga siya kapag nakakaiwas siya sa mga atake nito sa kanya. Magaling na talaga akong umilag. Pagkasabi niya noon tinamaan siya ng isang suntok nito sa panga niya na ikinabagsak niya. malakas din kasi susuntok ang isang ito, mukhang sanay din sa mga basag ulo stunt ang isang ito. "Sira ulo ka buang!"sigaw nito sa kanya. Nagmamartyang iniwanan siya nito, tuloy-tuloy lang itong lumabas ng VIP room. Samantalang siya naman hakasalampak pa din sa sahig na hindi pa makabawi sa lakas ng tinanggap niyang suntok mula dito. "What a entertainment I get for tonight. Hindi naman pala ako mabobored ngayong gabi"kausap pa niya sa sarili niya. UMUUSOK ang ilong na lumabas siya sa VIP room kung saan siya dinala ng isang hambog na lalaking nakabangga niya kanina sa baba. Buong akala niya matinong kausap ang isang iyon dahil na din sa dating ng itsura nito mukhang kagalang galang pero lintik lang mas bastos pa sa lahat ng bastos na nakilala niya. "Bwisit naman kasing assignment ito"bulong niya sa sarili. Pang-ilang beses na siyang nagpupunta sa Bar na ito pero hindi niya pa din makita ang hinahanap niyang Liegh Caleb Smith na iyon. naiinis na nga siya sa kakabalik sa lugar na ito. kainaman lang nakakakilala siya ng bebot. Pero kapag ganitong nasa isang mission siya hindi siya pwedeng maghalo ng laro sa trabaho niya. nasubukan na kasi niya minsan at pumalpak siya kaya nga hindi na siya nabigyan pa ng chance na mapromote ng ilang taon dahil na din sa kalokohan niya noon. Dere-deretso siyang naupo sa Bar counter at umorder ng isang baso ng brandy. Dere-dertso din niya itong tinungga na parang bang tubig lang ang iniinom niya. sanay naman kasi siya sa mga ganitong klase ng inumin. Sa kampo nila madalas magkainuman doon kapag pwede at pinayagan sila ng mga bossing nila. "Why are you looking for Leigh?"napakunot ang noo niya ng malingunan ang nagsalita sa tabi niya. Napataas pa ang kilay niya ng makitang ang lalaking bastos pala ang katabi niya ngayon. Lakas ng loob nitong tabihan siya matapos ng kahalayang sinabi nito sa kanya. "Wala ka na don"maangas niyang sagot dito. Narinig niya ang pagngisi nito, kahit pa maingay ang lugar kung nasaan sila ngayon. "You will not going to find him if you will not tell me what do you need to him"anito pa na nakapangalumbaba na nakatingin sa kanya. For the first time humanga siya sa isang lalaki. Masasabing perfect ang isang ito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na mukhang hindi naninigarilyo tulad niya. mapupungay ang mata at infairness sa lalaking ito kulay green ang mata ni kuya. Lalaking lalaki ang facial features nito mula ulo hanggang paa. Nakakaintimidate ang itsura nito dahil na semi-formal ito o baka dahil gabi na kaya hindi na nito suot ang coat. Nakapolo kasi itong puti na nakatiklop hanggang siko ang manggas nito. nakaslacks din ito at black shoe na masasabing kagagaling lang nito sa opisina at dumeretso dito sa bar. Iba talaga ang mga hilig ng mga tao sa Maynila kaysa sa probinsya. Sa probinsya kapag natapos ang trabaho magkikita kita lang sa isang lugar ang magkakatrabaho tapos doon mag-iinuman ang mga ito hanggang sa magkayayaan ng umuwi. Di tulad sa Maynila na pupunta pa sa Bar ang mga tao para lang mag-inom. Pasosyal kumbaga. "Kung hindi naman ikaw ang hinahanap ko bakit ko sasabihin sayo ang kailangan ko sa kanya"sagot lang niya dito. Lalo namang lumawak ang ngiti ng lalaking kaharap niya ngayon sa sinabi niya. May saltik na ito. "What's your name buddy?"tanong nito. Tinaasan na naman niya ito ng kilay bilang sagot. "FC ka boy"sagot lang niya dito sabay tingin sa bartender. "Brand ulit"order niya. "Make it two, charge it on me Dude"singit ng lalaking katabi niya. Napakunot ang noo niya sa lalaki itong, ang hangin na nitong magsalita ngayon. Pero hindi naman mahahalatang mayabang kasi mukha namang may ipagyayabang naman ang kumag. "Right away sir"nakangiting sagot ng bartender. "Come on buddy, say your name"pangungumbinsi pa nito sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin kahit na ilang beses na itong nagpapapansin sa kanya. dumating ang alak na inorder niya, mabilis lang niya itong inubos. "Nagmamadali ka ba?"tanong na naman nito sa kanya. "Wala ka ng pakialam 'don"angil niya. "Sabihin mo na kasi ang pangalan mo"pangungulit nito sa kanya. "Hindi tayo friends para sabihin ko sayo ang pangalan ko"pangbabara niya dito na mukha naman hindi nito pinansin dahil nakangiti pa din itong nakatingin sa kanya. Napalingon siya sa harapan niya ng may dumating na namang isang baso ng brandy doon. "I ordered that"pagyayabang pa nito. Iiling-iling na ininom nalang niya ang alak na binigay nito. sasamantalahin na niya ang libre, nakakailang gabi na din kasi siyang napapagastos sa kakatambay sa lugar na ito. "Tell me your name and I'll help you with Liegh"anito. Napalingon siya sa lalaking mahangin ng wala sa oras sa sinabi nito sa kanya. "Kilala mo ang gurang na iyon?"tanong niya sa lalaki. Kitang-kita niya ang pagkawala ng ngisi nito sa labi sa sinabi niya. nag-enjoy naman siyang asarin ito mukhang kilala nga nito ang hinahanap niya. Kainis naman kasi, binigyan siya ng report wala namang picture man lang ng lalaki par asana madali niyang mahahanap ang lalaking iyon. "Yeah I personally know him"sagot nito ng seryoso. "Okay, I'm Tres"pakilala niya. Nakakunot noo itong nakatitig sa kanya na parang hindi makapaniwala o hindi talaga ito naniniwala sa sinabi niya. "Is that your real name?"tanong pa nito. Naiinis naman na tinignan niya ito napaka-antipatiko ng kumag na ito. matanong pa masyado. "Wag mo ng alamin"naiinis niyang sagot. "Di ko na din sasabihin kung sino si Leigh"kalamanteng sagot nito. Naiinis na inirapan niya ito, mukhang wala siyang choice kasi mukhang ito lang din ang makakatulong sa kanya kung sakali. "Trinity Kate Fuentes"pakilala niya. Hindi naman nagsalita ang katabi niya kaya naman napatingin siya sa katabi niya. nakita niyang titig na titig ito sa kanya na kala mo nakakita ito ng kung anong aparisyon sa kanya. "Babae ka nga"sagot pa nito sa kanya na seryosong mukha. Mariing napapikit naman siya sa sinabi nito. matagal na niyang kinalimutan na babae siya. Simula ng masiguro niyang isa siyang lalaking natrap lang sa katawang ito. "Lalaki ako"mariing sagot niya habang nakapikit siya. Nang imulat niya ang mata niya nakita niyang hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nakatitig pa din ito sa kanya na may seryosong mukha. "Ano matutulungan mo na ba akong makilala ang gurang na Leigh na iyon"naiinip niyang turan sa kaharap. Napasmirk na naman ito sa kanya. for the second time napahanga na naman siya ng lokong ito. ang gwapo niyang tignan habang nakahalf smile ang kumag. Para talaga itong greek god na bumaba sa lupa kung makaasta. Ganito ang gusto kong maging kapag naging lalaki na ako ng tuluyan. Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya na nakikipagshake hands sa kanya. mukhang magpapakilala din ang kumag sa kanya. Aba dapat lang nasabi ko na ang mabaho kong pangalan sa kanya. "Trinity Kate Fuentes, I'm Leigh Caleb Smith its nice to meet you"nakahalf smile na pakilala nito pero seryoso ang pagmumukha. Nanlalaki naman ang mata na napatitig siya sa mukha ng kaharap niya. Holy cow, pakingsiyet! Siya iyon? kala ko gurang... .................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD