"SIR MAY naghahanap po sa inyo?"tanong ng secretary niya mula sa telepono.
Napatingin siya sa orasan na malapit sa kama niya, alas-dyes pa lang ng umaga sabi dito.
Muli niyang tinignan ang cellphone na hawak niya nakita niya ang oras doon parehas lang ng sinasabi ng oras niya. para sa kanya maaga pa para magising siya, at miyerkules ngayon. Kapag ganitong araw hindi siya nagpupunta sa opisina niya.
"What day is today, Jane?"walang gana na sagot niya sa secretary niya.
"I'm sorry sir---"
"Hoy, gurang bakit hindi ka pa pumasok? Anong oras na late ka na!"
Napabalikwas naman siya sa narinig niyang boses sa kabilang linya.
"Tres"hindi makapaniwalang tawag niya sa kausap.
"Hmmm...babe"lalo pa siyang nagulat ng bigla nalang may humimas sa kanyang tyan mula sa tabi niya.
Paglingon niya nakita niya ang isang babaeng hindi niya kilala, na sa tingin niya ito ang nakuha niyang kasama kagabi mula sa Fortress.
"Tangina, gurang iyan ba ung bebot kagabi?"narinig na naman niyang reklamo ni Tres sa kabilang linya.
Mariing napapikit naman siya at sunod sunod na napamura.
This is the first time na nawala siya sa sarili niya, as he can see nasa loob siya ng bahay niya. at may kasama siya ngayon na babae sa kama niya which is hindi niya ginagawa kahit kailan. Worst inabutan pa ng umaga sa bahay niya.
"Fvck!"mura niya.
Hindi na niya sinagot pa ang kahit na anong sinabi ni Tres sa tawag nito basta nalang niya ito pinatay.
Tumayo siya, knowing na wala siyang kahit na anong saplot beneath the blacket covering him.
"Take all your cloths and leave"mariing utos niya sa babaeng nakatunghay sa kahubdan niya.
Hindi na din niya binigyan pa ng pagkakataon na makaangal ito sa kanya. iniwanan niya ito at nagtuloy na siya sa loob ng banyo. Pagpasok palang niya agad siyang tumapat sa show at naligo.
Kahit na sa banyo na siya at naliligo hindi pa din siya matigil sa kakamura niya ng maalala ang nangyari kagabi.
Malinaw ang lahat sa alala niya kahit pa sabihin na lasing na lasing siya kagabi. Alam niya lahat ng ginagawa niya kagabi pati na din ang katangahan na ginawa niyang pag-uuwi ng babae sa bahay niya.
"Damn that lesbian"mura niya.
Alam niya ngayon pinagtatawanan na siya nito, alam niya iyon dahil na din sa pustahan nilang dalawa. pero sa ngayon iniisip nalang niya na siya ang nanalo dahil siya naman ang nakapag-uwi ng babae at hindi ito.
Paglabas niya ng banyo wala na nga ang babae sa loob ng kwarto niya. nagbihis lang siya at nagmaneho na papunta ng opisina niya.
"Jane, is that crazy woman still there?"tanong niya sa secretary niya habang nagdadrive.
"Sir?"tanong naman nito sa kanya.
Buti nalang nakastop sila ngayon dahil naka red light ang stop light. Kaya malaya siyang mapapikit ng mariin at mahimas ang sentido niya. nanakit dala ng matinding hang over niya dala kagabi.
"The guy whose looking for me a while ago?"naiinip niyang tanong dito.
Malamang na nakadamit panglalaki si Tres, lesbian nga. Sa unang tingin talaga masasabing lalaki iyon hindi babae dahil sa astang lalaki nito.
"Ah---ye...yes sir"halos paungol na sagot ng secretary niya.
Napakunot naman ang noo niya sa inasta ng secretary niya. Kilala na niya ito for five years ngayon lang ito nagkaganitong sumagot sa kanya. May hinala na siya sa nangyayari ngayon sa opisina niya.
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang sekretarya niya, nagmadali na siyang makarating sa opisina niya.
Gulat ang bumungad sa kanya ng mabungaran siya ng mga empleyado niya. kabisado na kasi siya ng mga ito na hindi pumasok sa opisina niya. madalang pa sa patak ng ulan sa Mayo, sabi nga ng mga kaibigan niya.
"Good morning Sir"bati ng secretary niyang gulat na gulat na makita siya.
Naniningkit ang mata niyang tinitigan ang itsura ng secretary niya.
Magulong buhok, magulo din ang damit. Maging ang lipstick nito lagpas lagpas na halatang galing sa halikan. Hindi na din nakatack-in ang damit nito na palagi nitong ginagawa.
"Miss Dizon"tawag niya dito.
Pero hindi pa man nakakasagot ito siyang tayo naman ng taong kinaiinisan na niya ngayon. Kagabi lang naaaliw pa siya dito ngayon hindi na.
"Honeypie bakit naman tumayo ka na hindi pa ako tapos"malambing na tanong nito sa sekretarya niya.
"TRES!"sigaw niya sa...ano bang itatawag niya sa taong ito.
"Oh, gurang nandyan ka na pala"masayang puna nito sa kanya.
Naiinis na nilapitan niya ito at walang pakundangan na hinila niya ito papasok sa loob ng opisina niya. Sa paglapit niya sa dalawa nakita niya ng malapitan kung anong kabalbalan ang ginagawa ng dalawa.
"I need an explaination Miss Dizon"bulong niya sa secretary niya bago siya tuluyan na pumasok sa loob ng opisina niya.
"Bakit ba? Ano bang problema mo?"reklamo naman ni Tres ng makapasok na sila sa loob ng opisina niya.
Naiinis na nagpalakad lakad siya sa harap nito, pilit na pinapakalma ang sarili niya.
"Hoy! Nabuang ka na naman"sita nito sa kanya.
"Will you shut your mouth"sigaw din niya dito.
Sinamaan lang siya nito ng tingin, hindi naman siya nagpatalo sa taong ito. sinamaan din niya ng tingin, nagkatitigan na silang dalawa na masama ang tingin sa bawat isa.
"What do you need? Bakit kailangan mo pang puntahan ako dito sa opisina ko at guluhin ang sekretarya ko sa trabaho niya?"hindi na niya napigilang tanong dito.
"Ganti ko lang iyon dahil inagaw mo ang bebot ko kagabi"maangas na sagot nito sa kanya sabay upo sa sofa niya doon.
Natigilan naman siya sa pagmamarakulyo niya sa naging sagot nito sa kanya. Napapantastikuhang tinignan niya ito ngayon, samantalang kanina lang galit na siya dito.
"Iyon lang"hindi makapaniwalang tugon niya.
Tinignan lang siya na parang sinasabi na 'oo iyon lang may angal ka' look.
Naiiling na naupo na siya sa tabi nito at pinakatitigan ang mukha nito.
Ngayon na wala ng sapi ng alak sa katawan niya mas na-appreciate niya ang mukha nito.
Sa una lang talaga ito pagkakamalang lalaki, dahil kahit na wala itong make-up, maiksi ang gupit ng buhok, nakapanlalaking damit masasabing isa pa din itong babae. Regardless sa malaki nitong hinaharap na natatabunan ng malalaking damit pang-lalaki.
Maliit lang ang hugis ng mukha nito na hugis puso, manipis din ang kilay at labi nitong sobrang pula na hindi na kailangan ng lipstick. Ang mata hindi masasabing singkit o bilugan tamang tama lang ang laki. Ang ilong matangos na manipis ang korte, hindi nga lang maputi kasi morena na bumagay naman dito.
"Tapos ka ng pagmasdan ang kagwapuhan ko"maangas na sita nito sa kanya na nakapagpabalik ng ulirat niya.
Umiwas naman siya ng tingin at napatitig sa table niyang sandamak-mak ang papel na nakasalansan.
"Ano bang kailangan mo talaga sakin?"tanong niya dito ng makabawi na siya.
"Wala naman, curious lang ako sayo"anito.
Napalingon naman siya dito, hindi na naman makapaniwala sa sinasabi nito sa kanya ngayon.
"Oh c'mon, hindi ka mag-aabalang magtanong-tanong para lang hanapin ako sa kadahilanang curious ka lang"napapantastikuhang sagot din niya dito.
"Sa curious ako, magagawa mo"pagalit na sagot nito sa kanya.
Unbelievable talaga ang babaeng ito, pero kahit na ganon ang sagot nito hindi pa din siya maniniwala dito. Pero hindi din niya pwedeng ipahalata na hindi siya naniniwala sa sinabi nito sa kanya.
"Okay fine, now that your curiousity paids off. Tatantanan mo na ako, okay na isang gabing nakasama mo ako sa bar I guess. Pati na din ang araw na itong pinuntahan mo pa talaga ako sa opisina ko para lang romansahin ang sekretarya ko in board daylight"aniya dito using his most intimidating look.
Pero mukhang wa epek naman sa babaeng ito ang looks niya.
Asa ka naman Leigh, tomboy nga diba.
"Okay na, bigyan mo nalang ako ng trabaho. Tutal friends na tayo, tulungan mo nalang akong magkatrabaho"maya-maya'y sagot nito sa kanya.
Natitigilan na naman na napatitig siya sa mukha nitong muli sa sinabi nito.
Ano daw kaibigan na niya ito at nanghihingi ito ng trabaho sakanya.
Unbelievable!
MALAS!
Kagabi pa niya iyan bukam bibig, paano ba naman kasi kagabi pa siya minamalas.
May lumapit ba naman kasing bebot sa kanya habang kausap niya si Leigh. Pero bago iyon malas na siya ng gabing iyon dahil sa dinami-dami ba naman ng mapagtatanungan niya sa mismong target pa niya siya nakapagtanong.
Nasira tuloy ang diskarte niya ngayon, tuloy kailangan niyang mag-isip ng bago.
Balik tayo doon sa bebot na lumapit sa kanya.
Noong una siya ang hinaharot nito, mukha gaya niya attracted din ito sa kanya. kahit pa nga binulungan na niya itong lesbian siya. Okay lang daw dito, kaya ayun sa inis niyang maling tao ang napagtanungan pinansin na din niya ang babae kahit na nasa mission siya.
"Hey! I said get out!"sigaw na naman sa kanya ng kumag.
Napangisi naman siya ng makitang naiinis na ito sa kanya, kaya mas iinisin niya ito ngayon buong araw na ito. bukas nalang niya iintindihin ang trabaho niya sa lalaking ito. mahalaga ngayon mainis niya ito kagaya ng pagkainis niya kagabi.
Agawan ba naman siya ng date, tinawag lang ng 'babe' ng kumag na ito ang babaeng lumapit sa kanya bigla nalang siyang nakalimutan ng babae. Naiinis pa siyang lalo ng iwanan na siya ng dalawa at pinakita pa ng kumag na ito ng halikan nito ang babae sa labi.
"Bakit baa tat kang paalisin ako? Siguro ikaw naman roromansa sa secretary mo"pang-iinis pa niya dito.
Hindi naman niya napaigilan ang matawa ng malakas ng magmura ito ng malakas at nanlalaki ang mata na nakatitig na sa kanya.
"Ito hindi mabiro, nalawayan ko na iyon kaya akin na iyon ha"aniya pa dito habang tumatawa.
Lalo naman itong nagalit sa kanya, kulang nalang makita niyang umuusok ang ilong nito sa galit sa kanya.
"Out Tres, get out I said!"nanggigigil na pagtataboy nito sa kanya.
"Sasabihin ko naman kay baby na tauhan mo na ako, salamat sa trabaho boss!"aniya dito sabay saludo at sibat niya ng makitang tumayo na ito sa kinauupuan.
Tatawa-tawa namang siyang lumabas ng opisina ni Leigh. Paglabas niya nabungaran niya ang sekretarya nito na nag-aayos pa din ng sarili.
"Hi baby, tawag ka ng amo mong masungit"nakangising turan niya dito kahit na hindi naman totoo ang sinabi niya.
Nang tumayo ito at napadaan sa tapat niya bigla niyang dinakma ang pang-upo nito sabay bulong ng...
"Mamaya after work sunduin kita tuloy natin"bulong niya dito.
Kita niya ang pamumula ng pisngi nito pero tumango naman ito sa kanya.
Nagdidiwang ang buo niyang pagkatao na umalis ng opisina ni Leigh. Kahit na nabakante siya ng ilang araw mukhang kahit paano makakabawi na siya ngayon. Mababantayan na niya ang mission niya may kasama pa siyang bunos na bebot na mukhang magiging jowa niya kahit sa shot time lang.
Paglabas niya sa building kung saan naroon si Leigh hindi siya masyadong lumayo dahil kailangan niyang bantay sarado ang lalaking ito.
Hanggang ngayon palaisipan pa din sa kanya kung bakit kailangan niyang bantayan ang lalaking ito. ang sabi lang manmanan niya itong mabuti, wag maalis sa paningin niya. mas mainam pa kung mapapalapit siya dito para malaman niya ang buong transaction nito.
Una pa ngang nasa mission niya akitin niya ito at dapat maging karelasyon niya ito at kunin niya ang buong tiwala.
Buong akala naman niya gurang na, as in matandang matanda kasi kailangan pa niyang akitin ang lalaki. pero hindi niya talaga buong akalain na batang bata pa ang aakitin daw niya, dyosmiyo hindi naman kakayanin ng pagmumukha niya na akitin ito. kasi mukhang napapaligiran pa ito ng naggagandahang bebot. Advantage na naman niya iyon kasi madami din siya mapagpipiliin na babae kung magkataon.
Kahit na labag sa mission niya binago niya ang approach niya, dapat aalamin lang niya ang mukha nito sabay mamanmanan lang niya sa malayo. Pero nabago ng makilala na din siya nito kaya ang plano na nya ngayon kakaibiganin nalang niya ito.
Sa ganoong paraan mababantayan niya ang bawat kilos nito na hindi nito nalalaman.
Wala pa siyang sampong minuto na nakaupo sa sasakyan niya nakita na niyang bumaba ng buiding nito ang lalaki at sumakay na sa sasakyan nito.
Napataas naman ang kilay niya sa nakitang kilos nito.
Ang bilis naman nito sa opisina niya.
Sinundan niya ito, hanggang sa makarating sila sa bar.
Fortress...
Basa niya sa pangalan ng establishimento na pinuntahan ng lalaki. napataas ang kilay niya ng makitang tanghaling tapat pumupunta na ito sa Bar. Gustuhin man niya sanang pumasok hindi niya ito magagawa magtataka na kasi ang lalaki.
Kaya naman matiyaga niya ito hinintay hanggang sa maggabi, nagugutom na siya hindi pa din umaalis ang lalaki sa loob. Naabutan pa nga ito ng pagbubukas ng Bar.
"Bwisit mukhang alak pa yata ang lalaking ito"bulong niya sa sarili niya.
Nalipasan na sya ng gutom, hindi na siya nakakain ng tanghalian pati hapunan sa kakahintay sa lalaking ito. mag-aalas dos na ng madaling araw ng lumabas na ito ng loob ng bar.
Muli na namang napataas ang kilay niya ng makitang may kasama na naman itong babae. Napasipol pa siya ng mabistang maganda at sexy ang kasama nitong babae ngayon.
"Tangina, iba talaga kapag gwapo. Kaya dapat mapromote na ako nga lumaki na ipon ko ng makapagpasex change na nga"bulong na naman niya sa sarili niya.
Sinundan niya na naman ang lalaki ending sa isang hotel. Saan pa nga ba nagpupunta ang mga ganitong playboy kundi sa isang hotel lalo pa at may kasamang babae.
Pero kalupit lang after ng one hour nag check out na ang lalaki hindi na nito kasama ang babae. Mag-isa na itong umalis ng hotel, hindi pa man siya nakakatiyempong kumain paalis na naman sila.
Muli niyang sinundan ang lalaki hanggang sa dumating sila sa isang mamahaling subdivision dito sa Makati City. Hindi na nga siya nakapasok dahil wala naman siyang pass o id man lang na bigay ng isa sa mga may-ari ng subdivision na iyon.
Mukhang mamahalin talaga dahil exclusive lang ang pwedeng makapasok.
Nang tanungin siya ng guard kung sino ang pupuntahan niya wala naman siyang maisagot. Hindi niya pwedeng sabihin na si Leigh ang pupuntahan niya nga dis oras ng madaling araw. Sigurado siyang tatawagan ng mga ito ang binata. Masisira na naman ang plano niya kung nagkataon.
Kaya naman nagpanggap siyang may tinawagan sa cellphone niya at kunwaring nagkamali siya ng liko kaya naman hindi na siya pinansin ng mga guard ng magpaalam na siya sa mga ito.
Babalik ako, sisiguraduhin ko makakapasok na ako sa susunod...
Gutom, puyat, at pagod na nagmaneho na siya pabalik sa inuupahan niyang apartment hindi kalayuan sa Bar kung saan sila kanina nanggaling.
Pero mukhang kailangan na naman niyang lumipat ngayon dahil na din sa malayo ang inuupahan niya sa babantayan niyang tao. Inconvenient iyon para sa kanya, hindi niya mababantayan ng maayos ang target niya kung malayo ang tinutuluyan niya. hindi din naman magandang magstay nalang siya sa sasakyan, pagkakamalan siyang masamang loob noon. Mabubulilyaso pa siya kung magkataon.
...................