KING HECTOR'S POV PINAGMASDAN ko si Aurhea habang naglalakad ito palayo. Bitbibitbit nito ang laylayan ng mahabang gowan. Ewan ko ba pero parang may kakaiba talaga sa kanya. Hindi ko lang matukoy kung ano yon. Kaya hindi ko maiwasang hindi magduda. Hindi ko tuloy batid kung nagsasabi ba siya nang totoo o hindi. Kung nakakaalala na ba ito o hindi, yon ang hindi ko alam. Pero paano kung nakakaalala na pala ito at ginagamit lang ang sakit niya para kaawaan siya nang mga tao sa paligid niya. Ah, yon ang huwag na huwag niyang gagawin. Ayaw ko sa manloloko at sinabi ko na yon sa kanya. Siya din, bahala siya. Subukan lang talaga niyang magsinungaling sa akin. Binalaan ko naman na siya. Oras na malaman kong nagsisinungaling siya, humanda talaga siya.. Paparusahan ko talaga siya nang parusang nar

