CLEMENTINE’S POV MAY okasyon ngayon dito sa palasyo. May mga importante yatang mga bisita si King Hector. Mga banyaga yata at mga galing pa sa karatig bansa. Kaya naman abala lahat lalo na ang mga tagapagsilbi na nakatoka sa kusina. Tapos na yong trabaho ko kaya tumutulong-tulong din ako sa kanila kahit yong paghiwa lang ng mga gulay. Inaawat nila ako pero sabi ko hayaan na lang nila ako. Kaya wala din lang silang nagawa. Gusto ko sanang magpahinga din at talagang pagod ako. Pero nahiya naman akong hindi tumulong. Ayaw ko namang maghihilata lang habang sila hindi magkandaugaga sa mga ginagawa nila. Pare-pareho lang naman kaming mga tagapagsilbi. Kaya ipinasya kong tumulong na lang. Bandang hapon ng ipatawag ako ni King Hector. Maaga pa lang pero nakabihis na ito. "Tumulong ka mamayan

