KING HECTOR'S POV KANINA pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Bawat galaw ni Clementine ay sinusundan ng mga mata ko. Ewan ko lang kung napapansin ba niya pero kanina pa siya pinagtitinginan ng halos lahat ng mga lalaking bisita. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis. Ewan ko kung bakit? Marahas akong napabuntong-hininga. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasunod ng tingin sa kanya. Ang hirap aminin pero napakaganda at napakasexy niya. Lumitaw yon sa suot niyang damit ngayon. Hindi siya nagmukhang katulong kundi nang-aakit. Hanggang ngayon nga'y ramdam ko pa ring para akong sinisilaban. Tayong-tayo yong batuta ko sa baba. Tila gustong kumawala. Hindi ko rin maintidihan yong sarili ko. Bakit kaya bigla-bigla akong nagkakaroon ng pagnanasa sa babaeng yon? Naiinis tuloy ako. Muli

