CLEMENTINE’S POV NAKAHINGA ako nang maluwag nang makitang nailigpit na lahat ng gamit. Tumulong na din kasi ako sa pagliligpit para mabilis yong trabaho. Para pare-parehong makapagpahinga na. Sabi nila mauna na akong magpahinga pero nakokonsensiya naman akong iwan sila. Ayaw kong umalis na may naiwan pang trabaho. Saka baka mamaya mapansin ako ni King Hector na hind tumutulong, mapagalitan na naman ako. Sa totoo lang sobra yong pagod na nararamdaman ko nang mga oras na yon. Lantang-lanta yong katawan ko. Tapos masakit pa yong mga pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na pero malalim na ang gabi. Kaya gusto ko na talagang magpahinga. Paakyat na ako nang kuwarto ko nang tawagin ako ni Ate Doris. “Bakit ate?” nagtatakang tanong ko. “Ayy Ma’am, ipinapatawag po kasi kayo ni Sir,” anito.

