CLEMENTINE’S POV BAHAGYA akong nag-angat ng ulo nang marinig kong may tumatawag sa akin. May tao akong nakitang papalapit sa kinaroroonan ko pero dahil madilim hindi ko masyadong makita kung sino. Medyo pamilyar ang boses niya. “Yale?” gulat kong sabi nang tuluyan itong makalapit sa akin. “Sabi na nga ba ikaw yong nakita kong lumabas kanina,”anito. “Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba umalis na kayo? Nakita ko kasi kaninang paalis na ang karwahe ni King Hector. Akala ko naman kasama ka.” Hindi ako umimik. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya na iniwan nila ako. Wala akong lakas ng loob. Nauunahan ano nang hiya. Narinig ko ang bahagya nitong pagbuntong-hininga. "Haays! Gago talaga yong kapatid kong yon," anitong parang alam na kung anong nangyari. Kapatid? Kaya pala m

