CLEMENTINE'S POV
MAAGA pa lang kanina ay nag-ayos na ako. Ayaw kong mapagalitan na naman niya.
Simpleng dress lang isinuot ko. Ayaw kong magsuot ng magagarbo. Pero tiniyak ko namang babagay yon sa akin. Hindi rin ako masyadong nag-apply ng mga kolorete sa mukha. Konting blush at lipstick lang ang tanging inilagay ko sa mukha ko. French bun lang din ang ginawa ko sa buhok ko saka nagtira nang ilang hibla sa harap. Napangiti ako nang makita ko namang okay ang ayos ko. Naghintay na lang muna ako dito sa kuwarto. Saka na ako lalabas kapag tinawag na ako.
Di nagtagal nakarinig na ako nang mahihinang katok sa pinto nang kuwarto ko. Tumayo ako saka binuksan yon.
Napatanga pa si Renzo nang makita ako. Parang nakakita ito nang multo.
“May problema ba?” hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
“Wala po, Maam,”nailing nitong sabi. “Ang ganda niyo po. Halos hindi ko kayo nakilala. “
Ngumiti ako sa kanya. “Salamat.”
“Tara na po. “Inialok nito ang braso sa akin.
Tumango lang ako saka kumapit sa braso niya. Diretso kami sa karwaheng naghihintay sa labas. Nagulat pa ako nang bumukas ang pinto nun. Andun na nakaupo si King Hector. Umakyat na din ako. Hindi man lang ito nag-abalang alalayan ako. Si Renzo pa ang tumulong sa akin para makaakyat.
Maingat akong naupo sa harap niya. Ni hindi ko siya tinitingnan. Sa labas ko ibinaling ang paningin ko. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Kaya sinikap ko talagang huwag tumingin sa kanya.
“Tara na,”narinig kong sabi nito.
Dalawa lang kami sa loob ng karwahe. Nakakailang tuloy. Ito pa namang kinabubwisitan kong tao ang kasama ko pa dito. Ewan ko ba pero hirap na hirap akong huminga kapag nasa paligid siya. Paano ba naman kahit wala naman akong ginagawang mali, umiinit ang ulo niya sa akin. Kaya hindi ako puwedeng naglalapit sa kanya.
Nagulat pa ako nang magsalita ito. Humarap ako sa kanya.
“Umayos ka doon, ha?”mariing sabi nito. “Huwag kang gagawa nang kahihiyan.”
“Yes, Sir,”sabi ko na lang.
Mayamaya’y tumigil ang karwahe sa tapat ng isang malaking bahay. Dito na marahil yong destinasyon namin.
Nauna na nga itong bumaba. Hindi ko na rin hinintay na may umalalay pa sa akin. Ayaw kon g maging pabigat pa. Bumaba na rin ako.
“Ayaw mo bang pumasok sa loob?” tanong ni King Hector kay Renzo.
“Dito na lang po ako sa labas. Hintayin ko na lang po kayo dito, Sir,” magalang nitong sabi.
“Okay.”Bumaling ito sa akin. “Tara na.”
Sumunod naman na ako agad sa kanya. Hindi ako sanay sa mga ganitong okasyon kaya bahala na.
“Yong bilin ko sayo,”paalala pa nito sa akin habang naglalakad kami papasok sa loob.
Sinalubong kami nang mga taong naroon ng makitang papasok kami sa loob. Isa-isa silang bumati sa amin at nagpakilala. Ni wala akong kilala sa kanila kahit isa.
“May sakit pa rin siya kaya pagpasensiyahan niyo na kung hindi niya kayo maalala,”nakangiting sabi ni King Hector. Nakaintindi naman ang mga ito.
Mayamaya’y lumapit sa amin ang isang tagpagsilbi roon at sinamahan kami sa upuang para sa amin.
“Salamat,”sabi ko sa kanya bago ito umalis.
Halos lahat ng mga mata nakasunod sa akin ng mga oras na yon. Ang hirap talaga kapag kilalang tao ka. Laging binabantayan ang mga kilos mo. Tinitingnan kung magkakamali ka. Nakakailang tuloy.
“Dito ka muna. May kakausapin ako,”mayamaya’y sabi ni King Hector. Hindi na nito hinintay na sumagot ako. Umalis na agad ito at hindi ko alam kung saan pupunta. Naiwan akong mag-isang nakaupo doon habang pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga tao roon.
‘Bahala kayo diyan’ sa isip-isip ko.
Hindi ko na lang sila pinansin. Magsasawa din namn siguro sila. Sinikap ko na lang aliwin ang sarili ko. Kararating pa lang namin pero nababagot na agad ako. Hindi ko kasi talaga hilig ang magpupunta sa mga okasyon. Mas gugustuhin ko pang matulog at magpahinga kaysa sayangin ang oras ko sa mga ganitong bagay.
Wala akong kahilig-hilig sa mga ganito. Ang mga barkada ko nga walang magagawa kapag ayaw kong pumunta.
Iginala ko ang paningin sa paligid. Ang daming tao. Kaso wala naman akong kilala sa kanila. Ayaw ko namang makisiksikan sa kanila at makipag-usap. I'm sure yong mga iba diyan mga plastic lang din naman. Masasayang lang ang oras ko. Ayaw ko pa naman sa mga ganung klase nang tao.
Actually ang Queen dito ay walang kapangyarihan. Para lang siyang ordinaryong tao. Title lang naman kasi ang meron siya, Kaya lang wala namang silbi yon. Hindi siya puwedeng makialam sa mga nangyayari sa loob at labas ng palasyo. Tanging ang King lang ang may kapangyarihan dito. Siya ang nagdedecide lahat. Sa pagkakaalam ko ganun na ang sistema nang pamumuno ditto simula pa lang.
.
Mayamaya'y may lumapit sa aking lalaki. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita.
"Buti naman nakapunta ka," anitong titig na titig sa akin.
Tiningnan ko din siya at sinalubong ang mga titig nito. Guwapo ito. Bagay na bagay dito ang singkit nitong mga mata. Parang may k-pop vibe ito.
" Uhm magkakilala ba tayo?" hindi ko maiwasang hindi tanungin ito.
Tumango ito."Ou pero sigurado ako hindi mo ako maalala."
Kahit ipakilala pa nito ang sarili hindi ko naman siya kilala.
"Friend ba kita?" tanong ko sa kanya.
Umiling ito. "Hindi mo lang ako basta kaibigan. Kababata mo pa ako."
Uhm okay? So childhood friend pala ni Aurhea ang kumag na ito. So kailangan ko din pala siyang pakisamahan kung ganun.
"Ikaw ba ang nag-invite sa akin dito?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Ou. Gusto kitang makita,e. Buti isinama ka ni King Hector." Mapait itong ngumiti." Ano ba kasing pinaggagawa mo sa buhay at nawala ang memorya mo?"
"Hindi ko din alam. Basta nagising na lang ako isang araw na walang maalala sa sarili ko," pagsisinungaling ko sa kanya. Ang hirap talagang magsinungaling. Nakakakonsensiya.
Marahan itong bumuntong-hininga. "Sana gumaling ka na para maalala mo na ako."
" Sana nga,"sabi ko na lang.
Mayamaya'y nagpaalam ito saglit para asikasuhin ang ibang mga bisita nito. Nangako namam itong babalik.
NAHIHILO na ako kakahanap kay King Hector. Mula nung nagpaalam kasi ito ay hindi na ito bumalik pa. Hindi ko alam kung saan na ito nagpunta. Bigla na lang itong nawalang parang bula. Ni anino nito hindi ko makita. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko maiwasan.
Lumabas ako at tiningnan ang karwahe sa labas. Pero nanlumo ako nang hindi ko na yon makita pa doon. Gusto kong maiyak ng mga oras na yon. Mukhang tama nga yong hinala ko. Iniwan na nila ako dito.
Paano ako ngayon uuwi nang palasyo? Hindi ko pa naman kabisado dito. Alam ko galit sa kin si King Hector pero sobra naman yata ito. Alam naman niyang malayo dito tapos gabi pa. Buti sana kung lalaki ako. Pakiramdam ko tuloy sinadya niya ito. Parang isinama lang talaga niya ako para iwan dito.
Nanghihinang naupo ako sa malaking bato na naroon. Sapo nang dalawang kamay ko ang mukha ko. Parang maiiyak ako sa sobrang sama nang loob ko nang mga oras na yon. Nakakainis! Did he expect me to walk mula ditto hanggang sa palasyo? At this hour? Walang bas siyang konsensiya? Hindi ko alam ang daan pauwi! Saka babae ako. Hindi ba niya iniisip ang puwedeng mangyari sa akin sa daan?
Ayaw ko din namang kumausap ng tao sa loob para lang ihatid ako. Kahit ganito lang ako may pride din naman ako. Ayaw kong dagdagan pa yong kahihiyang nararamdaman ko. Sa totoo lang sobrang nanliliit ako sa sarili ko nang mga oras na yon