CLEMENTINE'S POV
NASA garden ako sa likod ng palasyo nang mga oras na yon. Wala akong magawa kaya doon muna ako tumambay pansamantala. Presko kasi ang hangin dito saka maganda ang tanawin. Napapaligiran ng mga halamang namumulaklak ang paligid. Ang ganda sanang magselfie dito. Ang aliwalas ng paligid. Bigla ko tuloy namiss yong cellphone ko. Hindi ko alam kung kailan uli ako makakagamit nun since na-stuck naman ako dito.
Marahan akong napabuntong-hininga.
Malapit nang magsimula ang pasukan. Kung hindi ako nagkakamali start na nang enrollment ngayon. Sigurado pahirapan na naman ngayon lalo na sa pagpila. Andun na naman sana kami nang mga kaibigan ko sa registrar na pabalik-balik. Nagtitiis na pumipila para kunin ang grades.
Hindi naman ako naghahangad ng magandang buhay. Simple lang ang pangarap ko. Makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. Kaya nagsisikap ako para suportahan ang sarili ko. Graduating na ako this coming school year. Kunting kembot na lang sana magbubunga na yong mga paghihirap ko. Unti-unti ko na sanang maaabot ang mga pangarao ko. Tapos ganito lang pala ang mangyayari sa akin? Asan ang hustisya?
Kung tutuusin ang dami pang puwede sanang mangyari sa buhay ko. 21 years old lang ako at ang bata ko pa. Marami pang naghihintay sa akin. Malayo pa ang mararating ko. Sayang din yong career ko sa pagsusulat. Hindi ko na magagamit ang talent kong yong dito. Walang kuwenta yong mga sacrifices ko. Wala din pala akong mapapala. Kung makakabalik pa ba ako sa mundo ko, hindi ko alam. Kung iisiping mabuti, parang malabo na. Sa ngayon umaasa na lang ako sa milagro kung meron.
Naalala ko tuloy yong mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Sana okay lang sila. Sigurado sinisisi nang mga yon ang mga sarili nila sa pagkawala ko. Wala din namang may gusto nang nangyari sa akin. Kaya walang dapat sisihin. Pero naiwasan ko din sana ito kung hindi ako sumama sa kanila. Pero sino ba naman kasi ang mag-aakala nang mangyayari sa akin ang ganito di ba? Unexpected yon ganitong pangyayari tapos sa mga movies at mga libro mo lang nangyayari.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdamang parang may nanunuod sa akin. Tumingin ako sa likod ko. Nagulat pa ako nang makita ko si Renzo na nakasandig sa malaking puno nang kahoy malapit sa kinaroroonan ko. Nakatingin siya sa akin ng mga oras na yon.
“Anong ginagawa mo diyan?” alanganing tanong ko sa kanya.
Lumapit ito sa akin. “Tatawagin ko lang po sana kayo.”
Kumunot ang noo ko. “Huh? Bakit naman?”
“Ipinapatawag po kasi kayo ni Sir, Maam,”sagot nito.
Sir at Maam lang ang kadalasang itinatawag nila sa aming dalawa ni King Hector. Simple lang pero nandun yong paggalang. Actually mas okay naman yon kaysa tawag-tawagin ka pang kamahalan o kung ano-ano pa diyan.
“Bakit daw ba?” medyo curious kong tanong. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin?
Bigla akong kinabahan. Sa totoo lang natatakot talaga ako sa kanya. Ikaw ba naman ang bigla-bigla na lang papagalitan at sisigawan kahit walang ginagawa. Nakakabwiset sa totoo lang! Minsan parang gusto ko na lang sagot-sagutin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka mamaya magalit kasi yon pugutan ako nang ulo. Ewan ko ba kung bakit ganun kasi ang ugali niya. Siguro may saltik yong manyakis na yon. Pero pansin ko kasi sa akin lang naman siya ganoon. Sa iba hindi naman.
“Hindi ko din po alam,”anito. “Tara na po, Maam. Baka naghihintay po si Sir.”
Tumayo na ako at sumunod na din agad kay Renzo. Ayaw kong mapagalitan na naman niya. Kahit simpleng bagay nagagalit kasi yon.
Kumatok muna si Renzo sa pinto nang library. “Andito na po si, Maam.”
“Papasukin mo, Renzo,”utos ng baritonong boses sa loob.
Binuksan ni Renzo ang pinto saka ngumiti sa akin. “Pasok na po kayo.”
Huminga muna ako nang malalim bago ipinasyang pumasok. Kinakabahan talaga ako. Nilingon ko ang pinto nang marinig kong tumunog yon. Isinara yon ni Renzo.
‘Ano ba yan?’ kako nang maramdamang mas lalo akong kinabahan.
Nilakasan ko ang loob ko saka lumapit kay King Hector na nakatalikod ng mga oras na yon. Nakatayo ito malapit sa bintana habang may hawak na baso nang alak sa kamay. Humarap ito nang maramdaman ang presensiya ko.
Matiim niya akong tinitigan. Galit at pagkasuklam ang mababasa sa mga mata nito nang mga sandaling yon. Hindi ko na lang pinansin yon.Wala na akong magagawa sa bagay na yon. Ganun na talaga siya. Anyway sanay naman na ako.
“Kunin mo ito,”utos nito sa akin. Ang tinutukoy ay ang hawak na puting envelope.
‘Ano naman kaya yon?’ sa isip sip ko.
Nag-atubili tuloy ako kung kukunin ba yon.
“Sabi ko kunin mo na ito diba?” sigaw nito saka itinapon ang envelope na hawak.
Natakot ako kaya agad kong pinulot yon.
“S-sorry…” hingi ko nang paumanhin sa kanya.
“Bingi ka ba , huh? Gigil mo ako,e” nangggalaiting sabi nito. Galit na naman ito kahit simpleng bagay lang.
“Pasensiya na po kayo.”Yumuko ako.
“Imbitasyon yan. Magbihis ka mamaya at mag-ayos. Isasama kita.” Mataas pa rin ang boses nito. “Mag-ayos kang mabuti. Huwag na huwag mo akong ipapahiya doon.”
Kapag siya ang kaharap ko tumitikom ang bibig ko. Halos hindi ako makapagsalita sa takot sa kanya. Parang umuurong na agad yong dila ko kapag sasagot pa lang ako. Kaya minsan tango na lang ang naisasagot ko.
Tumango ako. “Opo. Makakaasa kayo.”
Patuya niya akong tinapunan ng tingin. “Isara mo ang pinto kapag lalabas ka.”
Wala akong sinayang na oras. Agad na akong lumabas. Dumiretso ako sa kuwarto ko at naupo sa kama. Huminga ako nang malalim at pilit kinakalma ang sarili ko. Kabwiset talaga.
Napapikit ako. Pilit akong nagtatapang-tapangan kapag kaharap ko si King Hector. Pero ang totoo talagang takot na takot ako sa kanya. Magsasalita pa lang ito tumitiklop na ako. Kahit gustong kung sumagot, wala akong masabi sa sobrang takot.
Tiningnan ko ang envelope na hawak ko. Imbitasyon nga yon. Kung anong okasyon, yon ang hindi ko alam. Pero naka-address yon sa akin. Kaya pala ibinibigay niya sa akin. Sino naman kaya nagpadala nun?
Napabuntong-hininga ako.
Kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataon na a-attend ako nang okasyon. Sana naman walang maging problema. Kabilin-bilina pa naman niyang huwag ko siyang ipapahiya doon. Kapag nagkataon malilintikan ako sa kanya. Kung ako lang sana ang masusunod, hindi na ako pupunta, e.
‘Sana naman umayon ang sitwasyon sa akin’