SIMULA
Yakap-yakap ko sa aking dibdib ang malaking glass bowl na umaapaw ang popcorn sa dami.
Nandito ako ngayon sa opisina ng isa sa mga kaibigan ko, si Aria, at nanunuod ng morning news sa TV.
Rinig na rinig ko naman sa labas ang boses ni Aria na inuutusan ang mga trabahante niya.
Abala sila ngayon sa pag-aasikaso dahil isang oras na lang at magbubukas na sila, pagmamay-ari ng kaibigan ko ang Sweet Tooth Café. Aria sells her cakes and sweets.
Siya rin mismo ang gumagawa ng mga paninda niya. Bata pa lang kami ay paborito na niya ang pag-ba-bake.
Gustong-gusto ko talaga rito sa opisina ni Aria.
May mga araw na inuubos ko ang oras sa pag-ta-tambay dito. Ginawa niya ring bahay ang opisina niya dahil kumpleto ito sa mga gamit.
May sariling maliit na kusina sa gilid pagkatapos ay may maliit na lamesa at apat na upuan para sa hapagkainan. May malaking flat screen TV na dinikit sa pader at complete couch set sa gitna.
Nakapatong naman ang paa ko sa maliit na coffee table at komportableng nakaupo sa gitna ng malaking couch. Napapalibutan ang paligid ng mga naglalaking plorera at fresh flowers.
Sa kabilang gilid ay ang working station niya na may simpleng black office table, swivel chair at mga drawers na punong-puno ng business papers, at new cakes at sweets ideas para sa café.
May tatlong pinto naman para sa CR, room ni Aria at papunta sa café niya.
Napakaseryoso ng mukha ko habang nakikinig sa sinasabi ng TV reporter.
Napakagandang bungad sa magandang umaga ang binabalita ngayon dahil umagang-umaga pa lang kasi ay binabalita na ang pagpatay sa dalawang sikat na personalidad at magkasintahan.
It was Mr. Benedict Smith, the 55-year-old businessman, and his girlfriend, Ms. Mikaela Lustre, the 28-year-old socialite.
Nakita na lang ang malamig na bangkay nila sa inuupahang room sa isang kilalang hotel. May tama ng baril sa noo ang matandang lalaki at sa leeg naman ang babae.
Pinapaligiran ngayon ng mga reporter, journalist, investigator at police ang pinangyarihan ng krimen.
Iyon nga lang ay kontrolado ng mga kapulisan ang paligid habang labas-pasok ang imbestigador, at ang iba ay pinipilit na makapasok para makialam.
Sa sobrang seryoso ko sa pakikinig ng balita ay hindi ko namalayang bumalik na pala si Aria para samahan ako ngayon sa loob ng kaniyang opisina.
I just heard a loud gasp from her and when I looked at her, her eyes were already fixed on the TV screen and watching the news too.
“Oh my god, someone killed them?”
Hindi makapaniwala ang kaibigan ko sa narinig dahil kilala niya kasi ang dalawa na ngayon ay pinapakita na ang kanilang litrato sa TV noong nabubuhay pa sila.
Kilalang mabait at mapagbigay ang dalawa, pagkatapos ay tumutulong sa mga nangangailangan.
Nang nag-organize ng event si Aria para sa mga orphaned and abandoned children ay nanguna ang magkasintahan sa pagbigay ng malaking halaga. Aria even told to me after the event that they donated 30 million pesos. Sila raw ang nagbigay ng pinakamalaking pera kaya hindi niya malilimutan ang napakabuting puso ng magkasintahan.
Manghang-mangha siya sa mga ito at sinabi pa sa akin na bagay na bagay ang dalawa kahit malaki ang agwat ng mga edad nila.
“Hindi ako makapaniwala na may papatay sa kanila!” Aria even exclaimed. Ang kamay ang nakatapat sa parteng dibdib. Umupo na siya sa aking tabi at nanunuod na rin.
Habang ako ay abala pa rin ako sa pagnguya ng popcorn at walang mababasang emosiyon sa mukha.
Pinapakita naman ngayon sa TV na nilalabas mula sa hotel ang kanilang katawan. Siyempre ay nasa itim na body bag na ang kanilang malamig na bangkay. Nakatuon lang sa camera ang body bags hanggang sa maipasok sa sasakyan, at hanggang sa makaalis na ang sasakyan.
It was a live broadcast. And when it ended, the camera switched to the TV reporters on the set and they commented about what happened, saying it was a piece of shocking news, considering that the victims were known personalities in the business world who had good hearts.
Ugh.
Paano sila nakakasigurado sa mga sinasabi nila? I almost rolled my eyes because of their comments while Aria stayed quiet but kept on nodding her head, agreeing with the TV reporter’s words, which annoyed me more.
Minutes later, another news was showed on the TV screen. Binabalita ngayon ang ribbon cutting ni Mr. Hernandez Roscoe kahapon, ang self-made and youngest billionaire sa Pilipinas, sa ininvest nitong luxurious ship na natapos na pagkatapos ng ilang taon pagkakagawa at lalayag na sa kauna-unahang pagkakataon sa susunod na buwan.
It will be the first for the Philippines and everyone is now considering it as a history waiting to be happen. Sa susunod na linggo raw ay magsisimula na ang pagbebenta ng tickets at paniguradong magkakahalaga ng milyon ang isang ticket.
Hindi na naman makakarelate ang katulad ko na mahirap.
Kahit na iba na ang binabalita sa TV ay nasa isipan pa rin ni Aria ang naunang balita na narinig niya kanina. Ako naman ay malapit nang maubos ang kinakain ko.
“Sino naman ang papatay sa kanila?” Hindi ko alam kung para sa akin ba ang katanungan niya o dapat sa kaniyang sarili lang pero naisabi niya ng malakas na walang kamalay-malay dahil napakalalim ng iniisip niya.
Pero dahil mabait akong kaibigan ay sinagot ko siya. “Malamang iyong may malaking galit sa kanila, Aria. Pagkatapos ay may binayarang tao para patayin sila.” Ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa malaking screen ng TV. Ini-interview ngayon si Mr. Roscoe kaya nakatuon ang camera sa mukha niya.
Tinatanong siya ng reporter kung ano ang nararamdaman niya pagkatapos ng ribbon cutting event niya at sa kaniyang likuran ay nagkakaroon ng celebration, may mga mayayaman na umiinom ng red wine at masayang nag-uusap pero ang lalaki ay mukhang walang pakialam at napakalamig ng kulay tansong mata.
He answered the reporter’s question with a bored face and cold voice, ‘I just can’t wait to see my ship sail for the first time, hoping nothing bad happens.’ Napakalayo ng sagot niya sa katanungan ng babae. O kaya naisagot niya iyon ay ang tanging tumatakbo sa isipan niya ang makukuhang malaking pera pagkatapos.
“Imposibleng may galit sa kanila at pinapatay sila, Aril.” Sumimangot ang kaibigan ko.
I just shrugged. “Siguro nga ay sa sobrang bait nila ay pinapakuha na sila ng maaga sa langit para maging anghel na lang.” Naisabi ko na lang para hindi na maging malungkot ang kaibigan ko.
Naging kaibigan niya na rin kasi si Ms. Mikaela, kahit sosyalin at mapili ang babae ay madaldal kasi ito, kaya hindi niya matanggap ang nangyari. Pagkatapos ay sinong hihindi na makausap at makasalamuha si Aria? She is Aria Lauret Montegracia after all. Nangunguna ang pamilya nila sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa Pilipinas. They owned the Montegracia Empire. Marami silang business sa loob at labas ng bansa, mapa-mining hanggang telecommunications man. And Aria is the future president of the Montegracia Household, the next ruler of their empire.
But here she is, in this small café that she’s really proud of. And this woman next to me is one of my dearest and precious friends. Ako ang klaseng mahirap pero may bigatin na kaibigan. Hehe.
“And if that’s the case, then it’s so unfair for them, right?! Napakarami pa nilang magagawa. Marami pa silang matutulungan! Pagkatapos ay magpapakasal pa sila.” Oo nga pala, pinaplano pala ng dalawang iyon na magpakasal sa susunod na taon. At naubos na rin ang popcorn sa glass bowl na nakapatong sa dibdib ko.
“Ipagdasal mo na lang ang kaluluwa nila. Ipagdasal mo na sa langit na ang bagsak nila at hindi sa impyerno.” Dahil sigurado ako na sa impyerno talaga ang bagsak ng dalawang iyon.
Hinarap ko naman siya pagkatapos. “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko na hindi totoo ang pinakapakitang ugali ng dalawa? That they were just faking it. Na sa likod ng kanilang mala-anghel na maskara na pinakapakita nila sa lahat ay pangit na ugali at pumapatay? That everything they were doing was just an act to hide the ugly truth of themselves.” Napakaseryoso ng mukha nang itanong ko sa kaibigan iyon.
Nakatitig din siya sa akin, nagtatanong ang mga mata.
I pouted my lips afterwards. “Hindi, hindi ba? Hindi ka maniniwala dahil pati ikaw ay naloko nila. Binigyan ka pa nga ng 30 million, eh.”
I stood up, put the glass bowl on the coffee table, and stretched my hands upwards. It was already 7:32 AM and the morning news already ended.
“Minsan talaga ay hindi kita maintindihan, Aril. It always feels like you know something and it’s a secret that you didn’t to spill but you keep on giving me hints, which confuses me more.”
I looked over my shoulder to face Aria behind me and let out a grin on my lips.
Oo naman at may alam ako sa nangyari.
I was the one who killed them last night. I willingly pulled the trigger and shot them.
Iyong matandang lalaki ay binaril ko sa gitna ng kaniyang noo. He wasn’t expecting it and he fell flat on the marbled floor next. Halata sa mukha niya ang gulat at sa kulay asul na mata ang matinding takot.
Lumabas naman sa silid nila ang babae at natumba nang makita ang duguang kasama sa sahig. She didn’t hear the gunshot because the gun had a silencer but she did hear the loud thud when the old man fell. And I saw fear in her eyes when she saw me and she started crying when I pointed the gun in her direction.
She begged not to be killed but I didn’t listen because she deserved to die. Sinabi ko sa kaniya lahat nang nalaman ko sa kanilang dalawa.
“Hindi mo ba ako naalala?” I asked her. “I was that maid who buried the dead body of a young child after you abused and tortured him to death.” I spat out.
May gigil at diin ang bawat salita ko nang sinabi ko sa kaniya iyon. At nakatutok pa rin sa kaniyang direksiyon ang baril.
“Why did you kill him? He was so young! He can be an engineer, a teacher, a scientist, or the one who will cure cancer, but you kill him! You ended his life just like that! At wala siyang masamang ginawa sayo!” Kahit ayaw man ay nilabas ko ang hinanakit ko sa krimen nila.
Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay dinadamay o may nasasaktang bata, iyong walang kamalay-malay. Lalo na at nagsisinungaling sila sa mga bata na aalagaan at bibigyan ng magandang bahay kaya sumasama sila sa kanilang masasamang tao.
Everything was still fresh in my mind.
I can hear her harsh words to them, their cries and moans because of the pain, and the cold warmth of their lifeless body as I carry them outside to bury them secretly so that no one will know the truth.
Iyon ang past time niya, manakit, mang-abuso at pumatay ng mga bata, babae man o lalaki, na lumaki sa kalsada, walang pamilya – mag-isa sa buhay, dahil kapag nawala raw ang mga ito ay walang maghahanap.
And to think that she once donated millions to Aria for the orphaned and abandoned children. I hate this woman. I f*****g hate her. I want to kill her slowly, torture her, like what she did to them, but I need to be patient, I need to gather enough evidence.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.” Nanginginig ang boses niya. “I love children! Hindi mo ba ako kilala? I am Mikaela Lustre! Kilala ako ng lahat! At – at buntis din ako! Papatayin mo rin ba ang anak ko?” Basang-basa ng luha ang kaniyang pisngi sa kakaiyak.
Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan niya nang hinimas-himas niya ito.
Ngumiti lang ako. “To answer your question, no.”
“Iyon naman pala. Ibaba muna ang baril mo, please. I promise that I will not tell everyone what happened here, I will keep my mouth shut, and I will change.”
“Eh? Of course, you can’t tell anyone anymore because,” Isang putok ng bala ulit ang pinakawalan ko at tumama ito sa leeg niya ang dugtong ko sa aking sasabihin.
Bumagsak ang katawan niya sa sahig at nagsilabasan ang pulang likido sa kaniyang leeg. Hinawakan naman niya ang sugat para hindi umagos ang dugo doon pero hindi naman ito epektibo dahil naliligo na siya sa kaniyang sariling dugo.
Nilapitan ko naman siya at tiningnan sa mata. Bakas sa kaniyang mga mata ang matinding takot habang ako naman ay blangko ang mukha. “Hindi ako maniniwala sa kasinungalingan mo.”
Mukhang may sasabihin sana siya sa akin pero walang lumalabas sa bibig niya, maliban na lang sa dugo at mahinang pag-ubo.
“Even on the verge of death, you still lie, Ms. Lustre.” Sinabi ko na lang sa kaniya at tumayo na.
My mission is done here, and I finally killed these two. Kahit papaano ay naipaghigante ko ang mga batang pinatay nila.
“Have fun in hell,” I said my last words to them and left their room through the open window.
Dito ako pumasok kanina at dito rin ako lalabas. Nasa ikatlong palapag lang naman ang kwarto nila at hindi naman ako mahihirapan sa pagbaba. Wala ring makikita sa akin dahil kulay itim ang suot ko mula ulo hanggang paa kaya hindi ako makikita ng mga tao sa labas dahil gabi na rin naman.
“Magsama kayo ng kasintahan mo.”
Killing them felt so good.
Iyon talaga ang hinihintay ko pagkatapos magawa ang misyon, ang patayin sila pagkatapos. At siyempre ang hinihintay ko rin sa lahat ay ang malaking halaga bilang bayad sa serbisyo ko.
I am a monster, a ruthless killer. It was this cruel world that made me who I am today.
Siguro kung napakadali lang magpatawad sa mga taong nagkasala sa akin at mababalik lang nila ang kinuha nila sa buhay ko ay hindi ako magiging ganito, na isang mamamatay-tao.
Pero hindi naman ako pumapatay ng walang dahilan, ang tanging pinapatay ko ay iyong masasamang tao. Bibigyan ako ng misyon at hahayaan kung papatayin ko ba sila o hindi. Sasabihin lang nila sa akin na kumuha ng sapat na ebidensiya pero sa ebidensiyang makukuha ko naman nakakasalalay kung dapat pa ba silang mabuhay o hindi na.
Minsan ay iisa lang kami ng gustong patayin, iyong mga sariling kalaban ko, at nagkakapera pa ako.
Noong una ay hindi naging madali pero nasanay na rin ako, lalo na at hindi ako titigil hanggang makuha ang para sa akin.
“Oo nga pala, saan ka galing?” I came back to my senses when I heard Aria’s voice, asking me. “You disappeared for almost two months, Aril.” Singhal pa niya.
Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nagparamdam ng halos dalawang buwan, abala ako sa misyon ko at nang matapos ang misyon ko kahapon ay ngayon lang ulit ako nagparamdam.
“Sikretong malupit. Hindi mo pwedeng malaman.” I stuck my tongue out, teasing her. She was about to protest but I cut her off. “Gutom na ako, Aria. Nag-order ka na ba ng pagkain, o mag-o-order pa ako para sa atin?”
Mayaman ako ngayon dahil binayaran ako, dalawang tao ba naman ang pinatay ko at may ebidensiya pa ako na binigay sa kanila kaya lalabas din ang katotohanan, kaya kung ako pa ang mag-o-order ay ako ang babayad.
“I already ordered. Dadating na rin iyon.” Sagot naman ng kaibigan ko.
Kumatok naman sa pinto ang isa sa trabahente ni Aria sa café at sinabing dumating na ang pagkain namin.
Sobrang laki ng ngiti ko sa narinig dahil gutom na gutom na ako, hindi kaya ako nakakain simula kahapon, kaya naman nagwawala na ang alaga ko sa tiyan. Paniguradong magwawala na ako sa gutom kung pinaghintay pa ako ng isang minuto pa.
Kinuha naman ni Aria ang pagkain at hinanda sa lamesa. Halata rin na hindi pa kumakain ng breakfast si Aria, palaging nag-o-order ng pagkain ang babae dahil hindi naman siya marunong magluto. Minsan pa nga ay bibisita ang boyfriend niya na si Jackson ng napakaaga kung hindi busy sa trabaho nito para ipagluto siya.
Kahit na hindi marunong magluto ay napakagaling naman niya sa pag-ba-bake. Sikat na sikat ang business niya ngayon sa mga kabataan, naging tambayan na nga rin ng mga estudyante pagkatapos ng kanilang mga klase.
Kaagad naman kaming natapos sa pagkain dahil sa sobrang gutom.
Bumalik na rin si Aria sa labas para tulungan ulit ang mga trabahente niya kaya naiwan ulit akong mag-isa rito sa kaniyang opisina. Hands-on talaga siya sa kaniyang business na hindi ko maintindihan kung bakit pinapahirapan niya ang sarili niya. Napakayaman na niya pero nandito siya ngayon at naghihirap para alagaan ang Sweet Tooth Café.
Nanuod na lang ulit ako ng TV pagkatapos hanggang sa hindi ko namalayan na tulala na pala ako habang nakatitig sa screen. Naisipan ko naman mag-scroll sa social media accounts ko.
Nag-pop up kaagad ang isang message.
It was from my stepmother, Evelyn. Nakita niya siguro na online ako.
"How are you, Aril?" Nangungumusta lang sa akin. Ang lakas magtanong kung kamusta lang ako, ang kapal talaga ng mukha. Hindi ko siya sinagot dahil naiinis lang ako sa kaniya.
Isang message naman ang nag-pop up ulit pero nanggagaling ito kay Ymir Margaret Santiago, ang isa ko pang kaibigan, na isa sa mga highest paid model in Asia. Nasa South Korea ang babae at kasalukuyang nag-ba-bakasyon doon dahil kakatapos lang ng taping nito sa ginagawang teleserye. Kaya bukod sa pag-mo-modelo ay pinasok na rin nito ang mundo ng pag-aartista.
“Buhay ka pa pala? LOL.” That was her message. Halatang nang-iinis sa akin. Ginagamit nito ngayon ang dummy account niya sa pag-message sa akin. Ang profile picture niya ay isang anime character na hindi ko kilala.
“Eh, ano naman kung buhay pa ako? Miss mo na ako, no? Yuck.” I replied.
“Yuck din. Anyways, uuwi na ako diyan. Mag-pa-party ako pero hindi ka invited. Bleh!" Sinabayan pa niya ito ng emoji na nakalabas ang dila.
“SML? HAHA.”
“Gaga. HAHAHA.”
Nagpalitan pa kami ng ilang message hanggang nagsawa na kami at nagpaalam na sa isa’t isa. Sakto naman at narinig ko sa labas ang boses ni Aria na tinatawag ako. “Aril! Lumabas ka muna diyan. May ipapatikim ako sayo na cake!” Oh, cake! I love cakes! Pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig.
Siguro ay bagong flavor o design na cake ang ipapatikim sa akin ni Aria, hindi na ako makapaghintay. Sinunod ko naman siya at tumayo na para lumabas sa kaniyang opisina para puntahan siya. Habang naglalakad palabas ay umagaw ng atensiyon ko, isang black envelope na tinapon sa basurahan na malapit sa office table ni Aria.
Out of curiosity, I reached out for the envelope, and inside the envelope was a letter from President Montegracia, ang grandfather ni Aria. Binasa ko naman ang nilalaman nito.
TO: Aria Lauret Montegracia
Susundin mo ba ako ang utos ko o kakaladkarin kita pabalik dito? Alam mo kung paano ako magalit, Aria. So don’t make me mad because of your stubbornness. Alam mo rin ang responsibilidad mo sa pamilyang ito simula bata ka pa kaya walang patutunguhan ang iyong pinagmamalaking café.
THIS IS MY LAST WARNING. Umuwi ka na dahil hindi ka matutuwa sa gagawin ko kung magmamatigas ka pa.
FROM: President Alfredo Montegracia
“Pfft.” I almost laughed.
Mamamatay na lang ang matanda sa katandaan na hindi pa rin nagbabago ang ugali. Atsaka, bakit nagpapadala pa rin ito ng mga letter?
Hindi ba niya alam na may cellphones na at internet? Hindi pa ba niya na-di-discover na pwede nang magpadala ng mensahe sa ganoong paraan?
O baka hindi na niya mahawakan ng maayos ang mga gadget dahil nanginginig na ang kamay niya sa sobrang katandaan kaya hindi na makatipa ng maayos?
Binalik ko na lang ang papel sa envelope sa basurahan kung paano ko ito nakita. Pinuntahan ko na si Aria na naghihintay sa akin at sa lamesa ay isang whole cake. Literal na naglaway ako nang makita ito. Kaya gustong-gusto ko rito sa café ni Aria, eh. At kapag natatapos ang misyon ko ay unang pinupuntuhan ko talaga ay ang Sweet Tooth Café.
That’s how my life works now.