Papalubog na ang araw pero nandito pa rin ako sa opisina ni Aria.
Tinatamad talaga akong umuwi sa bahay kahit na dalawang buwan akong hindi nakauwi doon.
Wala rin namang bubungad sa akin sa pag-uwi ko mamaya kaya bakit magmamadali ako? Ang sarap kaya rito, may pagkain sa fridge at nakakatipid pa ako sa kuryente dahil inuubos ko lang ang oras ko sa kakanuod ng TV. Nanunuod ako ngayon thriller movie sa na recommended sa akin ng Netflix nang buksan ko ito, siyempre iyon kaagad ang pinili ko pero pinagsisihan ko talaga dahil napakabobo ng mga bida sa movie.
At tatapusin ko na rin dahil nakakatuwa ang pagiging bobo nila.
Si Aria naman ay sobrang abala sa pag-ma-manage ng café niya, napakaraming tao ngayon sa labas dahil uwian na ng mga estudyante at mula rito ay rinig na rinig ko ang ingayan at tawanan nila.
Katulad nang sinabi ko ay naging tambayan na nga nila ang Sweet Tooth Café. Mas malakas pa nga ang ingay nila kaysa sa pinapanuod ko ngayon kaya hindi ko masiyadong marinig ang pinagsasabi ngayon ng dalawang bida, mukhang may pinaplano sila para mahuli ang killer na akala naman nila ay ikinatalino na. Imbes matakot ako sa pinapanuod ay natatawa na lang ako habang nagkokomento sa pagiging bobo nila.
My eyes were glued to the TV screen when the door opened.
Nabaling naman ang atensiyon ko sa pumasok at inaasahan ko na si Aria iyon pero si Jackson lang pala.
Naka-waistcoat suit ang lalaki. It is a three-piece formal suit. Kulay black ang suot na trouser at suit jacket niya habang puti naman ang polo niya sa loob. Halatang kakagaling lang sa trabaho. At may bitbit din siyang isang box ng donuts.
Jackson smiled at me.
“Sinabi sa akin ni Aria na nandito ka raw, may dala akong donuts, baka gusto mong kumain.” Sabi pa niya at bahagyang tinaas ang bitbit para ipakita sa akin.
“Thank you.” Sobrang laki naman ang ngiti ko. Sobrang sarap kaya ng libre kaya hindi ko tatanggihin ang donuts niya. “Tutulungan mo ba si Aria sa labas?”
Umalis muna ako sa pagkakaupo sa couch at nilapitan ko si Jackson na ngayon ay nilalapag ang bitbit sa lamesa. I opened the box and took one donut. Paborito ko iyong chocolate kaya iyon ang kinuha ko iyon at kaagad na kinagat.
“Yeah. Halatang na-pre-pressure na siya sa pag-ma-manage.” He answered.
“Lagi naman.” I commented, playfully.
Humarap ulit ako sa TV para panuorin ang nangyayari pero naalis lang saglit ang paningin ko ay hinahabol na ng killer ang isang bida na kasama ng isa na nag-pa-plano kung paano mahuli ang killer.
At habang tumatakbo ay panay ang tingin niya sa kaniyang likuran at natumba.
“Putangina talaga, napakabobo. Ang lawak-lawak ng daan niya.” I hissed and took a mouthful bit of my donut. Imbes na tumayo ay gumapang lang ang babae at kaagad nahuli ng killer, pinagsaksak siya nito sa likuran pero nanlaban naman ang babae pero huli na ang lahat.
Tumawa lang si Jackson sa naging reaksiyon ko.
“Puntahan ko na si Aria.” Paalam niya.
Tumango lang ako sa kaniya at kumuha pa ako ng isang donut dahil naubos ko na ang kinakain at bumalik na sa pwesto ko sa couch. Kasalukuyang nilalagari ng killer ang ulo ng lalaki ngayon gamit ang mini-chainsaw. Sumisigaw naman ang babaeng kasintahan habang ginagawa ito ng killer sa harapan niya at tumatalsik sa kaniyang mukha ang dugo ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit nasa sahig ang dalawa ngayon pero mukhang katapusan na nila.
“Idiot, you should run while you have the chance. Ang bobo!” Gigil na gigil na ako.
The movie ended with the killer succeeded in killing all the main characters. And because the movie gave me a terrible headache, I decided to turn the TV off.
Naisipan ko rin na maglakad-lakad sa café ni Aria. Manggugulo muna ako. Tutal naman ay sakit ako sa ulo para kay Aria.
Bumungad kaagad sa akin ang malawak na café na napakaraming tao. Nakita ko si Aria na nasa counter lang at nilalagyan ng cakes ang countertop display case niya.
Habang si Jackson naman ay kumukha ng orders sa tatlong estudyante na nakaupo sa dulo at mukhang nilalandi siya dahil naririnig ko ang pinagsasabi ng tatlo. Hinubad na niya ang suit jacket at naka-apron na may tatak at logo ng café, ako iyong nag-disenyo ng logo, pagkatapos ay may maliit na notebook at ballpen din siyang hawak para isulat ang orders nila.
“Bakit ngayon ka lang bumalik, Kuya?”
“Oo nga! Ikaw pa naman dahilan kung bakit kami pumupunta rito.”
“Ganito na lang, ibigay mo na lang sa amin ang contact number mo para matanong ka namin kung nandito ka ba o wala.”
Nagtatampo ang boses na dalawang nagsalita at ang pangatlo naman ay napakalaki ng ngiti.
Ang bata-bata pa pero ang lalandi na. Nasa junior highschool pa sila dahil sa suot nilang school uniform, pamilyar kasi sa akin ang suot nila kaya alam ko.
Ngumiti lang si Jackson sa kanila at dahil sa kilig ay pinaghahampas nilang tatlo ang isa’t isa.
“Ang gwapo mo talaga kapag ngumingiti, Kuya!” Kinikilig na sabi nilang tatlo. Oo, sabay talaga sila nang sabihin iyon.
Nilapitan ko naman si Aria. “Nilalandi na naman si Jackson, oh.”
Tiningnan ni Aria ang tinitingnan ko at ngumiti lang. “Let them be. Dahil kay Jackson kaya dumadami ang mga babaeng estudyante rito pero customer ko pa rin sila.” Binalik ulit ni Aria ang kaniyang atensiyon sa ginagawa niya. “Atsaka, ako lang mahal niyan.” Habol pa niyang sabi.
“Yuck!” Rinding-rindi naman ako sa narinig. Kampanteng-kampante talaga siya na walang makakaagaw at hindi uubra kay Jackson ang mga ganoon.
Limang taon ng magkasintahan ang dalawa. They met when we were in highschool. It was an elite school. Para sa mga pangmayaman lang ang paaralan namin pero nakapasok si Jackson dahil sa scholarship. Matalino kasi siya, napakabait pa. Bagay na bagay talaga ang dalawa at perpekto na sana ang relasiyon nila pero hindi pabor ang matandang presidente sa lalaki. Hindi mayaman ang pamilya ni Jackson, hindi katulad ni Aria kaya palaging sinasabi ng matanda na ang habol lang ng lalaki ay ang kayamanan ng pamilya nila na kinagagalit naman ni Aria. Imposible rin na ginagamit ni Jackson si Aria dahil makikita talaga na mahal na mahal niya ang kaibigan ko. Also, Jackson already graduated college. Architect na siya at malaki ang sahod niya sa trabaho, tumutulong na rin sa pagpapaaral sa mga nakakabatang kapatid.
“Nandidiri ako sayo, Aria. Kailangang kumain ako ng matamis para mawala itong disgusto na sinabi mo ngayon lang. Pwe! Pasalamat ka at nagtitinda ka ng matamis kaya pinapatawad na kita.”
Aria laughed. “Ang sabihin mo ay gusto mo lang makakain ng libre.”
“Hindi kaya! Hindi naman ako ganoon. But if you still insist, I will gladly accept your cake. I want the strawberry one!” Ngiting-ngiti naman ako.
“Anong pinag-uusapan niyo?” Nakabalik naman si Jackson.
Iyong mga babae ay nakatingin pa rin sa kaniya at ang iba ay sinusundan siya ng tingin.
Binigay niya kay Aria ang orders ng inasikaso niyang estudyante. Tinanggap naman ito ni Aria at pinasa sa babaeng trabahente para asikasuhin din.
“Mamamatay ka kapag sinabi namin.” Pabirong sabi ko naman sa kaniya.
Aria put her hands on her waist. “Bakit ang tagal mo? Tuwang-tuwa ka ba na nilalandi ka nila?” Hindi naman galit ang mukha niya nang tinanong ito.
“Sinong nilalandi?” He asked back. “Hindi ko naramdaman na nilalandi ako ng mga batang iyon. Akala ko talaga ay binibiro lang nila ako. Atsaka, kung may lumalandi sa akin ay walang epekto iyon sa akin dahil malakas na ang tama ko sayo, Aria.” He added. Ano iyon, beer lang? Dahil malakas ang tama? Namula naman ang buong pagmumukha ni Aria, halatang kinilig sa sinabi ng kasintahan, at hindi na makapagsalita.
“Oh, please, stop this!” Iritableng sabi ko naman. I even let out an exaggerated sigh. “Pwede ba, kung maglandian kayo, huwag sa harapan ko.”
Aria just stuck her tongue out and I did the same to her.
“Hayaan na natin si Aril, Jackson. Bitter kasi siya dahil wala pa siyang boyfriend. NBSB kasi siya.” Sabi ni Aria kay Jackson. Kung makapagsalita tungkol sa akin ay parang wala ako rito.
I rolled my eyes.
“Mapili kasi siya sa mga lalaki. Sa sobrang taas ng standard niya, delusional na siya.” Sige lang, pag-usapan pa niyo ako na parang wala talaga ako rito sa tabi niyo.
“Dadating din ang hinahanap niya pero makakalimutin at sobrang matanda na niya.” At dumagdag pa itong si Jackson. Palabiro rin minsan ang lalaki at nakikisabay kay Aria kapag iniinis ako.
Nagtawanan sila pagkatapos.
“Hindi ko na kayo bati.” Sumimangot ako.
“Ipagluluto tayo ni Jackson ng dinner.” Aria said, still smiling.
“Bati na kami ni Jackson.” Bawi ko naman kaagad. Nakangiti na rin.
“Paano ako?” Aria asked me.
“Bakit ikaw ba magluluto? Si Jackson lang naman.” I crossed my arms.
“Kung hindi ko boyfriend si Jackson ay walang magluluto ng dinner. Kaya dapat bati rin tayo.” Aria crossed her arms too.
“Sabi mo, eh.” Naisabi ko na lang.
Jackson is a good cook. Hindi katulad ni Aria na nagmamagaling noon at ang nangyari ay muntik nang masunog ang mansiyon nila. Kung si Aria ay magaling sa pag-ba-bake, si Jackson naman sa pagluluto. Ang sarap talaga kapag may ganitong kaibigan ka.
8:00 PM ang uwian ng trabahante ni Aria pero 10:00 PM nag-co-close ng café ang kaibigan ko. Iyong 8:00 PM ay nakapaglinis na ang mga tauhan niya. Habang si Aria ay naghahanda para sa pagbubukas ng café bukas, si Jackson ay nagluluto na ng dinner at ako naman ay inuubos ang cakes and sweets na natira sa display cases dito sa counter. Sayang din naman kasi kaya ako na lang ang kakain.
Hindi nagtagal ay natapos na sa pagluluto si Jackson at ngayon ay kumakain na kami. Ganadong-ganado naman ako sa pagkain. Minsan lang ako makatikim ng ganito. Kapag magkasama kasi kaming magkakaibigan ay panay ang order namin at kapag ako lang mag-isa ay mga canned goods and noodles ang kinakain ko.
Hindi rin kasi ako marunong magluto. Lumaki ako noon na may personal maids at driver, at sila ang gumagawa ng mga gawaing-bahay para sa akin. But I taught myself how to wash dishes, do laundry and clean my things but I am still a terrible cook.
“Pakasalan mo na si Jackson, Aria.” Sabi ko pa habang ngumunguya. “Babarilin ko talaga ang hahadlang!”
“Aril, that’s bad!” Suway sa akin ni Aria. Kung suwayin ako ay para akong isang bata. I rolled my eyes.
“Soon, Aril. Pinag-iipunan ko pa kasi.” Sabi naman ni Jackson. Tumingin si Aria sa kaniya at ngumiti. “Ayoko naman na may masabi ang lolo ni Aria sa akin. I want to prove myself to him first.”
“You don’t have to do that, Jackson. Hintayin na lang natin na mamatay ang matandang iyon para wala na siyang masabi sayo. You already prove yourself to me, and that’s enough.” Salita ni Aria sa kasintahan niya pagkatapos ay hinarap ako. “At hindi rin naman kami nagmamadali. Baka ikaw pa ang maunang makasal, eh.” Aria giggled.
“Wala nga akong boyfriend! Asawa pa kaya?” Sabi ko naman. Imposibleng mas mauuna pa akong magpakasal sa lovebirds na ito! “Anyways, magkano ang kulang? Ako na lang ang pupuno!”
“Mabuti pa at punuin mo na lang ang bibig mo ng pagkain, Aril.” Aria said.
I just made a face. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain sa hapagkainan.
Tinatanong ngayon ni Aria ang trabaho ni Jackson na sinasagot naman ng lalaki. “Kamusta naman ang magulang mo?” I even heard her ask. Hindi na lang ako masiyadong nakinig dahil mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Ang alam ko ay botong-boto ang magulang ni Jackson kay Aria at tinuring na rin siyang anak ng mga ito. Pati ang mga kapatid ni Jackson ay kapatid na rin ang turing kay Aria.
“Narinig mo na ang balita kanina, Aria? Binaril daw sina Mr. Smith at Ms. Lustre. Hindi ba sinabi mo sa akin na sila iyong nagbigay ng malaking pera sayo?” Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang tanong ni Jackson sa kaniya.
Napalitan ng lungkot ang mukha ni Aria. “Oo nga, eh. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit naman sila papatayin, eh, napakabait naman nila.”
“Pero hindi niyo ba napapansin ang balita ngayon? Halos mayayaman ang binabalitang patay na. Hindi kaya ay iisang tao lang ang gumagawa?” Ito rin ang gusto ko kay Jackson. He’s really observant. Napansin niya rin na pinapatay ngayon ang mayayaman.
“Napakadelikado na talaga ng panahon ngayon.” He added. At sino ba ang may gawa nang pagpatay ngayon? Walang iba kung hind ako lang. I am on killing spree right now. Lalo na at alam ko na kung sino ang mga kalaban ko.
And because Jackson pointed it out, Aria gasped when the realization hit her. “You’re right, Jackson. Bakit hindi ko napansin? And what if someone wants me dead too?” Naitakip ni Aria ang bibig nang napasinghap. At napalitan ng matinding takot ang mukha niya. “Ano na lang ang gagawin ko kung isang araw ay may kakatok sa pinto at babarilin ako?”
“You’re just scaring yourself, Aria.” I simply said. Imposibleng may papatay sa kaibigan ko dahil pinaplano pa lang nila ay papatayin ko na sila. Ayokong mapahamak ang mga taong mahalaga sa akin. “No one will kill you, okay?”
“Sana nga.” Aria sighed. “Maraming kalaban sa business si President Montegracia. Paano na lang kung madamay kami ng kapatid ko? Mas mauuna pa kaming mamatay kaysa sa matandang iyon.”
Mukhang hindi naman kumbinsido ang kaibigan ko kaya inabot ko ang kaliwang kamay niya na nakalapag sa lamesa at hinawakan ng mahigpit. “Trust me, Aria. As long as I am alive, I will protect you. Believe me when I say no one will hurt you.”
Napangiti naman si Aria. “Thank you, Aril.”
I smiled back. Sila na lang ang natira sa akin. Hindi ko hahayaan na pati sila ay kunin sa akin. Lalo na at sila lang ang taong hinayaan kong makapasok sa buhay ko.
“Kailan nga kayo magpapakasal?” Jackson jokingly asked us, which made us laugh. “At maliban kay Aril ay nandito naman ako. Sasaluin ko ang mga bala para sayo.”
“Aw! Ang sweet niyong dalawa.” Nawala na ang takot at pangamba ni Aria sa sinabi namin.
When we finished eating dinner, I bid my goodbyes to them and left. 11:43 PM na rin kasi. Mukhang sa kwarto ni Aria naman matutulog si Jackson, may gamit din kasi siya doon. At delikado na ring umuwi ng ganitong oras dahil malayo ang uuwian ng lalaki at halatang antok na antok na. Baka mapaano sa sasakyan niya.
Ayaw pa nga akong pauwiin ni Aria at nag-alok na matulog din muna sa opisina niya para tumanggi ako. Wala siyang magawa at hinayaan na lang ako dahil napakatigas ng ulo ko.
Tumigil ang aking sinasakyang taxi sa harap ng isang bahay. Nagpasalamat ako sa matandang driver at nagbayad ng pamasahe sa kaniya, pagkatapos ay bumaba na.
Hinarap ko ang bahay at pinagmasdan muna ito. This is my home now.
Halos dalawang buwan din akong hindi nakauwi rito. Napakadilim ng bahay at walang kabuhay-buhay. Nakatayo ito sa isang exclusive subdivision. No one lives here in this block aside from me and I prefer it that way. I exhaled sharply and walked closer to the main door. Hawak ko na ang doorknob nang may mapansin sa sahig.
It was a crumpled paper. Kung sa normal na tao ay walang ito pero para sa akin ay may rason kung bakit may papel dito. Walang pupunta rito para maglagay lang ng papel at wala akong kapitbahay. Inabot ko ito at tiningnan. Mabigat ito dahil sa bato para hindi liparin ng hangin ang papel. Tinapon ko naman ang bato pagkatapos. I read what was written in the crumpled paper.
They will send someone to kill you tomorrow. But don’t kill him.
Nilabas ko sa aking bulsa ang lighter at sinunog ang papel. Hinayaan ko na ilipad ng hangin ang abo sa nasusunog na papel na aking hawak. Pinagpag ko ang kamay ko nang tuluyang mawala na ang ebidensiya.
Tuluyan na akong pumasok sa bahay.
Wala akong ideya kung bakit hindi ko dapat patayin ang lalaki pero dahil iyon ang kagustuhan niya ay susundin ko. They’re risking their life by siding with my enemies, and not killing him is just a small favor to ask.
Nang makarating sa aking silid na nasa ikalawang palapag ay pabagsak na humiga ako sa kama. Hindi na ako nagbihis ng pantulog ko dahil inaantok na ako.
I just want to rest.
Hindi ako masiyadong nakapagpahinga habang ginagawa ang misyon ko na tumagal ng halos dalawang buwan. Sa pagpikit ng mata para matulong na ay naririnig ko na naman ang pagmamakaawa at malalakas na hagulgol ng mga bata.
And I remembered the young me. I was crying and begging for them not to kill my Papa but they dragged me away and while the door was slowly closing, Papa was shot in the back of his head and he fell, lifeless, on the floor.
They were so heartless.