KAPITULO DOS

3195 Words
It was already 9 in the morning when I woke up from my deep sleep. Kung hindi lang tumunog ang tiyan ko ay hindi ako magigising. Dahil wala naman akong gagawin ngayong araw ay naisipan ko ulit na pumunta sa Sweet Tooth Café at doon mag-breakfast. Atsaka, may bisita rin ako ngayon kaya hahayaan ko muna siya rito sa bahay ko. “Nandito na naman ako.” Pambungad ko nang pumasok. Bilang pa sa kamay ang nandito ngayon at kumakain. I scanned the area and I can’t find Aria. Saan kaya iyon? Nilapitan ko naman ang isang babaeng trabahante ni Aria na nagbabantay sa cashier area. “Nasa kusina ba si Aria?” I asked her. “Good morning po, Ms. Aril!” She greeted me, cheerfully. Kilala na ako ng mga tao rito. “Nasa likuran po si Ms. Aria. Tinitingnan iyong bagong dating na prutas.” She answered, still smiling. Bumaba ang tingin ko sa nameplate niya. “Thank you, Jane.” Pasalamat ko pa. Makakalimutin talaga ako kaya kahit kilala na nila ako ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nila. Mabuti na lang at may mga nameplate sila na naka-pin sa apron nila. Kumislap naman ang mga mata ng babae nang marinig ang pangalan niya. “Welcome po!” Pinuntahan ko naman si Aria sa likuran. Kaagad ko naman siyang nakita at kinakausap si Sancho. Sa ibaba naman nila ay ang mga crates na may naglalamang prutas at gulay. Hindi pa tapos sa pagbaba ng crates si Sancho sa kaniyang pick-up truck kaya habang nag-uusap ay tinitingnan ni Aria ang mga dala ng lalaki. Masayang-masaya silang nag-uusap. Kilala ko na si Sancho dahil pumupunta ito sa Sweet Tooth Café para ideliver ang prutas at gulay na orders ni Aria sa farm niya. Si Sancho rin ang gumagawa ng fruit at vegetables jams na ginagamit ni Aria sa café. Ang sabi sa akin ni Aria ay malaki ang lupang pagmamay-ari nito. Nakapunta na kasi siya sa farm ni Sancho nang nag-birthday ang babaeng anak nito. “Hi, Aria. Hi, Sancho.” I greeted them, smiling. “Oh, Aril!” Gulat na gulat si Aria nang makita ako sa tabi niya. “Hindi mo naman sinabi na pupunta ka.” Salita niya. I pouted my lips. “You don’t want me here?” “Hindi naman sa ganoon. Pero sana naman ay nagpaalam ka para makahanda ako dahil sigurado ako na hindi ka pa nag-bre-breakfast.” She answered. “Here, eat this.” Binigay niya sa akin ang apple na hawak niya. Inabot ko naman ito. “Thanks! I’m really hungry.” Kinagatan ko naman ang apple. “Ngayon lang kita nakita ulit, ha, Aril.” Komento ni Sancho. Hinarap ko naman siya habang ngumunguya. “I was busy. Alam mo naman ako, busy person.” Simple lang ang suot ni Sancho. Plain white shirt at faded jeans. Iyong cap na suot naman niya ay may iba’t ibang patches ng bulaklak. Hindi maayos ang pagkakalagay ng patches kaya napangiti ako. Nagmumukhang cute ang lalaki na hindi nababagay sa kaniyang matipunong katawan. “Ang cute ng cap mo. Si Langnar ba ang gumawa niyan?” Puna ko pa. Hinawakan naman ni Sancho ang suot na cap sa ulo. “Bagay naman sa akin, hindi ba?” Kumikislap ang mga mata niya nang sinabi iyon. I gave him a thumbs-up and smiled as an answer. Si Langnar ang anak nitong babae. Limang taon na ang edad nito. At sa murang edad ay nakapatalino na. Nakilala ko na ang bata dahil minsan ay sumasama ito kay Sancho kapag nag-de-deliver dito sa Sweet Tooth Café. At magkasundo kaming dalawa dahil parehas naming paborito ang matatamis. Kapag nasaktuhan na nandito ako kapag sumasama siya sa kaniyang Papa ay nag-uusap kami at kumakain ng cakes habang hinihintay matapos ang Papa niya sa pag-de-deliver. “Kamusta naman si Langnar? Humihingi pa rin ba sayo ng Mama?” I asked Sancho. “Ewan ko ba sa batang iyon. Akala mo naman madaling makahanap.” He was shaking his head and clicking his tongue. Natawa naman ako. “So, wala pa rin? Baka si Langnar na ang maghanap para sayo. Ang talino pa naman ng anak mo!” Langnar grew up without a mother. Ang kwento ng bata sa akin ay iniwan daw siya ng Mama niya sa kaniyang Papa sa pinto ng bahay nito. She was already a year old that time, her Mama told her not to move and wait for her Papa to open the door. Nakakabilib nga dahil ay kahit isang taong gulang pa lang ito ng mangyari iyon ay naaalala niya. Kaya gusto kong kausap ang batang iyon dahil napaka-mature magsalita. Pero pagdating si Papa niya ay napaka-spoiled. Sancho let out an awkward laugh. Iyong mga mata niya ay nakatingin kay Aria. May gusto siya sa kaibigan ko pero hindi niya masabi dahil may kasintahan na ito. Hindi alam ni Aria at hindi sinabi sa akin Sancho pero napansin ko na may gusto siya sa babae. Ayaw ko lang kumpirmahin kay Sancho dahil ayokong makisali. Bahala na sila sa buhay nila. Nang maubos ang kinakaing apple ay inabot ko naman sa isang crates ang nag-uumapaw na oranges at kumuha ng isa. “Tapusin niyo muna ang pinag-uusapan niyo. Doon muna ako sa loob, oorder ng makakain.” “No, Aril. Cakes and sweets are not for breakfast. May leftover na ulam natin kahapon sa fridge. May rice cooker sa opisina, magsaing ka.” Seryoso ang mukha ni Aria nang sabihin iyon sa akin. “Fine.” Umalis na ako pagkatapos. Pumunta na ako sa opisina ni Aria at dumiretso sa kusina. Hinanap ko ang leftover na luto ni Jackson kahapon sa fridge at nang mahanap ay pinainit muna sa microwave. Magsasaing sana ako nang may natirang kanin pa kaya sinama ko rin sa microwave para painitin din. Hinanda ko naman ang gagamitin at nang matapos painitin ay nagsimula na akong kumain at habang kumakain ay binuksan ko ang TV. Pinapakita ngayon si Ica sa TV. Ang pang-apat na kaibigan ko na isang wildlife photographer at kasalukuyang nasa sss Rainforest. She was being interviewed through Zoom by a television morning show, Kaygandang Umaga. Limang taon na rin siyang hindi umuuwi ng Pilipinas. Mabuti naman at buhay pa siya. Pero halata sa mukha niya na hindi pa rin siya naka-move on sa nangyari rito noon kahit panay ang ngiti niya habang ini-interview. The morning show ended. Bumalik naman si Aria sa opisina kaya hinarap ko siya saglit. “Umalis na si Sancho?” I asked her. “Yes.” Aria answered. “Nagmamadali nga dahil mag-de-deliver pa siya.” Umupo naman siya sa swivel chair niya at nagbukas ng folder na nakalapag sa office table niya. “I see. Swerte ng mapapangasawa ni Sancho, ano?” I asked her again. Tumango lang si Aria bilang sagot. “Oh! Nakita mo ba ang sent pictures ni Ica sa groupchat natin?” We did have a groupchat, pero si Ica lang ang active doon. Tamang seen lang kami. Pero minsan ay nag-re-reply din kung hindi ako busy. Sa pagkakataong ito ay tumingin na si Aria sa akin. “What is it again?” She sighed. Hindi kasi siya natutuwa sa pinapadalang pictures ng kaibigan namin. Iyong huling pinadala ni Ica ay ang kamay niya na nasa bibig ng isang buwaya na nakanganga. Napatawag tuloy ang kaibigan sa kung saan lupalop ang kaibigan namin sa sobrang pag-aalala. “Tingnan mo na lang.” Ngiting-ngiti naman ako. Tiyak na mag-hi-hysterical na naman kasi siya kapag nakita niya. Sinunod naman ako ni Aria at tiningnan sa cellphone niya. Napasinghap siya sa nakita. Ang picture na pinadala kasi si ni Ica sa amin ay may malaking ahas sa leeg niya at nakapulupot sa magkabilang kamay habang ang laki ng ngiti niya sa camera. Kaagad na nagtipa si Aria ng mensahe sa groupchat namin. Nagpalitan pa ata sila ng message ni Ica dahil natapos na lang ako sa kinakain ko ay nakatutok pa rin si Aria sa cellphone niya. Aria sighed. Nilapag niya ang cellphone sa table. “I just can’t understand Ica, Aril.” She said to me. Abala naman ako sa paghuhugas ng pinagkainan ko. “Hayaan mo na. Heartbroken pa iyon hanggang ngayon.” I just said. “Pero bakit umalis siya ng Pilipinas? Hindi naman niya makikita si Cent dahil umalis din iyon dito.” Si Cent iyong ex-boyfriend ni Ica. Mabuti na at naghiwalay sila dahil hindi ako boto sa lalaking iyon. Leader iyon ng isang banda na nakalimutan ko na ang pangalan pero alam ko na sikat na ang banda nila, wala lang talaga akong panahon at oras para makiusisa. I simply shrugged. “Don’t ask me, Aria. I don’t know a thing when it comes to love problems.” Iniwan muna ako ni Aria pagkatapos asikasuhin ang business reports niya. Inubos ko naman ang buong araw ko sa pag-so-scroll ulit sa social media account ko pero walang nakakuha ng aking atensiyon dahil walang laman ang newsfeed ko kung hindi ang previous posts ng tatlong kaibigan habang wala ako. Sila lang ang friends ko rito at naka-private pa ang account ko. Mabuti na lang at nag-iwan si Aria rito sa akin ng isang buong strawberry cake at milkshake na naubos ko naman kaagad. Hours later, I decided to watch a documentary on YouTube. Sa TV ako nanuod. Nakahiga ako sa malaking couch. Ang paa ko ay nasa sandalan habang ang buhok ko ay nakalaylay sa dulo ng upuan at tumatama na sa sahig. Sa ganoong posisyon ako nanuod habang may lollipop sa bibig na kinuha ko sa malaking jar na nasa coffee table. Tatlong jars iyon, lollipop, candies at cookies. Mahilig talaga si Aria maglagay nito sa coffee table niya pero kapag nandito ako ay ako naman ang umuubos. Habang nanunuod ay nag-vibrate ang cellphone ko na nakalapag sa aking tiyan. It came from an unknown number. Hindi ko sana papansin dahil hindi ko naman kilala at hindi naka-save sa contacts ko pero nang makita ang nilalaman ng mensahe ay napaayos ako ng upo. Hindi basta-basta ang kausap ko ngayon kaya dapat seryoso ako. “You have another mission.” Ano ba naman iyan! I protested, silently. Hindi talaga uso ang pahinga sa kanila. Paniguradong aabot na naman ito ng buwan kaya mawawala na naman ako. “Kailan ba? Ngayon na ba ako aalis? May aasikasuhin pa ako mamaya, eh.” I replied. “Atsaka, tinatamad pa ako.” I sent another message. “Pinapaalam ko pa lang sayo pero naghahanda na kami ng plano. And we are going to destroy someone’s ship next month. Alam namin kung gaano mo kagusto magpasabog ng mga bagay. Excited ka na ba?” Kaagad na reply nito sa akin. Hindi naman maitago ang masamang ngiti sa aking labi nang malaman ang susunod na misyon ko. Alam ko na kaagad kung kaninong barko ang pasasabugin namin sa susunod na buwan kaya hindi maitago ang excitement ko. Nanginginig pa ang daliri ko nang matipa sa screen. “Of course. Kilala mo ako, E. Let me know when, okay? Magiging abala rin kasi ako.” “Sure, Red.” Our conversation ended after. Kaagad ko namang dinelete ang usapan namin para walang makakaalam. Kahit na walang gumagalaw sa cellphone ko ay mabuti na ang sigurado. “Bakit napakaseryoso mo, Aril?” Hindi ko napansin na bumalik na pala si Aria. “Sinong kausap mo?” Takang-taka naman siya. “Uh, nothing, Aria.” My serious face disappeared, instantly, and smiled, sweetly as I answered her. “Anong oras na pala?” Tiningnan ko naman ang oras sa cellphone ko. “It’s 3:48 PM already.” Sagot ni Aria. “Ubos na ba ang cake at milkshake mo? I can bring more if you want.” Sabi pa niya. Kumislap naman ang mga mata ko. “Iyong chocolate cake mo naman. And can I have some fruits? And I want juice too.” Oo, ako na ang makapal ang mukha. “Sure. Ipapadala ko na lang kay Francheska rito.” Si Francheska iyong server niya rito. “You’re the best, Aria. I love you!” Ngiting-ngiti naman ako. Bumalik lang pala si Aria rito dahil may kinuha sa table niya at kaagad namang umalis. Hindi tumagal ng sampung minuto ay pumasok si Francheska na may dalang tray kung saan may dalawang slice ng chocolate cake, a bowl of cut fruits, and mango juice. “Thank you.” Pasalamat ko at matapos ilapag sa coffee table ang dala ay umalis na rin siya. Nag-pa-plano ako na umuwi ng 11:00 PM para makarating sa bahay ko ng 11:30 PM. Thirty minutes kasi ang biyahe galing dito papunta sa bahay ko kung hindi traffic. At halos isang oras naman kapag traffic. May sasakyan naman ako pero mahilig akong mag-commute. Sinasadya ko talaga na hindi umuwi ng maaga para makapaghanda naman ang naghihintay sa akin sa bahay. Hindi na ako makapaghintay sa gagawin niya sa akin. Atsaka, ayaw niya noon? He will have the huge advantage on killing me. Minsan talaga ay ang bait-bait ko kahit sa mga papatay sa akin. Ang kaninang napakaingay na paligid ay unti-unting tumahimik. Maririnig sa labas ang ingay habang naglilinis ang mga trabahante ni Aria hanggang pati sila ay nagpaalam nang umalis. At tuluyan na ngang tumahimik ang paligid. Nang kami na lang ang natira ni Aria ay naisipan kong puntahan siya sa kitchen. Naabutan ko naman siya na gumagawa ng cakes. Sobrang seryoso niya sa ginagawa at hind napansin na may icing na siya sa pisngi. Kahit mukhang naliligo na siya sa harina ay napaka-elegante pa rin niyang tingnan. Makikita mo sa bawat galaw niya na alam na alam niya talaga ang ginagawa. Kumatok ako sa pader para makuha ang atensiyon niya. Napansin naman niya ako. “Oh, Aril!” “May icing ka sa pisngi.” Turo ko pa. “Ay.” Kaagad naman niya itong pinunasan. “Uuwi ka na? 11:06 na! Dito ka na lang matutulog.” I just smiled. “Hindi na. Baka magtampo na iyong bahay ko dahil hindi ako parating umuuwi. Baka maglayas, isama pa ang mga gamit ko.” Biro ko pa. Lumabi siya. “Hindi ka ba natatakot umuwi? Napakalalim na ng gabi. Baka mapaano ka sa daan!” Bahagyang tumaas pa ang kaniyang boses. “Ipagdasal mo na lang ako.” She sighed in defeat. Wala na siyang magawa at hinayaan na lang ako. Sinabayan niya ako papunta sa pinto. Nang nasa labas na ay nagpaalam na talaga ako. “Mag-ingat ka sa pag-uwi, ha.” I smiled. “Sila ang mag-ingat sa akin.” 11:36 PM nang makarating ako sa bahay ko. Katulad nang palaging bumubungad sa akin ay napakatahimik at napakadilim ng paligid. Mabuti na lang at may lamp posts sa bawat kabahayan kaya may nagsisilbing liwanag dito sa labas. Kalmadong pumasok ako sa bahay at umaktong normal na walang kaalam-alam. Hinubad ko ang suot na black coat at tinapon sa couch. Minasahe ko pa ang balikat habang naglalakad. “Nakakapagod naman!” Sabi ko pa para marinig niya na nandito na ako. Umupo rin ako sa couch at tinanggal ang sapatos. Naka-paa ako na naglakad papunta sa ikalawang palapag hanggang sa silid ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at walang bumulaga sa akin. Pumasok na ako at sinara ang pinto gamit ang aking paa na sinipa ko ng nakatalikod. Hindi ko rin binuksan ang ilaw sa aking silid, hindi dahil binibigyan ko ng advantage ang kalaban ko kung hindi ay tinatamad lang talaga akong buksan ang mga ilaw. I sat on the edge of my bed and kicked my feet in the air. “What a long and tiring day.” I even pretended to yawn, loudly. Napansin ko na bahagyang bumukas ang closet ko. Parang may sumisilip. Finally, you let yourself be seen. Humiga ako sa aking kama at bago iyon ay pinagpag ko muna ang unan. Nakatago doon ang baril ko. Hindi ba niya tiningnan ang paligid? I left my gun here on purpose and I was expecting that it wasn’t there anymore but it was still there. But I noticed that one of my six pillows is missing. I stared at the ceiling and closed my eyes. I waited for 10 minutes but nothing. Diyan na lang ba siya sa closet ko habang buhay? Tsk! Labinlimang minuto ang lumipas at narinig ko ang ingay ng closet na maingat na binubuksan. Mukhang sinugurado niya muna na nakatulog na talaga ako ng napakamahimbing bago lumabas sa pinagtataguan. Pero gising na gising pa talaga ang diwa ko. I heard him tiptoeing. I can sense him approaching me, slowly. Bumigat naman ang kama ko at naramdaman ko na umibabaw siya sa akin Pero bago pa niya magawa ang pinaplano niya ay minulat ko ang aking mga mata na ikinagulat niya. Hawak niya ang unan ko sa isang kamay at mukhang iso-suffocate ako gamit ito. “Hi.” I greeted him with a smirk. Inabot ko naman ang nakatagong baril sa isang unan at tinutok ito sa kaniyang noo. He froze but his eyes were shaking when he realized that the gun was pointing at his forehead. Inalis ko ang pagkakatutok nito sa kaniyang ulo at pinutok ang baril. Dumaan ang bala sa kaniyang kaliwa at dumaplis ito sa kaniyang tenga. Dumugo naman kaagad ito at sa sobrang gulat niya ay naalis siya sa pagkakaibabaw sa akin at gumawa ng malakas na kalabog nang mahulog siya sa aking kama. Sumisigaw pa siya habang nakahawak sa kaniyang kaliwa. Para siyang uod na nilagyan ng asin kung gumalaw siya sa sahig. Umupo ulit ako sa aking kama. “Kalma lang.” I said to him. Inabot ko pa siya para tapikin ang balikat. “Hindi naman natanggal ang tenga mo, eh.” May takot sa mukha niya habang nakatingin sa akin. I leaned closer and tilted my head as I eyed him. “Sayang nga at mamamatay ka. May itsura ka pa naman.” “Papatayin mo ba ako?” Lakas-loob na tanong niya. Kalmado na siya pero halatang natatakot para sa buhay niya. Nakahiga pa rin siya sahig habang nakahawak sa dumudugong tenga. “You’re young. Ilang taon ka na? Alam ba ng magulang mo na nandito ka?” I asked him. Hindi ba at may curfew na ngayon sa minor? Baka sobrang nag-alala na ang magulang niya dahil hindi pa siya umuuwi. Hindi naman siya sumagot at nakatitig lang sa akin na naghihintay ng sagot sa tanong niya. “Pasalamat ka at may nagsabi na hindi ka patayin. Pero kung wala, hindi ka na humihinga ngayon.” Sinagot ko na lang siya habang nilalaro sa kamay ang baril. He swallowed hard. “Anong gagawin mo sa akin kung hindi mo ako papatayin?” “Pag-iisipan ko pa. Kaya sa ngayon, matulog ka muna.” Sagot ko naman at walang pag-aalinlangan sa sinipa siya. Lumipad naman ang katawan niya sa lakas ng pagkakasipa ko at tumama ang likod niya sa pader. He moaned in pain and passed out. Nilapitan ko siya at kinuha ang mga paa para kaladkarin papunta sa aking basement. “Dito ka muna sa akin. Aalagaan kita ng mabuti.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD