KAPITULO TRES

3184 Words
Hinintay ko na magising ang bisita. Nandito na kami ngayon sa basement ng aking bahay. Nakatali ang paa sa upuan at ang magkabilang kamay ay sa likuran nito. Sinigurado ko na mahigpit ang pagkakatali ng lubid para hindi siya makatakas. Napakahimbing ng kaniyang tulog. Ang kaniyang tenga naman ay ginamot ko kaya hindi na dumudugo. Tatlong oras ang lumipas at umungol siya. The young man slowly opened his eyes. Mukhang wala pa siya sa kaniyang sarili nang tumingin sa paligid. “Hindi naman ito ang kwarto ko.” Komento pa niya. Tumigil ang mata niya sa akin na nakatayo sa kaniyang harapan. “Good morning!” I greeted him with a sweet smile. His eyes widened in confusion, then fear. Hindi pa siya kaagad nakapagsalita at parang inaalala pa ang nangyari na nakalimutan na niya ata. “How’s your sleep?” “Where am I?” Imbes na sagutin ang katanungan ko ay tinanong pa niya ako pabalik. He scanned the room again. Halatang nag-pa-panic siya habang tinitingnan ang paligid. “There’s nothing to be scared of. Nandito ka lang naman sa basement ko. You’re safe here.” Hinila ko naman ang upuan sa kaniyang harapan at umupo. Pinatong ko naman ang aking dalawang kamay sa sandalan at sumeryoso kaagad ako nang pumantay ang tingin ko sa kaniya. “Sinong nag-utos sayo na patayin ako?” His lips pursed. “Ganito na lang.” I sighed. “Magkano ang binigay nila sayo para patayin ako?” Iniba ko ang katanungan ko. Hindi pa rin siya sumagot. I sighed again. “Zachary Evangelista. 14 years old. Ikaw iyon, hindi diba?” Gulat na gulat naman siya nang banggitin ko ang buong pangalan niya. I smirked. “Gusto mo rin bang sabihin ko sayo kung bakit tinanggap mo ang utos sayo na patayin ako?” I cleared my throat first. Hinahanda ang sarili para sa mahabang eksplenasiyon. “You came from a poor family. Kaliwa’t kanan ang trabaho mo para makatulong sa magulang mo. Ikaw ang pinakamatanda at may apat pa na kapatid. Tumigil ka na rin sa pag-aaral para tumulong sa pagpapaaral sa mga nakakabatang kapatid mo. Na-aksidente ang Papa mo at nasa ospital. Kinakailangan niyo ng malaking pera para sa operasiyon niya at ang perang iyon ay makukuha mo sana kung nagtagumpay ka na patayin ako.” “Paano mo --.” I cut him off. “I have connections, Zachary.” Habang tulog ang lalaki ay tinawagan ko si E para malaman ang pangalan at family background niya. Nagpadala lang ako ng litrato niya habang natutulog siya at wala pang isang oras ay nakatanggap kaagad ako ng mga impormasiyon tungkol sa kaniya. Marami akong nalaman na higit pa sa family background niya. And I find them very interesting. “Kaya naman ay sagutin mo ang katanungan ko sayo. Magkano ang halaga ko?” Padiin nang padiin ang bawat salita ko. “Pinangakuan nila ako ng kalahating milyon.” Napatitig ako sa kaniya. Hindi makapaniwala sa narinig. “Pfft!” Kalahating milyon? Iyon lang ba ang halaga ko sa kanila? I can’t help but laugh, loudly. “HAHAHA!” Napahawak pa ako sa aking tiyan. “I am worth more than that amount! Hindi mo ba ako kilala?!” Tumatawa pa rin ako habang tinatanong ito sa kaniya. Pinunasan ko pa aking mata nang may namuong luha sa gilid dahil sa kakatawa. “That was a good joke!” I am Aril Rose Figueroa, after all. Ang nag-iisang anak ng nagmamay-ari ng mining industry dito sa Pilipinas. Pumapangalawa ang mining industry namin habang nangunguna ang Montegracia Empire. Makapangyarihan ang Papa ko noong nabubuhay pa siya dahil maliban sa mining business namin ay namumuno rito siya ng mga sindikato na nagbebenta sa black market. I was his heiress. He trained me in a very young age to rule them when I am old enough to manage our business. Pero kinuha nila ang para sa akin. Nawala ang para sa akin. My Papa died because he was betrayed by his men. Ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ang pumatay sa kaniya. Isang gabi ay inatake nila kami sa aming mismong pamamahay. They pushed Papa and made him fall on his knees. I called him, crying. Gusto kong lumapit sa kaniya at lapitan iyong lalaki na may hawak na baril na nakatutok sa likod ng ulo ni Papa pero pinigilan ako ng isa. “Don’t let my child see this.” I heard him say those words to them. Walang makikitang takot sa kaniyang mukha pero galit na galit siya sa mga taong nag-traydor sa kaniya. “Ialis niyo siya rito.” Someone carried me and dragged me away. Nanlaban ako at kinalmot ang braso niya na nakapulupot sa maliit na beywang ko. Sinuntok ko rin ang likuran niya pero hindi man lang siya nasaktan. Ang huling imaheng nakita ko ay katawan ni Papa na bumagsak sa sahig at nakakabinging tunog nang kumawala ang bala sa baril na nakatutok kay Papa, umuusok pa nga iyon. All I could do was scream loudly while the door was slowly closing. And those enemies took my father’s business and made it their own. I was left with nothing. “Anong plano mo sa akin?” I came back to my senses when I heard him ask. Hindi ko namalayan na inaalala ko na naman ang nangyari noon. At sa oras na ito ay nakaramdam ako ng matinding galit. My hand turned into fist. “Bakit hindi mo na lang ako patayin?” He asked again. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tinalikuran siya. Tahimik lang ako at mukhang hindi niya nagustuhan ang pagiging tahimik ko. Umalis na ako ng basement habang naririnig ko naman ang boses niya na sumisigaw para balikan siya pero hindi ako nakinig at sinara na ang pinto ng basement. Kailangan kong kumain ng matamis para mawala ang galit ko. Ilang araw na ba ang lumipas? Tatlong araw na ang lumipas nang itali ko ang lalaking iyon sa aking basement. Nandito ako ngayon sa working area ko at tinatapos ang ginagawang painting. Dito sa silid na ito ay makikita ang iba’t ibang paintings ko, may tapos na pero karamihan ay sinisimulan ko pa lang. Maraming nakatambak lang at naghihintay na matapos ko kaya iyon nga ang ginagawa ko ngayon. Isang malakas na namang kalabog ang narinig ko. Pang-apat na iyon ngayong umaga. Naiwan sa ere ang aking hawak na paintbrush at pinikit ang mga mata. Bumilang ako ng tatlo at huminga ng malalim pagkatapos para hindi magalit kahit naiinis na ako. Nanggagaling ang kalabog sa basement. Wala pang isang minuto ay may ingay naman na parang nabasag. Padabog na binalik ko ang paintbrush sa maliit na bowl na may tubig. Ano na naman ang ingay na iyon na parang nabasag? I hissed. Sinasadya niya ba talaga niyang mag-ingay para inisin ako? Lumabas ako sa working area at tinungo ang basement. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na siya sa sahig. Nakatali pa rin siya sa kaniyang upuan pero walang busal ang bibig niya. Kahit na mag-ingay siya o sumigaw ng tulong sa labas ay walang makakarinig sa kaniya dahil walang ibang tao rito. Pinaalam ko rin sa kaniya na wala akong kapitbahay kaya walang tutulong sa kaniya. Kaya ito ang ginagawa niya, ang istorbohin ako at mag-ingay dito. “Ano ba?!” Singhal ko sa kaniya. Nilapitan ko siya at muling tinayo ang upuan. Pang-apat ko na rin itong ginagawa ngayong umaga. “Pwede bang tumahimik ka muna? May ginagawa ako, eh.” He moaned in pain. Siguro ay nasaktan ang gilid niya nang matumba siya. Pinitik ko naman ang noo niya. “Buti nga sayo. Ang likot mo kasi, eh!” Sinamaan niya ako ng tingin. Hinanap ko kung saan nanggaling iyong narinig ko na nabasag at sa kaniyang paanan ay ang head sculpture ng isang babae. Basag na basag ito dahil nahulog sa lamesa at nagkapira-piraso. Sa sobrang likot niya ay nakarating na siya rito sa sulok kung saan nakatambak ang old works ko. I sighed out of frustration. “Papalinisin mo pa ako ng kalat mo!” Singhal ko ulit. Hindi na talaga ako natutuwa. “Why are you keeping me here?” “Tapang mo, ah.” Komento ko na lang. Kinaladkad ko ang upuan niya ulit sa gitna. “Just kill me already!” He shouted. “Do you really want me to?” “Then why are you keeping me here? Pinapakain mo ako ng tatlong beses sa isang araw. Minsan pa nga ay pinapakawalan para maglinis at magbihis. Ano pa ba ang plano mo sa akin?” I shrugged. “Gusto mo bang patayin na lang kita? Isipan mo kung nauna kitang napatay, wala kang matatanggap na pera, magtataka ang magulang mo kung saan ka na at hindi ma-o-operahan ang Papa mo. Hindi mo ba naisip kung ano ang mangyari kung pinutok ko nga ang baril sa ulo mo?” Seryosong salita ko. Hindi naman siya nakasagot at naibaba ang tingin. Napangiti na lang ako at tinapik ang balikat niya. “Kaya magpasalamat ka pa rin sa akin.” “Gusto kong makita ang magulang ko, lalo na si Papa sa ospital. And I really need money for the operation. Pakawalan mo na ako kung hindi mo ako papatayin dahil maghahanap na lang ako ng pera sa ibang paraan.” “I can’t do that. Hindi ka ba nag-iisip? Kung pakakawalan kita at buhay pa ako, ikaw naman ang papatayin nila. Kaya dito ka muna sa akin.” I said to him. “Ganito na lang, ako muna ang magbabayad sa operasiyon ng Papa mo at bibigyan ko rin ng pera ang Mama mo para habang wala ka ay maaalagaan nila ang kapatid mo. Ipapakita ko muna sa nag-utos sayo na hindi ka nagtagumpay sa pagpatay sa akin at wala ka na kaya hindi sila mag-isip ng kung ano.” Inangat niya ang tingin sa akin. “Gagawin mo talaga iyon?” “Gusto mo ngayon din, eh!” “Bakit ang bait mo sa akin? Sigurado ako na marami nang nagtangka sayo at walang pag-aalinlangan na pinatay mo sila. Pero bakit sa akin, hindi mo ginawa?” Totoong maraming nagtangkang patayin ako at hindi ko na mabilang kung ilan na silang napatay ko pero kung hindi lang ako pinigilan ng nagbigay sa akin ng papel ay walang pag-aalinlangan ngang papatayin ko rin siya. He’s not special. And that night I could have kill him in a heartbeat. But he’s an exception. Atsaka ginagawa ko ito hindi dahil mabait ako, gusto ko lang tumahimik siya rito sa basement dahil may ginagawa ako at hindi ako makapag-focus kung panay ang istorbo niya sa akin. “You will know soon. And when that day comes, you better thank them, Zachary.” Nilabas ko naman ang cellphone ko at tinawagan si E. Limang beses itong nag-ring at sinagot naman ni E ang tawag ko pagkatapos. “Yes, Red?” Bored na bored ang boses nito. “May ipapagawa sana ako sa inyo.” Panimula ko. “And what is it?” “Naalala mo iyong lalaki na nandito ngayon sa basement ko? I want to help him.” “Help? Did I hear it right? Are you dying?” E laughed, coldly. “Seryoso nga!” “Alright. At ano naman ang papel namin?” Nakikinig naman si Zachary sa usapan namin. “Iyong Papa niya, nasa ospital. Gusto ko asikasuhin niyo ang pagpapa-opera niya. The operation costs three hundred thousand, right? Pagkatapos iyong Mama niya ay bigyan mo rin ng pera. Is two hundred thousand enough?” Wala naman akong nakuhang sagot kay E. “Hello?” “Oh. I fell asleep.” Wala talaga itong kwentang kausap. Parang ako. “But I heard you. Kami na bahala sa magulang niya.” “Thanks.” “NP.” And E ended the call. Binalik ko naman ang cellphone sa bulsa ko. “You don’t have to worry while you’re gone. Kami na bahala.” “Why are you doing this?” “Bakit hindi ka ba masaya?” I asked back. “I tried to kill you.” “And you failed,” I said and crossed my arms. “And because I did help you, can I ask for a favor? Please stay quiet, okay?” Tumango naman siya bilang sagot. “Good!” Inalis ko naman ang pagkakatali ng lubid sa kaniyang katawan at pinakawalan. “You can do anything you want but don’t do anything stupid.” Paalala ko pa. “Thank you.” Mukhang sincere naman siya nang nagpasalamat na sa akin. “Geh.” Sabi ko na lang. When everything was already settled, I left him there again. Bumalik na ako sa working station ko at pinagpatuloy ang ginagawa. I know how to paint. Hobby ko ito na naging sideline ko na rin kapag wala akong ginagawang misyon o kung gusto ko lang na ialis muna sa isipan ko ang mga problema. Sa sobrang abala ko sa pag-pa-paint ay hindi ko namalayan ang oras dahil pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay 5:30 PM na. Kaya pala tumutunog na rin ang tiyan ko dahil mag-di-dinner na pala ako. Paniguradong nagugutom na rin ang bisita ko sa basement. Tumigil muna ako sa ginagawa para maghanda ng makakain at kapag sinabi kong maghanda ay ang tinutukoy ko ay magluto ng instant noodles. Hindi nga kasi ako marunong magluto. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang cupboards pero wala akong makitang instant noodles or canned goods. Oh, sh-it. Nakalimutan kong mag-grocery. Tiningnan ko na lahat ng pwedeng paglagyan ng pagkain sa kusina pero wala talaga akong makita. I made a mental note to do my groceries. Sa lahat ng pwedeng kalimutan ay iyong pagbili ko pa nang makakain. Hindi ko lang man namalayan na ubos na pala ang stocks ko. Nag-order na lang ako ng foods online. Kaagad naman itong na-deliver at inihain ko na ito. Dahil hindi pa ako naglilinis ng bahay at puno pa ng alikabok ang mga gamit dito ay naisipan ko na namang samahang kumain ang bisita ko sa basement. “Here’s your dinner.” Nilagay ko sa sahig ang pagkain niya. Nagsimula naman siyang kumain. Umupo rin ako sa sahig at sa harapan niya. Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ako. Sumubo muna ako bago siya kausapin. “Anong tinitingnan mo?” “Alam ko ang pangalan mo pero hindi ko alam ang sayo.” “Aril Rose.” Pagpapakilala ko naman. Tumango-tango siya. “Bakit mo naisipang pumasok sa ganitong klaseng trabaho, Zachary? Ang bata mo pa. You still have a lot of choices. Pwede ka ring mag-model. You have a decent face. And you also have a blue pair of eyes. Iyong Papa mo, hindi mo ba iyon Papa?” Pagtatanong ko pa. “Nabuntis ang Mama ko at hindi siya pinagutan. Hindi ko rin nakilala ang Papa ko. Pero kahit ganoon ay tinuring naman akong anak ng napangasawa ni Mama.” “I see.” Kahit sa edad na labing-apat ay matangkad na siya. Puti rin ang kaniyang balat, halatang hindi mahirap. Nakita ko kasi ang larawan ng mga magulang niya at doon ko napansin na wala siyang nakuha sa mga magulang. Pati ang mga kapatid niya ay hindi niya kaparehas. Naiiba siya sa kanila. Kaya siguro inutusan ako na hindi siya patayin dahil sayang ang mukha niya. “Magiging okay naman si Papa, hindi ba?” “Of course. He will take the operation. Nalaman ko rin na hindi pa nahuhuli ang naka-hit-and-run sa Papa mo. Do you want me to investigate it and find the culprit?” “Mahahanap mo siya?” I smiled. “Oo naman. Kami pa.” Taas-noo naman akong sumagot. “Are you part of an organization?” “Secret!” I am part of an organization. Si E ang namumuno nito. It’s Black Crows Organization. E found me and recruited me. Pero hindi ko sasabihin sa kaniya ang totoo, ano. Bumalik na ako sa itaas nang matapos na kami sa pagkain. Disposable naman iyong ginamit namin na utensils at paper plate kaya tinapon ko na lang sa basurahan. Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko at nang tingnan ay nag-message sa akin si Aria. “Napasobra ang ginawa kong carrot cake. Ibibigay ko sana sayo bukas pero hindi ako makakapunta diyan dahil busy ako. Pumunta ka rito sa café, please, at kunin ang cakes, Aril. Sayang naman kung masira lang.” Ito ang natanggap ko na mensahe sa kaniya. “Basta libre, pupunta talaga ako!” I replied. Sinabayan ko pa ito ng smiling emoji. Sinong hihindi sa carrot cakes na libre? “Okay! See you tomorrow.” Nag-heart reaction lang ako sa message niya. Inubos ko ang natitirang oras sa ginagawa. Tatlong portrait rin ang natapos ko. Ibebenta ko pa ito sa malaking halaga pagkatapos. Hindi alam ng mga kaibigan ko na isa akong sikat na painter. Marami na akong nabentang gawa pero walang nakakakilala sa totoong pangalan ko. Ang alam lang nila ay pangalan na nakalagay sa ibaba ng mga gawa ko. It was in cursive. Red. Wala nga silang ideya kung babae o lalaki ba ako. Pero pinag-aagawan ng lahat ang mga gawa ko. And because my identity is a secret, my arts are more valuable. People loves mysterious things. Pati nga si E ay bumibili ng gawa ko pero alam niya na ako ang painter, hindi ako makakatakas sa kaniya. Nakita ko rin sa café ni Aria ang mga gawa ko. And she always compliments the mysterious painter. Hindi niya alam na ako pala ang tinutukoy niya. 11:05 PM na nang naisipan kong tumigil. Sumasakit na rin kasi ang likuran at pwet ko sa kakaupo. Punong-puno ng iba’t ibang kulay ang aking suot na apron at may natuyong paints pa sa balat, lalo na sa kamay hanggang braso ko. I need to take a bath. Niligpit ko muna ang mga gamit ko at lumabas na. Pumunta ako sa silid ko, kumuha ng tuwalya at pumunta ng banyo na nandito rin sa silid ko para maligo. Pero natigilan ako nang may natanggap akong unknown message sa phone. Umilaw kasi ang screen nito na nakalapag sa bedside table. Sweet Tooth Café. Tomorrow morning. Alam ko na kaagad ang ibig-sabihin nang natanggap na mensahe. Nanginginig naman ang buong katawan ko habang hawak ang cellphone sa dalawang kamay at hindi maalis ang tingin sa screen. Idadamay pa talaga nila ang mga kaibigan ko ngayon? Kung ako lang ang gusto nilang patayin ay ako lang dapat ang habulin nila. Bakit idadamay nila ang mga kaibigan ko? Pwes! Hindi ko sila hahayaan na saktan sila, lalo na si Aria. Walang mangyayari sa kanila. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kay Papa, lalo na at malaki na ako ngayon. Like Papa wanted me to become, I can kill now. And I will kill them all. Wala akong ititira sa kanila. Especially, I have the organization behind my back now, supporting me. Ipapasalap ko sa kanilang lahat ang impyerno at kukunin ko ang lahat na para talaga sa akin na kinuha nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD