KAPITULO CUATRO

3817 Words
The first thing that came to my mind was to call E. Nanginginig pa rin ako sa galit habang hinanap ang pangalan niya sa contact list ko at nang makita ay tinawagan siya. Hindi naman siya kaagad nakasagot sa tawag ko pero nang isagot niya ay humikab pa siya. “Red? Anong problema?” Inaantok na tanong niya sa akin pagkatapos. Narinig ko pa siyang gumalaw sa kaniyang kama. “My friend is in danger, E.” Imporma ko sa kaniya. Kilala niya ang mga kaibigan ko. Sinabi niya sa akin ng unang pagkikita namin ay matagal na niya kaming pinagmamasdan sa malayo at hinding-hindi ko rin makakalimutan ang unang pagkikita namin dahil tinulungan niya ako. Mukhang nagising naman ang natutulog niyang diwa dahil nawala ang antok sa boses niya at napalitan na seryosong boses nang magsalita ulit. “Sino ang tinutukoy mo?” “Si Aria Lauret. May natanggap akong mensahe ngayon lang. Sa Sweet Tooth Café, bukas ng umaga.” Narinig ko na napamura siya sa kabilang linya. “And I will be there tomorrow, morning. I will make sure that nothing happens to her and I need you to find them first.” I added. “Got it.” Tumahimik naman siya. Akala ko ay ibaba na niya ang tawag pero muli siyang nagsalita. “And, Red.” “Yes?” “Siguraduhin mo ang seguridad niya. Ayokong may mangyari sa kaniya. Naririnig mo ba ako, Red?” “You don’t have to remind me about it, E.” Pagkatapos na sabihin iyon sa kaniya ay walang salitang binaba niya ang tawag. Ganoon naman talaga siya kaya hindi na bago sa akin kapag binaba niya ng walang sinasabi ang tawag. Hindi lang niya sa akin ginagawa iyon kung hindi sa lahat. Hindi pa sumisikat ang araw ay nandito na ako at nakatayo sa labas ng café. I was looking out for anything that is suspicious. Hindi ko alam kung anong gagawin nila ngayon kaya dapat alerto ako. Nagulat pa nga si Aria nang makita ako sa labas nang buksan niya ang café. It was already 6 in the morning. Binubuksan na talaga ni Aria ang café ng ganito kaaga kahit na 8:00 AM dumadating ang mga trabahante niya. “Bakit ang aga mo naman ngayon?” She asked me. Nilapag niya sa lamesa ang isang basong kape at umupo sa harapan ko. Nandito na ako ngayon sa loob ng café pero nakaupo malapit sa glass window na makikita ang view sa harapan. Dumadami na rin ang mga tao na naglalakad sa labas, ang iba nagmamadali dahil papasok pa sa trabaho, mga estudyante at mga nag-jo-jogging. Hindi naman maalis ang tingin ko sa mga nangyayari sa labas. “Hindi na kasi ako makapaghintay sa carrot cake mo.” I reasoned out. “But no cakes for breakfast.” Paalala pa niya. Natawa na lang ako at humigop sa kape. Si Aria naman ay tsaa ang iniinom. Nagdala rin siya ng loaf bread at strawberry jam. Aria prepared the bread with the jam for me and handed it to me. Inabot ko naman ang bigay niya at kinagatan. Ginawan din niya ang sarili at kumagat na rin. “You look so tense, Aril.” Puna pa niya. “Did something happen?” “Wala naman. Huwag mo na akong isipin, Aria.” Sagot ko naman sa katanungan niya. Ang tingin ko ay nasa labas pa rin. “Tingnan mo, oh. May nadapa.” Tinuro ko pa ang labas kung saan may nag-jo-jogging na nadapa sa daan dahil hindi tumitingin sa tinatakbuhan niya. Panay kasi ang tingin niya sa kaniyang cellphone, naghahanap siguro ng music doon dahil may suot siyang earphones. Tumawa ako habang pinagmamasdan ang babae. Hindi sana mahalata ni Aria na peke ang tawa ko. Aria just shook her head. “I feel sorry for the woman though.” She took another sip of her tea. Sumimangot ako. “Kasalanan naman niya. Hindi siya tumitingin sa dinadaan niya. Naalala ko tuloy iyong nasa highschool pa tayo. Natapunan ang school uniform ni Ymir ng chocolate shake. Hindi kasi siya tumitingin sa daan habang naglalakad kaya hindi niya napansin na papalapit na siya pader at nabunggo doon. Galit na galit pa nga siya sa atin dahil hindi raw natin siya pinigilan.” Ngiting-ngiti naman ako. Napangiti naman si Aria nang maalala iyon. “Pagkatapos sinabi mo sa kaniya na kasalanan naman niya dahil hindi siya tumitingin sa daan.” “And that she deserves it,” I added, still smiling. Dumadami na rin ang dumadaang sasakyan. Mga pribado at pampasahero na sasakyan, at may school bus na rin. Kahit kausap ko si Aria ay sumusulyap pa rin ako sa pamamagitan ng peripheral vision ko. Naubos ko na rin ang aking kape at kinakain. Isang oras ang lumipas ay tumayo na si Aria dahil maghahanda pa raw siya. Kahit ayaw man at gusto ko na nandito lang siya malapit sa akin ay hindi ko ginawa dahil baka magkaroon siya ng suspicion, hindi naman kasi ako ganoon. “Sigurado ka ba na okay ka lang dito? You can stay in my office, Aril. Mas komportable ka roon.” Paninigurado ng kaibigan ko. “You don’t need to worry, Aria.” Kahit nagtataka ay tumango na lang siya. Wala namang kakaiba sa labas kaya iyon ang mas kinatatakutan ko. Dumating na rin ang mga trabahante ni Aria at binati pa ako ng magandang umaga nang makita ako nandito sa café, tumatambay. Tanging tango lang ang sagot ko sa kanila at hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Nagbukas na rin sila ng café at unti-unti ay dumadami na ang customer nila. 10:30 AM na at walang nangyayari. Hindi kaya namali lang ang nagpadala sa akin ng mensahe? Sana nga. Pero hindi pa rin ako dapat maging kampante. Pati si E ay hindi pa nag-me-message sa akin. “That’s our seat!” Naalis lang ang tingin ko nang may marinig na maarteng boses ng babae sa aking gilid. Nang iangat ang tingin ay apat na babaeng estudyante ang nasa harapan ko. Nakasuot pa sila ng uniform. Nakapameywang ang isang babae na mukhang leader nila habang masama ang tingin sa akin. “Usual spot namin ang inuupuan mo! Umalis ka diyan.” She demanded. “Excuse me?” Hindi naman ako makapaniwala. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na may suminghal sa akin. “Bingi ka ba? Amin ang pwesto na inuupuan mo kaya umalis ka diyan.” Ulit pa niya. “Hindi ba dapat nasa paaralan kayo?” Puna ko naman na mas ikinagalit niya. Tumili pa siya siya sa sobrang galit. Napangiwi naman ako dahil sumakit ang tenga ko. Hinayaan ko siyang magwala at pinapakalma naman siya ng mga kaibigan niya. I looked outside again. I noticed a very suspicious man was standing on the other side of the road. Nagtama ang tingin namin at ngumisi siya sa akin. Nakasuot siya ng cap kaya hindi ko makita ang buong mukha niya, maliban sa labi niya na nakangisi sa akin ng napakalaki. Kaagad naman akong napatayo sa pagkakaupo nang tumalikod na siya at naglakad papalayo. That’s them! “Umalis rin!” Umalis na ako sa pwesto ko doon para sundan ang lalaki. Narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Aria pero hindi ko pinansin. Ang tanging nasa isipan ko lang ay mahabol ang lalaki. Pero nang makalabas na ako ng café ay nawala na siya. I looked around but I can’t find the man anymore. My cellphone rang. It was E calling. Kaagad ko naman itong sinagot. “We found them, Red. Pero ayaw nilang magsalita.” Panimula niya. Sa kabilang linya ay narinig ko naman ang malakas na sigaw ng isang lalaki na sinasaktan. “Oh, shut up. Patahimikin mo muna nga iyan, Cheren. Kausap ko si Red dito.” Salita ni E sa mga kasama. “Kaya naman ay ginagawa namin lahat para magsalita sila.” Tuloy naman ni E at sinabayan pa ng malamig na tawa. “Thanks, E. Gawin mo ang lang para magsalita ang mga put--.” Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil may bumangga sa akin. Nahulog tuloy ang cellphone ko. “Ano ba naman iyan. Ang lawak-lawak ng daan.” Singhal ko pa at kinuha ang cellphone na nasa sahig. “Hindi mo dapat hinayaan ang kaibigan mo sa loob.” I heard him. Mahina lang ang boses niya nang sabihin iyon pero rinig na rinig ko siya. “What?” Tama naman ang pagkakarinig ko, hindi ba? “Your friend will die, you know. And it’s your fault.” He added. Hindi ko naman siya hinayaang lumayo sa akin. I held his shoulder and pinned him against the wall. Nilagay ko ang kaliwang kamay niya na hawak ko sa kaniyang likuran at inipit ang batok niya ng isang kamay pa sa pader para hindi siya gumalaw. Imbes na masaktan ay tumawa lang ito. “Anong alam mo?” Mahinahong tanong ko sa kaniya. Pinagtitingnan naman kami ng mga dumadaan. “Anong plano niyo, ha?” He laughed again. “You should’ve stayed inside so you will die together with your friend.” Mas diniin ko ang pagkakaipit ng braso ko sa batok niya. “Mahanap mo kaya ang tinago naming bomba bago ito sumabog?” Nanlolokong tanong niya sa akin. “Red?” Narinig ko naman si E. Hindi pa pala niya binaba ang tawag. “Red?!” “Yes, I’m still here! Nahanap ko ang isa sa mga kasamahan nila, E. At sinabi niya sa akin na may tinanim silang bomba rito sa café!” Nag-pa-panic naman ako pero hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa lalaki. “Iyon din ang sasabihin ko sayo.” Salita ni E. “Umamin ang isa rito na tinago nila ang bomba sa isang itim na sasakyan diyan.” Narinig naman ng lalaki ang usapan nila at tumawa na naman. “Tumatakbo ang oras. Bilisan mo na ang paghahanap bago mahuli ang lahat.” Sabi ulit niya. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay hinampas ko ang ulo niya sa pader at hinamatay naman siya kaagad. Hinayaan ko na matumba ang kaniyang katawan sa sementadong sahig. Gulat na gulat naman ang mga taong nakakita at nilapitan ito para tulungan. “Find the bomb quickly, Red.” Narinig ko pang utos ni E sa akin. “I know!” Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Tumigil ang mata ko sa isang itim na sasakyan na naka-park sa kaliwang gilid ng Sweet Tooth Café kung saan ang opisina ni Aria at malapit sa cashier area. Unang tingin ko pa lang ay alam ko na ito ang hinahanap kong sasakyan. Aria noticed the commotion outside. Nakita niya rin ako at lumabas sa café. “Aril, what’s happening here?” Papalapit pa lang siya sa akin nang biglang yumanig ang paligid dahil sa napakalakas na pagsabog. Natumba ako sa aking kinatatayuan at napahiga sa sahig. Napaubo ako sa itim na usok na pumaligid sa akin. Umiikot ang paningin ko at napakasakit ng tenga ko. “Red? Red?! Are you there?!” Kinapa ko ang sahig para mahanap ang cellphone ko nang marinig ang boses ni E na nag-alala. My whole body hurts but I can still move. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at tinapat ang cellphone sa aking tenga. “I’m still here, E.” Umuubong sabi ko naman. I adjusted my vision. Unti-unting naririnig ko na ang malalakas na hiyawan at hagulgol ng mga tao sa paligid. May nakita pa akong katawan na nahati sa dalawa. I remembered Aria. Kaagad na nawala ang kulay sa aking katawan at nanlamig nang makitang wala siya sa harapan ko. “Aria? Aria?!” I called her. Wala akong makuhang sagot sa kaniya. Pinilit kong tumayo kahit na nanghihina ang tuhod ko. Napakaraming sugat ko sa aking katawan dahil tumama sa akin ang nagliparang basag na salamin nang nangyari ang pagsabog pero hindi ko pinansin ang mga sugat ko. Ang tanging nasa isipan ko ay mahanap ang kaibigan. “ARIA!” Sigaw ko pero mas malakas pa rin ang sigawan ng mga tao at iyakan nila. Hindi pa rin nawawala ang usok kaya napakahirap makita ang dinadaan ko. Nagkalat ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga tao sa paligid at maraming walang malay. Nang nawala ang usok ay nakita ko ang kabubuan ng Sweet Tooth Café. The other half of the building was missing because of the impact. Mula doon ay maririnig ang iyakan ng mga tao at nanghihinang lumalabas sa café na naliligo sa kanilang sariling dugo. “ARIA! WHERE ARE YOU?!” I shouted at the top of my lungs. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang kaibigan. “ARIL!” Narinig ko naman ang boses niya. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling at lumiwanag ang buong mukha nang makita siya. Nakaupo siya habang nakasandal sa pader. Katulad ko ay marami rin siyang sugat sa katawan pero may nag-aasikaso sa kaniya na isang lalaki na nakatalikod sa akin. Kaagad ko namang nilapitan ang kaibigan at pumantay sa kaniya para hawakan siya. “Mabuti naman at okay ka lang.” Naiiyak na sabi ko. Niyakap niya at umiyak. “I’m so scared. Aril! What happened?! Bigla na lang lumipad ang katawan ko! May sumabog ba na bomba?!” Natatakot na sabi niya sa akin. Maraming tao ang tumutulong ngayon sa mga nasugatan. Ang iba ay tumatawag na ng ambulansiya. “Maraming sugat ang kaibigan mo pero hindi naman malala.” Narinig ko na nagsalita ang lalaki. I looked up and stared at him. “He helped me, Aril.” Imporma ni Aria sa akin. Bumalik ang tingin ko sa kaibigan at tumango lang. Napasinghap si Aria nang makita ang itsura ko. “Mas marami ka pang sugat kaysa sa akin. Okay ka lang ba?” “Okay lang ako, Aria.” Mas lalo siyang nag-alala pero hindi nagsalita. Sinikap niyang tumayo at kaagad ko naman siyang tinulungan. Napasinghap ulit siya at naitakip ang bibig habang nanlalaki ang mga mata nang makita ang paligid. Mga nagkalat na iba’t ibang bahagi ng katawan sa daan, mga duguang tao na umiiyak habang ang iba ay wala ng malay at tinutulungan ng mga tao na malapit dito, at ang café niya na hindi na makilala dahil wasak na wasak. “Where’s Anne and Francheska?! Si Liam at Kaye!” Ang tinutukoy niya ay ang mga trabahante niya. Hindi naman ako makasagot. She started crying again. Tinakpan niya ang buong mukha ng dalawang kamay habang umiiyak. “Kasalanan ito ni President Montegracia! Siya ang pakana nito para umuwi lang ako! O mas gugustuhin na lang niya na patayin ako kung hindi man lang pala ako makakatulong sa kaniya!” “You don’t need to blame your old man, Aria.” Naisabi ko na lang. Ako ang may kasalanan nito at hindi ang matandang iyon. Alam ko na kahit masama ang ugali ni President Montegracia ay hindi niya magagawa ito at ipapahamak ang isa sa mga apo niya, lalo na at si Aria ang magmamana ng mga business ng pamilya nila. “And why not?! Maybe he decided that he wants me dead instead!” Umiiyak pa rin siya. Hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis at napakaraming ambulansiya. Dumating din ang mga TV reporter nang malaman na may sumabog sa Sweet Tooth Café na pagmamay-ari ng isang Montegracia at ang mga mata nila ay hinahanap ang kaibigan ko. I sighed. I don’t want them to see Aria in this state. Hinarap ko naman ang lalaki na hindi pa rin umaalis. “You.” “Ako?” Parang tanga na tinuro pa niya ang sarili. “Sino pa ba?” I almost rolled my eyes. “Dala mo ba ang sasakyan mo?” Tumango siya bilang sagot. “Dalhin mo ang kaibigan ko sa sasakyan mo.” Sa pagkakataong ito ay nakita na ng mga reporter ang kaibigan ko at papalapit na sa amin. “Pipigilan ko muna ang mga reporter at susunod ako sa inyo.” Tumango ulit siya. “I will talk to them, Aril.” Salita ni Aria. “Hindi muna sa ngayon, Aria.” Pigil ko. Paniguradong guguluhin siya nito at ano pa ang sasabihin na ikakasakit ng damdamin niya. “Go now!” Utos ko sa lalaki at kinarga naman niya ang kaibigan ko na parang prinsesa. Susundan sana nila ang dalawa habang tinatawag ang kaibigan ko pero pinigilan ko sila. “Aria doesn’t want to talk to you.” “It’s Aril Rose Figueroa.” Nakilala naman ako ng isang reporter. Tinapat niya sa akin ang hawak na microphone. “Pwede ba naming malaman kung ano ang nangyari rito?” He asked. “We will settle this privately. All of you don’t need to know what happened.” Malamig na sagot ko naman. “Kung ipipilit pa ninyo ay hindi ako mag-da-dalawang isip na kasuhan kayo.” Pananakot ko pa at pagkatapos sabihin ito sa kanila ay umalis na ako. Natakot naman sila at hindi na sumunod. Pumasok na ako sa sasakyan ng lalaki at umupo sa likod kung saan si Aria. Nasa driver’s seat naman siya at mukhang naghihintay na lang sa akin dahil umaandar na ang engine ng kaniyang sasakyan. “Umalis na tayo rito.” “My name is Piedro, by the way.” Tinignan ko naman ang lalaki na nagpakilalang Piedro sa rearview mirror kung saan ay nakatingin din siya sa akin. “Since I am helping you escape right now, might as well introduce myself, right?” “May sinabi ba ako?” Sabi ko naman. “Oh, Aril. Don’t be mean. Pasalamat na lang tayo at tinutulungan tayo ni Piedro.” Sabi sa akin ni Aria. I just shrugged. Bumuntong-hininga naman si Aria. “What I am going to do now? A lot of people died there and needed my help but I left them there. I need to talk to President Montegracia about this.” Galit na galit naman siya nang binanggit ang matanda. I reached out her hand. “You really need to talk to him, Aria. Tanungin mo siya kung siya ba ang may pakana ng nangyari o hindi. Pero sa ngayon ay uuwi muna tayo sa bahay ko para gamutin ang mga sugat mo.” Humigpit naman ang pagkakahawak ni Aria sa kamay ko. Hindi siya nagsalita at ngumiti lang. “Where are we headed?” Tanong ng lalaki sa amin pero nakatutok pa rin sa kalsada. “Sa bahay ko.” Sagot ko naman. Tinuro ko ang daan papunta sa bahay ko at hindi nagtagal ay dumating na kami. Bumaba naman kami sa sasakyan niya. Nagpasalamat naman si Aria sa kaniya at pumasok na kami sa bahay ko. Umalis naman ang lalaki pagkatapos. Kaagad na umupo si Aria sa couch. “Stay there. Kukunin ko muna ang first aid kit ko.” “Kailangan ko ring maligo.” “May CR naman dito sa unang palapag. May nakahanda ring towel doon.” Tumango lang si Aria at pumunta na sa CR para maligo muna. Pumunta naman ako sa ikalawang palapag kung saan ang kwarto ko para kunin ang first aid kit. Dahil maliligo pa si Aria ay naisipan ko ring maligo at gamutin din ang mga sugat ko. May mga maliliit na basag na salamin na nakabaon sa balat ko at isa-isa ko naman itong kinuha. Nang matapos sa paglilinis ay bumaba na ako at naabutan ko ulit si Aria sa couch na nakasuot ng bathrobe na parang may kinakausap. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang si Zachary pala ang kausap niya. Napansin naman ni Aria ang presensiya ko. “Hindi mo naman sinabi sa akin na kumuha ka na pala ng katulong dito sa bahay mo, Aril.” Katulong? Tiningnan ko si Zachary na nakatingin din sa akin. At bakit nasa labas ang lalaking ito? Alam ko na hindi ko ni-lo-lock ang pinto sa basement dahil kampante ako na hindi siya tatakas dahil sinabi ko sa kaniya ang sitwasiyon niya. Huwag mong sabihin na tatakas sana siya pero nakita lang ni Aria? At anong katulong ang pinagsasabi ni Aria? Iyon ba ang pakilala ni Zachary para hindi magtaka ang kaibigan ko? Kaagad naman akong bumawi sa pagkakagulat at ngumiti na lang. “Hindi kasi ako madalas umuuwi at sa tuwing umuuwi ako ay napakakalat ng bahay kaya naisipan kong kumuha ng katulong kaya habang wala ako ay may maglilinis at mag-aalaga ng bahay.” Pagdadahilan ko rin. “I see. That’s a good thing.” Lumipat naman ang tingin ko kay Zachary. “Why are you here? Akala ko ba ay nagpapahinga ka sa silid mo?” I eyed him, intently. Ang tinutukoy ko na silid ay ang basement niya. “Kukuha lang sana ako ng maiinom sa kusina at nakita naman ako ni Ms. Aria.” He answered. “Kaya pala.” Salita ko na lang. Umupo na ako sa tabi ni Aria at nilapag din sa couch ang dalang first aid kit. “Magdala ka nga ng juice at dalawang baso, Zachary.” Para sa aming dalawa ni Aria iyon habang gagamutin ko siya “Pagkatapos ay bumalik ka na sa silid mo at magpahinga ka na, okay?” Tumango lang ito at sumunod sa utos ko. “Ow!” Umungol si Aria dahil nasasaktan habang ginagamit ko ang mga sugat niya. “Hinay-hinay naman, Aril. Ang sakit pa naman!” Reklamo pa niya. “Endure it, Aria. Malapit na rin itong matapos.” Sabi ko lang. Halos isang oras na rin kasi na ginagamot ko ang mga sugat niya. “There, done.” “Mabuti naman!” She sighed in relief. Tumunog naman ang cellphone niya nakalapag din sa kaniyang tabi at sinagot kaagad ang tawag nang makitang ang nakakabatang kapatid na lalaki ang tumatawag sa kaniya. “Hello, Damon? Good thing you called! Akala ko talaga ay wala na akong kapatid dahil hindi ka na nagpaparamdam sa akin!” Sermon pa niya sa kausap. Hinayaan ko lang siya na kausapin ang kapatid at umalis muna sa living room. Isang mensahe naman ang nakatanggap ko kay E. “Nahuli namin lahat ng may kagagawan sa nangyari kanina.” Kahit kailan talaga ay hindi ako binigo ni E. Napakabilis pa rin niya. Malaki ang aking ngiti dahil sa natanggap mula sa kaniya. “Good. Thanks, E. Diyan muna ang mga iyan. Aasikasuhin ko pa ang kaibigan ko at pagkatapos nito ay pupunta ako diyan.” I replied. “Okay.” Akala ko ay hindi na masusundan ang mensahe niya pero may natanggap pa ako. “Kamusta naman ang kaibigan mo?” “She’s fine. May sugat naman siya pero hindi malala. Nandito siya ngayon sa bahay ko.” Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya pagkatapos. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga mukha ng may kagagawan nito. Ipapalasap ko sa kanila ang sakit hanggang sa magmamakaawa na silang patayin ko na lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD