KAPITULO CINCO

3107 Words
Pinapanuod namin ngayon ang balita sa TV. Pinapalabas kasi ang nangyaring pagsabog sa café ni Aria kanina. Maraming namatay na idineretso sa pinakamalapit morgue habang iyong mga sugatan na naidala na sa ospital at ginagamot. At sa hindi malamang dahilan ay nasa pinangyarihan ng krimen ang matandang sekretarya ni President Montegracia. Napapalibutan ng yellow tape ang wasak na café ng kaibigan para walang makapasok doon. Makikita rin ang mga kapulisan na nasa loob at labas ng café. Ang naiwan na lang ay ang natuyong dugo sa paligid. Kausap din ngayon ng TV reporter ang sekretarya ng matanda. “Ms. Montegracia is safe with her family now. Labis ang kalungkutan niya sa nangyari at nakikidalamhati siya sa mga pamilyang namatayan. Hindi niya kagustuhan ang nangyari at gagawin namin lahat para malaman kung sino ang pakana ng pagsabog. President Montegracia fears for her granddaughter’s life and I am afraid that you will not see Ms. Montegracia sooner.” Salita nito nang tinanong kung saan at kinamusta ang kalagayan ni Aria. Panay ang tawag ng mga tauhan ng matandang Montegracia kay Aria pero hindi naman sinasagot ng kaibigan. Titingnan lang niya kung sino ang tumatawag pero hahayaan niya lang mag-ring hanggang sa tumigil kapag mga tao ni President Montegracia ang tumatawag sa kaniya. Nakausap na rin niya ang dalawang kaibigan namin na sina Ymir at Ica na nasa ibang bansa pa at kinamusta siya. Pati si Jackson ay tumawag na rin sa kaniya at sobrang nag-aalala. Kahit hindi pa binabalita sa TV ay umabot ng mga kaibigan namin at kasintahan niya ang nangyari. “Napakasinungaling naman.” Komento ni Aria sa narinig. “We will investigate this further with the police. Rest assured that the people involved in this accident will be compensated well.” He added. Natapos na rin ang flash news at bumalik na ito sa isang noontime show. Alam na ng buong Pilipinas ang nangyari, pati na rin sa social media. Ito ngayon ang usap-usapan ng lahat. Lahat ay sinisisi ang pamilya Montegracia, lalo na at maraming namatay at nasugatan. I ordered some food for us to eat lunch. 2 PM na nga at ngayon pa kami kumakain ng lunch. It was 3:30 PM and I was busy washing the dirty plates when the doorbell rang. Paniguradong si Ethos Damon ang dumating, ang nakakabatang kapatid na lalaki ni Aria. Sinabi kasi sa akin ni Aria kanina na kukunin siya ni Damon dahil doon muna siya sa tinitirhan ng kapatid at sasamahan bukas sa opisina ng matandang lalaki. Binuksan ko naman ang pinto at si Damon nga ang bumungad sa akin. He was frowning. Ganoon naman talaga ang lalaki. Parang palaging galit sa mundo, wala naman itong ginagawa sa kaniya. Naka-school uniform pa siya ng Mnemosyne High. Nakabulsa ang isang kamay sa kaniyang black school pants. “Where’s my sister? I am here to fetch here.” He asked me. “Is that Damon?” Narinig ko naman ang boses ni Aria na nagtatanong at ang yabag niya na papalapit sa amin. Sumilip siya sa aking balikat at nakita nga ang kapatid. “Oh! Bakit napakaaga mo naman dumating? Your class ends in 4:30 PM and it’s still 3:15 PM!” Puna pa niya. Tumabi naman ako sa gilid para makaharap ni Aria ang kapatid. “Did you skip class again, Damon?!” Aria put her hands on her waist. “It doesn’t matter, Aria. Mas nag-aalala ako sa kalagayan mo.” Damon just clicked his tongue. “But it looks like you’re better now. Kasi sinisinghalan mo na ako, eh.” Dagdag pa niya sa mahinang boses pagkatapos. “Anong Aria?” Hindi naman natuwa ang kaibigan sa narirnig. Inabot niya ang tenga ng lalaki kahit mas matangkad ito sa kaniya at kinurot. “It’s Ate Aria for you! Aria ka diyan, ha!” Napangiwi naman si Damon sa sakit. “Ow! Ow!” Parang aso ito na tumatahol sa sakit. “I’m sorry, okay? Sorry na, Ate Aria!” Pagdating talaga sa nakakatandang kapatid niya ay kaagad na titiklop at sumusunod si Damon. Aria smiled and let his ear go. “That’s much better.” Tuwang-tuwa pa nga dahil tinawag siyang Ate na lalaki. Hinimas naman ni Damon ang namumulang tenga at nakasimangot pa habang masamang tinitingnan ang nakakatandang kapatid dahil sa ginawa nito pero wala namang paki-alam ang isa at humarap sa akin. “Aalis ka na?” Tanong ko naman. Gusto ko pa sana na magpalipas siya ng gabi rito sa bahay ko pero sigurado ako na mas mabuti sa kaniya na makasama ang kapatid na minsan lang niyang makita dahil may sariling buhay na rin. Yumakap si Aria sa akin. “Thank you for inviting me in, Aril. And I am sorry for the trouble. I really appreciate it.” “Don’t mind it, Aria. Ganoon naman talaga kapag magkaibigan, hindi ba? Nagtutulungan.” I spoke. Iyon ang sinabi sa akin ni Aria noon kaya ginagawa ko lang sa kanila. Umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiti pa rin. “Ingat sa pag-uwi ninyong dalawa.” “Let’s go, Ate Aria.” Diniin naman ni Damon ang salitang Ate Aria. “Bakit ka nagmamadali? May date ka ba? Bye, Aril.” Paalam na ni Aria sa akin at umalis na nga ang dalawa. May sasakyan si Damon at iyon ang ginamit nila sa pag-alis. Hinintay ko na tuluyang mawala sa paningin ko ang papalayong sasakyan nila at bumalik na sa loob ng bahay pagkatapos. Nang mag-isa na ako ay kinuha ko ang cellphone at nag-message kay E. Pinaalam ko sa kaniya na pupunta ako sa secret hideout namin para makausap iyong mga lalaking nahuli nila mamayang gabi. Sinabi sa akin ni E na wala sila ngayon sa hideout namin at nagbigay ng hindi pamilyar na address sa akin pero mahahanap ko naman kung saan ito. Gabing-gabi na nang marating ko ang binigay sa akin ni E na address. It was an abandoned warehouse. Basag na ang salamin ng mga bintana at kinakalawang na ang mga bakal. Tahimik na rin ang paligid at wala akong makikikitang tao rito. Umingay pa ang pinto ng warehouse nang marahang buksan ko ito dahil sa sobrang luma. Kaagad ko namang nakita si Kai na nagyoyosi sa tabi habang nakasandal sa pader. Nakita naman niya ako. “Oh, Red! Akala ko ay hindi ka na dadating. Nawala ka ba nang papunta rito?” Tinapon niya ang yosi at inapakan. Nilapitan niya ako at sinabayan sa paglalakad. “Kanina pa kita hinihintay.” He added. “Where’s E?” We arrived in a huge hall. There’s a lot of strange machines and engines here. May ilaw naman na nilagay nila Kai rito para lumiwanag ang paligid kahit papaano. “Hinahanap mo ako?” I heard E’s voice somewhere. Sinundan ko naman kung saan ito nanggaling at nakita naman siya kaagad sa isang tabi. Komportable siyang nakaupo sa upuan na gawa sa bakal na nahanap niya ata rito. She was crossing her legs and her face was covered with a black mask. Sa kaniyang likuran ay nakatayo ang dalawang lalaki sa magkabila niya, si Cheren sa kaliwa at Kristiana sa kanan. Tumayo naman siya sa pagkakaupo. “They’re on the other room, Red.” I never saw E’s face. Hindi ko rin alam ang buong pangalan niya. Ang tawag namin sa kaniya ay E at iyon lang. Hanggang balikat ang taas ng kaniyang napakaitim na buhok. Maganda ang hulma ng kaniyang katawan at sobrang puti. Mahaba ang kaniyang legs at ngayon ay naka-ponytail ang kaniyang buhok. “Let’s go.” She gestured for us to follow her. Pinuntahan naman namin ang mga lalaking nahuli niya. Anim sila at nakatali sa kanilang mga upuan. Naka-blindfold sila at may busal sa bibig. Napakatahimik din nila na parang naghihintay lang. They noticed our presence and they looked up. Napansin ko rin ang isang pamilyar na lalaki. Nilapitan ko ito at tinanggal ang blindfold niya. I was right. Siya ang lalaki na nahuli ko sa café at niloloko ako. Iyong hinampas ko ang ulo sa pader at nahimatay. Nahuli rin pala siya nila E. “Remember me?” I asked him. May katandaan na ang lalaki at katulad kaninang umaga ay walang takot na bumakas sa kaniyang mukha. He didn’t answer. Tinanggal naman ni E ang blindfold ng tatlong lalaki na magkatabi. “Sila ang nag-park ng sasakyan na may bomba sa café ng kaibigan mo.” Maraming sugat sa kanilang mukha. Halatang binugbog dahil hindi na makilala ang mukha ng tatlo. Hindi ko alam kung nakikita pa ba nila ang paligid. “Ginawa namin lahat para magsalita sila. Kinakailangan pa naming isa-isahing tanggalin ang mga kuko nila para magsalita ang isa sa kanila.” Salita pa ni E. “Bakit nandito pa ako?! Hindi ba at sinabi mo sa akin na papalayain mo na ako kapag magsalita ako?!” Sigaw ng isa sa kanila. “He’s the one who spilled the beans.” Dagdag ni E. Nilapitan niya ang isa pa at tinanggal din ang blindfold nito. “Nahuli rin namin ang isang ito na pabalik-pabalik sa café. We checked his cellphone and he was one of them.” Pinakita pa ni E sa akin ang cellphone at winagayway. “Lot of interesting things here.” Tinutukoy niya ang nakuhang cellphone. “Hindi ko alam na magtatanim pala sila ng bomba sa café! Inutusan lang ako na pagmasdan ang dalawa!” Nagwawala naman siya. “Oh, shut up!” E slapped him. “He gave the enemies information. Nang makita ka na nakabalik na at nasa café ng kaibigan mo ay kinabukasan bobombahin nila ang lugar.” Umubo-ubo naman ang lalaki dahil sa lakas ng sampal ni E. May suot na maraming singsing si E sa kamay nang sampalin niya ang lalaki ay talagang nasaktan ito at nasugatan pa ang pisngi. “And the last one is this man.” Tinanggal ni E ang blindfold ang pang-anim na lalaki. “He made the bomb.” “Binayaran lang naman ako para gumawa ng bomba! Bakit kasali ako rito?!” Pati ito ay nagwawala rin. “Who cares?” E simply laughed. “It’s so irritating as hell that the enemies are one step ahead of us. How’s your friend, anyway?” Humarap siya ulit sa akin. Aakmang sasagutin ko sana ang katanungan niya nang magsalita ang lalaki sa aking gilid. “Tama siya. Kamusta ang kaibigan mo? Namatay ba?” Nakakalokong tanong ulit niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang sarili at walang salitang kinuha ang baril ko na nakatago sa aking suot na coat at binaril siya na hindi man lang tinitingnan. Sa sobrang lakas ng impact ng bala na tumama sa ulo niya ay natumba ang kaniyang inuupuan. Naligo naman siya sa kaniyang sariling dugo. “Kanina ka pa, ah.” Puna ko. “Oh, Aril. Hindi naman niya alam anong nangyari pagkatapos ng pagsabog. Baka nga ay nagtatanong lang talaga siya.” Salita naman ni E sa akin. I simply shrugged. Pumwesto naman ako sa harapan na kung saan makikita ako ng limang lalaki. Tumabi naman si E sa aking gilid. “Sabihin ninyo sa akin.” Panimula ko. “Sino ang nag-utos sa inyo?” “Mabuti pa at sumagot na kayo. Masamang magalit ang babaeng ito.” E warned them. Ang mga mata nila ay nakatingin sa lalaking wala ng buhay na nakatali pa rin sa kaniyang upuan pero hindi na makita ang mukha dahil sa dugong umaagos sa kaniyang noo. “Is it the Buenavista’s?” I asked again. Sa pagkakataong ito ay nakatingin na sila sa akin na may matinding takot sa mga mata. Ang kamay ko ay hinahawakan ang dulo ng baril ko na mainit pa mula sa pagkakabaril ko. Ang Buenavista ang kalaban ni Papa noong nabubuhay siya sa mining business namin. Alam ko rin na sila ang pasimuno sa pagpatay ng pamilya ko noon. I know that the Buenavista paid Papa’s men to betray him. Naging mayaman ngayon ang mga tauhan ni Papa at iyon nga ang dahilan kung bakit isa-isa ko silang pinapatay. Kakaunti na lang silang nabubuhay at ang iba naman ay lumipad na sa ibang lugar dahil sa takot pero hindi sila nakakawala sa akin. Base sa nalaman ko ay nagkakaisa ulit ang mga natira, na bilang na lang sa aking kamay nang malaman na ako ang dahilan na kamatayan ng mga kasamahan nila, para mapatay ako na hanggang ngayon ay hindi pa nila nagagawa. Kaya naman ay naisipan nila na idamay ang mga taong malapit sa akin. “Huh?” Hinintay ko ang magiging sagot nila pero wala akong nakuha. Tinutok ko ang dulo ng baril sa sentido ng isang kasamahan nila. “Hindi kayo magsasalita?” “H-hindi namin a-al-alam.” Sagot ng lalaking may baril na nakatutok sa kaniyang sentido. Ang mga mata ay panay tingin sa gilid kung saan ang baril ko habang nanginginig ang katawan. “Hindi namin ki-kilala ang Buenavista na ti-ti-tinutukoy mo.” Dagdag pa niya. “Ki-kinuha lang kami ng lalaking iyan. Ang sabi niya sa a-amin ay magbabayad siya ng mal-malaking pera. Ni hi-hindi nga namin kilala iyan.” The other man spoke. “Pi-pinakita niya lang sa amin ang larawan m-mo at ng babaeng Montegracia na siyang pakay namin k-kaya pinagmamasdan ko k-kayo. Ang sabi pa niya ay siguraduhin ko na na-nandoon ka at kasama ang may-ari ng café.” Dagdag pa niya. Lumipad naman ang tingin ko sa lalaking unang binaril ko. Hindi pamilyar sa akin ang kaniyang mukha. Hindi siya naging tauhan ni Papa noon. Hindi kaya inutusan din siya ng mga kasamahan ng pamilya Buenavista kaya hindi alam ng limang ito ang totoo? Napaisip ako. Inalis ko naman ang baril na nakatutok pa rin sa sentido ng lalaki at bahagyang lumayo sa kaniya. Nakahinga naman siya ng maluwag pero saglit lang iyon dahil binaril ko ang parteng dibdib niya. Ngayon ay mahihirapan na siyang huminga. Kitang-kita ko naman ang gulat sa kaniyang mukha at kaagad na naging kulay pula ang kaniyang suot na kulay lupa na damit. Taas-baba ang kaniyang dibdib habang habol ang kaniyang hininga. Kristiana clapped her hands in excitement. Tuwang-tuwa talaga ang babaeng kasama namin kapag may nakikitang dugo. Sa organization namin ay hindi siya pumapatay pero napakagaling niya pagdating sa pagkuha ng mahahalagang impormasiyon. Sa kaniya nanggagaling lahat ng mga alam namin sa mga target namin. Her hacking skills and data gathering are very impressive. “Pakawalan niyo na kami! Nakuha na ninyo ang gusto niyong malaman! Wala na kaming maibibigay sa inyo!” Takot na takot na nagsalita ang isa. Hindi namin siya pinansin. Hinarap ko naman si E. “What do you think, E?” “Sigurado ako na ikaw talaga ang pakay nito at idadamay din si Aria. Talagang gusto niyang mamatay kayong dalawa para madaling matapos ang misyong binigay sa kaniya. Marami kang kalaban at maraming galit sa Montegracia.” Nandoon na pala si E sa unang lalaking binaril ko at sinipa ang mukha nito ng marahan. Nilapitan pa niya ang pangalawang lalaki na hirap na hirap na sa paghinga at pumwesto sa likuran nito. Hawak-hawak ng kamay niya ang magkabilang balikat ng lalaki. “It’s just like killing two birds with one stone.” She added and to finish the man’s suffering, she snapped her neck without saying a word. “What? Nakakainis ang ingay niya.” Tumahimik nga ang lalaki dahil sa ginawa niya. “Pakawalan niyo kami! Inutusan lang kami! Kailangan namin ng pera kaya nagawa namin iyon! Wala talaga kaming kasalanan!” Nagwawala pa rin iyong isa. Tinitigan ko naman siya ng napakasama at kaagad siyang tumahimik. “Nagawa niyong pumatay ng mga inosenteng tao para sa pera. Mga taong ginagawa lang ang normal routine nila sa umaga. Mga walang kamalay-malay na tao na hindi alam na iyon na pala ang huling araw nila.” I said, coldly. “Para ano, para sa pera? Wala ba talaga kayong kasalanan, ha?” I asked them. Naalala ko naman ang nakita sa paligid kaninang umaga. Ang mga iba’t ibang bahagi ng katawan na nagkalat pagkatapos ng pagsabog. Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng mga katawan pero sumasakit ang damdamin ko dahil alam ko na may katawan doon na pagmamay-ari ng mga batang estudyante at matatanda. “Anong gagawin natin sa natira?” E asked me. “What else? We will kill them, obviously. Kumuha sila ng buhay kaya kukunin natin ang kanila.” Sagot ko pa. “They almost killed my friend.” I gritted my teeth in anger. E nodded her head. Nakuha ko na ang intensiyon ko sa kanila at napatay ko na rin ang pasimuno nito. Sayang nga lang at pinatay ko siya kaagad. Kung alam ko lang ay huli sana siya dahil pipigain ko siya ng impormasiyon na makakatulong sa akin. “Cheren, Kai.” Tinawag ni E ang dalawang lalaki na nasa likuran lang namin. Si Cheren ay nakatayo lang at mukhang malayo nang narating sa sobrang lalim ng iniisip. Bumalik lang siya sa reyalidad nang marinig na tinawag ni E ang pangalan niya. Si Kai naman ay pinapatay ang baga sa pag-yo-yosi pero nakangisi na nang tinawag ang pangalan. “Kayo na bahala rito sa apat. Ilagay niyo sa isa-isa sa malaking drum at itapon sa dagat.” “Kulang ang drum natin, E.” Si Kai ang nagsalita. “Apat lang iyong nabili ko dahil walang stock sa binilhan ko.” “We can fit two bodies in one drum. Kung hindi kasya ang dalawang katawan, lagiriin na lang natin para makasya.” Kristiana suggested. “Papahirapan pa tayo ni Kai. Bakit hindi ka na lang pumunta sa ibang store para bilhin iyong dalawang kulang?” Salita naman ni Cheren. “At bakit ngayon mo lang sinabi na kulang pala? Nakabili pa sana tayo kanina.” Si Cheren ang lalaking secretary ni E. “Hindi mo rin binalik iyong sobrang pera, ah!” Puna pa nito pagkatapos. Nakangisi lang si Kai. “Aalis na ako, E.” Paalam ko sa kaniya. “Sige. Kami na bahala rito. You go rest.” Sabi pa niya. Ang kamay niya ay tinataboy ako habang ang isa pa ay nasa bandang bibig dahil humihikab siya. Kagaya ng paalam ko kay E ay umuwi na nga ako at nagpahinga sa aking kwarto. Ang katawan naman ng anim ay maibabalita sa TV na nahanap sa malalaking drum na palutang-lutang sa dagat ng mga mangingisda. Malalaman na hindi na makilala ang mga itsura nila dahil inaagnas na at makakalimutan na lang ng lahat ang balita nang hindi nalalaman ang mukha o pangalan nila. Bagay na bagay sa kanila ang magiging kahihinatnan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD