SIEVIANA decided to open her social media account at sandamakmak naman na mga mensahe ang kaniyang natanggap. Karamihan dito ay galing sa mga taong hindi niya kilala na ang habol lamang ay maki-tsismis tungkol sa nangyari sa kaniya. Wala siyang panahon na pagtuonan ng pansin ang mga ganoong klaseng tao. Binuksan niya ang kaniyang private account at nakita niya ang bagong post na litrato ng dati niyang kaibigan na kasama ang dati niyang nobyo. May hinanakit pa rin siya sa dalawa sa kabila ng ginawa nilang panlilinlang sa kaniya, pero ayaw niya nang balikan pa ulit ang pangyayaring iyon lalo na't tuluyan na siyang naka-move on. Nagkakamabutihan na silang dalawa ni Lauthner na siyang hindi naman napapansin ni Sieviana. Ang akala niya kasi ay nalilibang lang ito na kasama kasama siya, dahil

