Hindi ko alam kung paano niya pa nagawang umuwi at sabihing mahal niya ako, after everything that happened in Manila, after the nights I spent pouring my heart into crying and questioning myself. Ngayon pa siya umuwi at sinabing... mahal niya ako? Kinagat ko ang aking labi para pigilan iyon sa panginginig, nag-aamba na naman sa pagsabog ang mga emosyon. Sumabay pa ang ulan na lalong nagpalamig sa buong katawan ko at nanunuot sa aking sistema. “Sinungaling ka, Silvien. I-I hate you so much...” puno ng pait at bigat kong usal habang namumuong muli ang mga luha at pilit kinakalas ang kaniyang yakap para ilayo ang sarili ko dahil pareho na rin kaming nababasa. “B-Bitawan mo ako. Don’t touch me!” I removed his tightening grip from my stomach. Kahit ang pamilyar niyang tindig at mga bisi

