Despite every push, Vaughn remained beside me. Hindi niya ako iniwan. Laging siya ang nakakasama ko na halos unti-unti akong nasasanay. Dad sold the other convertible, para may perang magamit para sa isang investment kaya naglalakad na lang ako pauwi, ngunit kalaunan, hinahatid na ni Vaughn. He insisted. Bumibisita rin siya sa bahay na halos ni hindi ko namamalayan o napapansin. Sinasabay niya ako pauwi at minsan kasama namin si Cleo. Isang maulang hapon, sinabay niya ako pagtapos ng klase. “Naku, Tri. Naubos yata ang gas ko! Pwede ba magpa-gas muna tayo? Doon banda iyon,” sabay turo ni Vaughn sa isang daan dahil paminsan-minsan nga ay humihinto ang sasakyan. Kakaulan lang din kasi kaya pahirapan mag-drive lalo pa’t madulas ang kalsada. Kung dadaan kami roon sa tinuro niya, hin

