Uwian na namin nang makasabay ko na naman siya.
Well hindi 'makasabay' sumunod talaga siya sa akin papunta rito
"Nag bike ka lang papunta dito?" He asked.
"Yes, umalis driver ko kanina e hindi kami in-inform" saad ko habang tinatanggal ang lock ng bike ko.
"Do you want to walk? My driver isn't here also"
"I told you, you can get some friends in just one 'hi' so start saying hi today" Saad ko nang matanggal ko na ang lock.
"I can just do that in ladies, and I don't want to have some issue being a playboy in my first day here" he said panicking nang makitang paalis na ako.
"Look, ililibre kita sa kung saan mo gusto and I will carry your bike, please Phoebe, I don't have my phone today kaya wala akong matatawagan to sundo me" dagdag pa niya.
Tinawanan ko siya "Hop in, hatid na kita palabas"
Ngumuso siya "Ako na sa harap, nakakahiya umangkas, nakakabawas ng pogi points" saad niya kaya tumayo ako at siya ang pinaupo ko.
"Pag tayo natumba humanda ka sa Kuya ko" biro ko sa kaniya habang sumasakay ako sa likod.
"Aayusin ko po pag andar ko madam, sayang mukha ko" I can feel his smirk kahit nakatalikod siya sa akin. "Saan ba may kainan dito? " Tanong niya sa akin.
"Ang alam ko, there is a cafe on that street, makikita mo rin agad pag dating natin don" saad ko at tinuro kung saan banda yung street.
Habang naka sakay ako sa kaniya ay kinakabahan ako kasi feeling ko tutumba kami anytime!
"Don't be too nervous, I know how to ride this" saad niya out of nowhere.
"Di ako kinakabahan at wala akong sinabing di ka marunong" inirapan ko siya kahit di niya nakikita.
"Oh really? But your hands said otherwise" pabirong saad niya.
Dahil sa sinabi niya ay napa tingin ako sa kamay ko na naka kapit na pala sa kaniya nang di ko namamalayan.
Dahan dahan kong kinuha ang kamay ko at natawa naman siya.
"Is it far pa ba? My legs are tired already" reklamo niya.
"Pagkaliko mo makikita mo na agad, bilisan mo para di ka mapagod" saad ko sa kaniya.
Pagkasabi ko non ay binilisan nga niya at nakarating kami agad sa cafe.
"It's too crowded, I thought you want somewhere peaceful and quiet"
"I didn't know that it's crowded here, ngayon lang din ako nag punta rito, and besides, it's near my house" saad ko at tumango tango naman siya.
"Okay, tell me what you want, lets just eat it while walking, is that okay?" Tanong niya sa akin.
"Yes, no problem. Nandito rin kasi yung mga tinanggihan kong pumunta rito" saad ko sa kaniya.
"Is someone asked you to have a date here and dinala mo ako rito? Baka mamaya pag pasok ko di na ako makalabas ha" oa na saad niya.
"Just a group of friends na gustong makipag kaibigan sa akin, they want to graduate kaya nag hahanap sila ng kakaibiganin"
"But you don't look smart to me?" Tinitigan niya ako na para bang ini examine niya buong pagkatao ko.
"Oo na dami mong satsat, umorder ka na roon" pag taboy ko sa kaniya.
Sinabi ko na rin ang order ko sa kaniya at pumunta na siya agad sa counter para umorder.
I wait patiently sa harap ng bike, buti na lang nasa ilalim ng puno banda nilagay ni Sage ang bike kaya hindi masiyado mainit.
But kahit nasa lilim ako hindi pa rin ako naka ilag sa init ng usapan sa loob ng cafe.
I think they are thinking that Sage and I are dating!
Fuck, bakit ba ang lakas ng dating ni Sage sa akin? Ang daming kumakausap sa akin pero hindi ko pinapansin, pero si Sage? Ang galing, nakuha niya inis ko kaya here I am now. Nag mumukang ka-date niya eh pinilit lang naman niya ako!
Habang kinakausap ko sarili ko I saw Sage talking to some girl inside. I think that is Athena, some kind girl in our university, and base on looking at them, they don't seem to be flirting mukhang nakikipag kaibigan lang ganon.
Sage smiled to her then lumabas na at nag lakad papunta sa 'kin.
"You are pretty popular inside there, everybody's asking me what's our relationship and your name" he said habang inaabot ang order ko.
"Oh, anong sinabi mo sa knila?" Kuryosong tanong ko.
"Sabi ko magagalit ka kapag sinabi ko sa kanila" saad niya at hinampas ko naman agad ang braso niya and he did not flinch at all na para bang hangin lang ang dumapo sa braso niya.
"Parang gago naman, I'm sure iniisip ng mga yon na may something sa atin dahil sa sinabi mo" nakasimangot na sabi ko.
"What? I thought you're not friendly? Or gusto mong may ibang pang nangungulit sayo hindi lang ako? Am I not enough?" Pabirong saad niya.
Peke akong tumawa "Cute mo, para kang batang inalipin" saad ko at ininom na ang frappe ko at nilagay na yung ibang order namin sa basket ng bike.
"Mag lakad na lang tayo, where do you live ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa village na yon, ikaw?" Tanong niya.
"Kakalipat niyo lang din ba dito? Di pa kita nakikita roon" saad ko sa kaniya.
"Hindi ba obvious? Kakatransfer ko lang dito, malamang kakalipat lang din namin." He said. "Bakit? Dun ka rin ba nakatira?"
"Obviously" saad ko na parang napaka obvious ng tanong niya.
"Ay? Malay ko ba, di naman lagi alam ko." He said then bite on his bagel.
"So aren't you tired? You just moved in here pala tapos nasa school ka agad" I said with a glimpse of being worried that he might be tired.
"I'll be more tired if I'll stay in our new house" he said and I nod.
Sabagay may point.
"Uhm, pwedeng sabay tayo pumasok bukas? I dont want to look lonely going to school e" saad niya.
"What the hell, you're afraid going to school alone? That is my dream kaya" my eyebrows curved while looking at him. "But fine, I'll just wait na magkaroon ka ng mga kaibigan para di ka mag mukhang lonely" I smiled to him.
He smile too "Thank you kiddo, kung hindi mo lang ako tinataboy at sinusungitan iisipin kong crush mo ako e" saad niya at tinignan ko siya na para bang isa siyang nakakadiring nilalang.
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo" saad ko at binilisan na mag lakad.
Nang makarating kami sa guard house ay pinakita namin ID namin at pinapasok na kami.
"Saan ka rito nakatira?" Tanong niya.
"Doon gitnang banda, dun sa kay white fences and daisy flower" saad ko and kami lang ang may ganoon kasi pauso ko.
"What a coincidence, tapat niyo lang ang amin" nangingiting saad niya.
"Para kang asong tuwang tuwa." I joked. "You know what, kaka ganiyan mo iisipin kong crush mo ako" ganti ko sa kaniya.
"Gaya gaya, I'm just happy na wala kang kawala na makakasabay mo ako pag pasok"
"Bakit mukha bang tatakasan kita?" Natatawang saad ko.
"No, pero kahit na" he said and he looks like he is sulking.
"Ewan ko sayo, see you later Sage, it's nice to know you" naka ngiting saad ko at kumaway sa kaniya.
"Nice to know you too" he smiled back and he watched me entering our house.