Chapter Eight: s**t. Ano ‘yun!?

1661 Words
Summer “Hey Sum, narinig mo na ‘yung balita? Si Dust na daw at si Pearly. Hindi ako makapaniwala, akala ko ikaw gusto no’n. Oh well, sabon.” Umupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa usual na upuan namin sa cafeteria. “Hindi ko talaga maisip kung paano naging sila, na disappoint ako kay Dust. Hello may kausap ba ko dito?” “Ah… Ano nga ‘yun?” Tanong ko. “Wow, absent minded ‘te? Problema mo?” Kinapa niya ‘yung noo ko. “Wala ka namang sakit. Okay ka lang?” Tumango lang ako. Okay lang naman ako. Okay lang talaga. “Si Dustin oh.” Napatingin ako sa papalapit sa amin. Magkaholding hands sila ni Sabon. Tinignan ko lang saglit tapos umiwas na ako nang tingin. “Hi girls. Meet my girlfriend Pearly.” Tapos umupo sila sa tapat namin. “Pearly si Summer at Lheine.” “I know them already.” Napatingin ako sa kanya, ang maldita kasi nang dating eh. “Hi Summy, how are you?” “Summy? Yuck,” bulong ko. “Saying something?” Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti. “Wala, sabi ko okay lang naman ako. Ikaw? By the way, you look good together.” Tumingin ako sa relos. “Oh got to go. May class pa pala ako.” Pagtayo ko, hinawakan ni Dust ‘yung kamay ko. “Wala kang klase nang ganitong oras.” Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Make up class. See you.” Iniwanan ko na sila. s**t, bakit ba ang weird ko? Ito naman ‘yung gusto kong mangyari pero hindi ko maintindihan. Shemai. “‘Te bakit mo naman ako iniwanan do’n? May klase ka ba talaga?” Sumunod pala sa akin si Lheine. “Wala, ‘no? Tsk. Ano ba kasing problema mo?” “Hindi ko rin alam, e. Wala lang ako sa mood.” Tinignan niya ako nang nakakaloko. “Don’t tell me selos ‘yang nararamdaman mo?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Selos? Kanino naman ako mag seselos? Do’n sa dalawa? Ew.” Nakasimangot na sagot ko. “Wow, kailan ka pa natuto nang gan’yang expression? Tara nga kain tayo ice cream.” Umangkla siya sa braso ko at hinatak ako palabas ng school. “Waiter, isa pa nga po na ganito. Thank you.” Nakakatatlo na ata ako ng ice cream, masarap pala ‘to. “Wow, dinaig mo pa ang broken hearted. Sum, mag kwento ka nga?” Nginitian ko lang siya, dumating na ulit yung ice cream ko. “Kuyang pogi, pag umorder ulit siya ‘wag mo na bigyan huh? Salamat po.” Alanganing ngumiti ‘yung waiter. “Babawasan mo pa ‘yung dapat na kikitain nila.” Tinignan niya lang ako nang medyo hindi magandang tingin. “What?” “What what ka d’yan. The last time na nagkagan’yan ka, e, noong nag hiwalay kayo ni Jerkson, that was more than a month ago. So, ano ang issue ngayon?” Taas na kilay na tanong niya. “Wala, ano naman ang magiging issue? Na miss ko lang pagkain ng ice cream, ano ka ba?” Napabuntong hininga ako. Tss. Hindi ko rin alam kung ano’ng problema ko, e. Oo na iinis ako, pero hindi ko alam kung bakit at kanino. s**t lang. Dapat masaya ako kasi maayos ‘yung nagiging flow nu’ng plano namin, pero kasi parang gusto ko na lang kaladkarin si Sabon palayo kay Dustin. Alam niyo yung feeling na gano’n? Nakakainis, ‘no? Hay. “Summy! Nice to see you here.” Napatingin ako sa nag salita. Si Jerkson, I mean Jason. Hindi na ako bitter. Promise. Pilit na ngumiti ako. “Mukhang masarap ‘yan ah.” Umupo siya sa vacant seat tapos tinawag ‘yung waiter. “Isa nga din na ganito. Thank you.” “Right away, sir.” Nagkatinginan kami ni Lheine. “Oh, sorry. I hope you don’t mind.” Ngumiti lang kami. “How are you?” Napatingin ako sa kanya. “Ako? Okay lang. Ikaw? Balita ko nagbreak na daw kayo ni Pearly.” Casual kong sabi. “Ah ‘yun? Hindi naman namin kailangan mag break, kasi hindi naman kami naging kami.” Nagkibit balikat siya, tapos ako na pa ‘ah’ na lang. Ewan ko ba, parang hindi naman ako interesado sa sinabi niya. “Oh. Hindi naging kayo? Talaga?” Tumawa naman nang nakakaloko ko si Lheine. “I mean seriously?” “Uy, tumigil ka nga dyan, hindi ka na nahiya.” “Nakakaloko kasi ‘to eh.” Hindi pa din siya tumitigil sa kakatawa. “Nakipagbreak siya sa’yo kasi sinabi niya sila ni Pearly tapos sasabihin niya ngayon hindi naging sila? Joke time ‘te?” Pinandilatan ko siya ng mata, kasi napansin ko hindi na komportable si Jason. “Jason, pag pasensyahan mo na yang si Lheine, sa kanya ka ata nakipagbreak hindi pa nakakamove on.” Tumayo na ako at hinatak si Lheine. “Mauna na kami. Enjoy ka dyan sa ice cream.” Nasa pinto na kami nu’ng nagsalita si Jason. “Wait, can we talk? Privately.” Sabay tingin kay Lheine. Buti na lang wala masyadong tao. “Wala naman tayong dapat pag-usapan eh. Kung tungkol sa sinabi ni Lheine, wala na ‘yun sa akin.” “Hindi naman tungkol do’n, may gusto lang ako sabihin.” Lumapit siya sa akin tapos hinawakan ako sa braso. “Tara sa labas.” Tumingin siya kay Lheine. “Please wag kang sumunod.” Pinandilatan ng mata ni Lheine si Jason. Akmang bubuka na ‘yung bibig niya nu’ng pinigilan ko. “Hayaan mo na, kausapin ko lang siya. Babalikan kita agad.” Hindi na nag salita si Lheine at bumalik na lang sa pwesto namin kanina. “Yung braso ko? Sasama naman ako sa’yo eh.” Binitawan niya ko, tapos sinundan ko siya hanggang makarating kami sa parking lot. “Ano ba yung sasabihin mo?” “Una sa lahat, I’m sorry. I’m really sorry for hurting you. Hindi talaga kami naging mag on ni Pearly, bigla na lang nangyari ‘yun.” Sumandal ako sa kotse niya. “Kasi pinagtatawanan ka ng mga barkada mo na ako na na may pagkanerd lang ang girlfriend mo? Nu’ng una, hindi ko maintindihan. Pero medyo matagal na din ‘yun kaya naintindihan ko na din kahit papaano. Hindi ko sinasabing hindi mo ako minahal, minahal mo ko alam ko ‘yun, pero priority mo ‘yung mga barkada mo, at kung ano ‘yung tingin nila sa’yo. Tama naman sila, dapat do’n ka din sa sikat na katulad ni Pearly, sino ba naman ako? ‘Di ba hamak na dean’s lister lang ako na ang laging kasama mga libro?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Wag mo naman tignan ng mababa ang sarili mo. Minahal kita kung ano ka noon, wala ako’ng pakialam kung sino ka o ano ka. Oo tama ka, pero pinagsisihan ko na ‘yun. Handa na ko’ng itama kung ano man ‘yung mga maling ginawa ko noon. Just give me a chance.” Tinanggal ko yung pagkakahawak niya. “Chance?” Nakita ko si Dustin nakatayo sa hindi kalayuan, nanunuod sa nangyayari. Napangiti ako. “Kung tinanong mo ako siguro noon, baka oo ang sinagot ko. Kaya lang…” “Just give me one more chance, please? I will do everything.” Nakikita ko’ng seryoso siya sa sinasabi niya, kaya lang may mali eh. “Naalala mo yung sinabi mo sa akin noong nag hiwalay tayo? Sabi mo noon, darating din ‘yung taong mas hihigit sa’yo. ‘Yung kaya din akong mahalin kagaya ng kaya kong ibigay. Ibabalik ko ‘yun sa’yo.” Ngumiti ako sa kanya. “Darating din ‘yung taong mas hihigit sa akin, at mamahalin ka kagaya ng pag mamahal mo. Jason, hindi kasi ako ‘yun eh.” Napatingin ulit ako kay Dustin, hindi masyadong malinaw kung ano ‘yung reaction niya. “May gusto na kasi akong iba.” “Gusto ka rin ba niya?” Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam, at ayoko ko ring malaman. Kasi alam ko, hindi naman magtatagal mawawala na rin siya sa akin at hindi na kami puwedeng magkita uli.” Binalik ko ‘yung tingin ko sa kanya. “Masaya ka ba? Kasi kung oo, hahayaan na lang kita. Kasi kung saan ka masaya, masaya na rin ako.” Nginitian ko siya. “Sa ngayon masaya ako, sobra. Kaya ‘wag mo akong alalahanin. Sana ikaw rin, makamove on na.” Niyakap ko siya tapos iniwanan na. Pupuntahan ko sana si Dustin kaya lang wala na siya sa puwesto niya kanina. Tinignan ko kung nasa loob siya ng shop, pero wala. “‘Te ano nangyari?” Hindi ko na pinansin si Lheine nang nakita ko sa salamin ‘yung paalis na sasakyan ni Dustin, napatakbo na lang ako palabas. Sinubukan ko’ng habulin, pero ang bilis niya mag patakbo. Huminto na lang ako sa bus stop. Maghihintay ng taxi para makauwi. Mamaya ko na lang siya siguro kakausapin pag-uwi ko. Pagdating ko sa bahay nakita ko kagad ang kotse ni Dustin sa parking area, kaya nagdoorbell kagad ako. “Dust…” Nawala lahat nang asasabihin ko, dahil sa nakita ko. “Hi Summy, sorry nasa shower si Dustin, e.” Napatitig lang ako kay Pearly na naka bathrobe lang. “Pearly, sino ‘yan?” Napatingin ako kay Dustin pero tumalikod kagad ako at pumasok sa bahay ko. s**t ano ‘yun!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD