Dustin
“Ah sige mauna na rin ako, gagawa nga pala kami ng project.” Sa mahigit isang buwan naming magkakasama kabisado ko na silang dalawa. Alam kong nag papalusot lang kanina si Sum at tatakas lang si Lheine. Ano ba’ng problema ni Sum?
“Wait, may problema ba si Sum?” Tanong ko kay Lheine.
“Babe, kung may problema man si Sum, hindi mo na kailangang problemahin ‘yun. Malaki na siya, ‘no.” Umirap si Lheine bago tumingin kay Pearly at ngumiti.
“Oo nga naman Dust, tama ‘yung girlfriend mo. Malaki na si Sum, kung may problema man siya hindi ka niya kailangan.” At ‘yun, umalis na siya.
“Lheine!” Tatayo sana ako nang pigilan ako ni Pearly.
“Let them be, from now on hindi mo na kailangan sumama sa kanila.” Tinignan ko si Pearly.
“Why? They are my friends, and I will not leave them even if you say so.” Tumayo na ko, pero pinigilan ako ni Pearly.
“What’s with that? I’m your girlfriend, dapat nakikinig ka sa akin.” Hindi dapat kami mag away, dapat mafall sa akin si Sabon. Huminga ako ng malalim.
“I’m sorry. Sila kasi ‘yung una kong kaibigan dito kaya alam mo na, medyo-“
“Stop it. Hindi mo na sila kailangan. I’m here and you also have the basketball team.”
Oh my. Ano bang babae ‘to? Kung hindi ko lang kailangang gawin ‘to hindi ko ‘to pagtitiyagaan. I hate this kind of girl. Ibang iba siya kay Summer. Oo ibang iba si Summer. Tapos anak pa siya ng may-ari ng school na pinag aaralan ko.
“You! Ano’ng ginagawa mo dito sa bahay ng anak ko?” Nanlaki ‘yung mata ko sa sinabi ni Mrs. Antonio, directress and owner ng Heartbreaker Academy. “Don’t tell me… You are working with one of my children?”
“If your daughter’s name is Summer Danielle Antonio, then it’s a yes.” Napaupo si Ma’am sa sahig, syempre inalalayan ko kagad. “Ma’am are you okay?” Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo sa sofa.
“Tell me, why are you working with my daughter?” Kinuwento ko kay Ma’am. “What? Jason did that?”
“Yes Ma’am, as of now I’m courting Pearly.”
“What do you think about my daughter?” Napatingin ako kay Ma’am ‘yung tingin niya sa akin parang inoobserbahan.
“Maganda po siya, mabait, prangka, lahat po ata ng magugustuhan ng lalaki nasa kanya…”
“Do you like my daughter?” Nanlaki ‘yung mata ko sa tanong niya.
“Eh? Hindi ko pa naman po naiisip ‘yung ganyang bagay. I’m here to do my job, nothing more nothing less.”
“If you say so, hindi sana magbago ‘yan. Alam mo ang rules, pero kung kinakailangan kong ibahin ang rules para sa anak ko gagawin ko, ‘wag lang siyang masaktan.”
“Ma’am?” Nagtatakang tanong ko.
“Dustin, I trust you. Take care of my daughter, okay?” Eh? Iniwan niya akong nakatingin sa kawalan. Iba ‘yung dating nang sinabi niya sa akin eh.
Pagkasakay ko sa kotse, agad kong tinawagan ‘yung number ni Lheine.
“Lheine saan kayo?” Bungad ko, pagkasagot niya.
“Dito sa ice cream parlor malapit sa school. Why?”
“Kasama mo pa si Sum?”
“Hinatak siya palabas ni Jason ngayon ngayon lang.”
“Jason? Bakit daw?” Inikot ko kagad ‘yung kotse ko at pinatakbo papunta sa ice cream parlor.
“May sasabihin daw siya eh, importante. Ang walang hiya pinaiwan pa ko. Tss. Tapos alam mo ba kung ano pa sinabi? Hindi naman daw naging sila ni Sabon. The nerve, kung puwede lang pumatay baka napatay ko ‘yun. OMG. Magkasama pa ba kayo no’ng sabon na ‘yun?”
“Hindi na, sige andito na ko sa la…” Napatingin ako sa side mirror ko, nakita ko si Summer sinusundan si Jason. “Sige puntahan kita mamaya.”
Nag park ako sa ‘di kalayuan.Para makikita ko kung ano’ng gagawin nila. Gusto ko pa sana lumapit para marinig ko ‘yung pinag uusapan nila kaya lang baka mahalata nila ako at kung ano pang isipin nila. Lalapit na lang ako pag medyo hindi na maganda ‘yung ginagawa ni Jason, so far naman medyo maayos pa naman sila. Nakita na ata ako ni Sum, pero mukhang hindi naman siya galit, nakangiti pa nga, e. Lalapit sana ako kaya lang nakita kong niyakap ni Sum si Jason, nagkabalikan na yata sila? Umalis na ko, hindi na naman niya ako kailangan. Pumasok ako saglit sa loob para mag paalam kay Lheine, uuwi na lang siguro ako. Hahayaan ko muna silang dalawa.
“Nasaan si Sum?” Bungad sa akin ni Lheine.
“Nasa labas, nagkabalikan na yata sila ni Jason.”
“E, bakit malungkot ‘yang itsura mo?” Ngumiti na lang ako.
“Ano ka ba? Masaya ako para sa kanya, ‘no. Alam ko namang mahal pa ni Sum si Jason, e.” Tinignan ako ni Lheine.
“Ako tingin ko, hindi. I know Sum, I can tell na wala na si Jason may iba na.”
“Hindi mo naman sigurado ‘yan, e. Sige mauna na ako huh? Ingat kayo pauwi.” Iniwanan ko na siya at dumiretso na sa kotse ko.
“Hi Babe!” Na gulat ako ng biglang yumakap sa akin si Sabon pag baba ko ng kotse.
“Ano’ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman ‘tong bahay ko?” Nagtataka kong tanong.
“Surprise? Jason told me na magkapit bahay raw kayo ni Summer kaya ayun pumunta na ko rito, nag dala rin ako ng pizza and some shake drink.” Pinapasok ko siya sa bahay ko. Pangalawa pa lang siyang babae na nakakapasok sa bahay ko.
Hindi dapat siya nandito, baka kung ano’ng isipin ng mga kapit bahay namin. Alam pa naman nila na mag-isa lang ako rito. Inihanda ko na ‘yung pizza sa center table at nagsalang din ako ng DVD, gusto daw niya kasi manuod.
“Oh my~” Napatingin ako kay Sabon, natapon ‘yung shake sa damit niya.
“Ayan, hindi ka kasi nag iingat, e.” Tumayo ako at kumuha ng tissue sa kusina.
“Hindi ‘to puwede, can I use your bathroom? Ang lagkit kasi, e.”
“Ah sige, gamitin mo na lang ‘yung sa kusina.” Tumayo siya, pagkatayo niya bigla niyang natapon sa akin‘yung hawak niyang shake. “Ah!”
“I’m sorry. I’m really sorry.” Kinuha niya ‘yung tissue tapos pinunasan ako. Pero pinigilan ko siya.
“Okay lang, maliligo na lang muna ako, may mga gamit naman d’yan sa bathroom sa kusina, gamitin mo na lang baba kagad ako.” Umakyat na ko sa kwarto ko. Nilock ko ‘yung pinto, feeling ko kasi sinasadya niya ‘yung mga nangyayari, baka gahasain ako no’n.
Naligo na ako, kasi malagkit talaga. Nakakainis, mapapalaba pa ko kagad dahil baka langgamin ‘tong damit na natapunan. Tss.
Medyo mahina, pero rinig ko na may nag doorbell. Sino kaya ‘yun? Binilisan ko ‘yung paliligo tapos nag suot na lang ako ng pang ibaba, mamaya na ako mag tshirt.
“Pearly, sino ‘yan?” Pagtingin ko sa pinto, parang nakita ko si Summer, pero bigla ring umalis. Napatingin ako sa suot ni Sabon. “Bakit nakaganiyan ka?” Kunot-noong tanong ko.
“Ah, nilabhan ko kasi ‘yung damit ko, tapos biglang may nag doorbell kaya isinuot ko muna ‘to. Si Summer pala ‘yung nag doorbell.” Huminga ako nang malalim.
“You!” Nagpigil ako ng galit,“Bumalik ka na sa bathroom. Sige na.” s**t. Baka kung ano’ng isipin ni Summer sa nakita niya. I should explain. Nagdoor bell ako sa kanila. “Summer!” Binuksan naman niya kagad. Napatingin siya sa akin.
“Pasensya na naistorbo ko yata kayo. Sorry talaga.” Ah s**t wala pa pala akong tshirt.
“Look Sum, it’s not like what you think. Wala kaming ginagawa ni Pearly.” Yumuko siya.
“Hindi mo naman kailangang mag paliwanag, kung ano man ang ginagawa niyo sa loob labas na ko do’n.” Pinunasan niya ‘yung mata niya.
“Umiiyak ka ba?” Umiling siya, at inangat ‘yung ulo niya. “Bakit?”