Elias Benedict 5

2420 Words
Nasa Consejo building ako, doing my job when my officemates called me. "Li Mei, samahan mo raw si Madam Zerafina," sabi niya. Agad naman napakunot ang noo ko.  Gusto kong sabihin sa kaniya na Jeya na lang ang itawag niya sa akin pero hindi ko na ginawa. Hindi naman siguro kami close para sabihin ko pa sa kaniya 'yon.  Hindi ko rin naman hate ang pangalan na ibinigay sa akin ng tatay ko. Mei mei pa nga ang tawag sa akin ng mga kaklase ko dati no'ng nasa University of China ako.  "Ah, sinabi niya ba kung saan?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya kaagad sa akin. Tumango na lang ako pagkatapos ay nag-umpisa nang maglakad papunta sa opisina ni Madam Zerafina.  Pagdating ko ro'n ay naabutan ko siyang nag-aayos ng mga papeles. Para bang balisa siya. Napakunot naman ang noo ko. Kumatok lang ako sa pinto kahit na nakabukas naman 'to.   Nag-angat ng tingin si Madam Zerafina sa akin. "Oh, hi, Li Mei, come here," sabi niya. Nanatili pa rin nakakunot ang noo ko.    Mabilis namang ibinalik ni Ma'am Zerafina ang tingin niya sa mga inaayos niyang papeles.    "What's the matter?" I asked her.    Napansin ko rin na hinihingal na si Ma'am Zerafina. "I'm finding something" — natigilan siya at pinakatingnan mabuti ang papel na hawak niya — "good," sabi niya pa.    Siguro ang papel na 'yon ang hinahanap niya. Ngunit naguguluhan pa rin ako. Nag-angat na siyang muli sa akin.    "Are you ready? May pupuntahan tayo," sabi niya. I'm still furrowing.    "Where are we goin'?" I asked. Ngumiti lang sa akin si Zerafina Consejo.    "Pupunta tayo sa Montinelli Company. I need to talk to Tabitha," sabi niya. Nagtaka na kaagad ako.    Bakit kaya siya ang isasama nito?    "Siguro nagtataka kung bakit ikaw ang isasama ko. Wala kasi si Vaux. Hindi naman puwede si Misael. Gusto ko lang ng may kasama."    Hindi pa man din ako nagtatanong ay sinagot niya na 'yon. Napatango na lang din ako. Wala naman akong balak na tumanggi.    "No problem, Madam. Ngayon na po ba?" Tumango naman sa akin si Zerafina Consejo. Pinag-ayos niya lang ako ng gamit pagkatapos ay umalis na kami ng Consejo building dala ng company van.    Papunta kami ngayon ng Montinelli.    Sa kabilang company 'yon. Ang alam ko ay si Misael at Achilliance Montinelli ay matalik na magkaibigan. 'Yon ang alam ko kaya siguro walang nangyayaring away dito sa company.    Walang kompetensyahan na nagaganap. Ito rin ang gusto ko sa Tastotel City. Organisado ang lahat.    Lihim na lang akong napangiti. Hindi pa rin ako naglilibot sa buong Tastotel kaya wala pa rin akong ideya kung saang banda ang bahay namin noon. Malaki na rin kasi talaga ang pinagbago ng Tastotel. Next time siguro, kapag day-off ko. Puwede sa next week. Wala naman akong masyadong gagawin. Ilalagay ko na sa schedule ko na maglilibot ako next week sa day-off ko. Gusto ko rin lumabas ng Tastotel pagkatapos. Tahimik lang ang buong biyahe namin papuntang Montinelli Building. Nagtataka rin ako kung bakit mag-uusap si Tabitha Montinelli at Zerafina Consejo.   Hindi na ako nagtanong kasi malamang naman ay tungkol 'yan sa business. Pero ano kaya 'yong papel? Iyong nahanap niya. Hindi ko alam kung ano 'yon.   Nang makarating kami sa Montinelli ay agad naman kaming nakapasok. Saang floor kaya kami pupunta? Baka naman, gumamit kami ng elevator? Pero okay na rin naman siguro kahit na kinakabahan ako. Nagmamadali siya kaya naman dapat ay gagamit talaga siya ng elevator. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang hindi kami nagtungo sa elevator. Papunta kami sa staircase. Napanganga na lang ako. Umaayon ba sa akin ang panahon. “We’re going to use the staircase if that’s okay with you. Ayaw ko kasi ng elevator nila rito. Na-trauma na rin ako dati.” Bago pa man ako magtanong kung bakit hindi kami gagamit ng elevator ay sinagot niya na kaagad. Trauma? Nanlaki naman kaagad ang aking mga mata. Don’t tell me, pareho kami ng experience. ‘Hinalikan ka rin po ba ng manyak?’ I wanted to ask her that pero hindi ko na lang ginawa. “Why?” “Kasi na-stuck ako dati sa elevator nila ng mga four hours bago ako nakalabas,” sabi niya. Napatango-tango na lang ako. Buti na lang ay hindi ko na tinanong ang naisip kong tanong.   Nagpatuloy kami sa paggamit ng hagdan hanggang sa marating namin ang CEO’s office. Medyo hingal pa kaming dalawa pero natawa na lang kami pareho. Hindi naman pala malapit huhu. Pero okay lang din, nasasanay na nga ako sa Zaminican, eh. Iyon na ang pinakang-exercie ko.   Naabutan namin doon ang lalaking naka-upo sa swivel chair. He's the current CEO and I know his name. Siya ang matalik na kaibigan ni Misael Consejo.   Achilliance Montinelli.   "Where's your cousin?" kalmado lang na tanong ni Zerafina.  Inismiran naman kami ni Achilliance. “Which of my cousins are you talking about?” he asked. Naalala ko naman bigla na parang lima ang pinsan niya. Tharina, Tabitha, Rance and then si Rhys. “Tabitha,” tipid lang na sagot ni Zerafina. “She's in her office. Kayo na ang magpunta." Nang sabihin 'yon ni Achilliance ay mabilis naman na umalis si Zerafina. Sumunod lang ako sa kaniya. Natigil lang din ako nang matigil siyang maglakad.    Nilingon niya ako. "Hintayin mo na lang ako rito," mabilis na sabi niya bago niya ako muling talikuran. Naiwan ako sa may hallway. Pinanood ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko.    I shrugged.    Nang iwan niya ako ro'n ay nagdesisyon ako na maglakad-lakad na lang. Lilibutin ko lang naman ang floor na 'yon dito sa Montinelli Building.   Halos pareho lang ang theme ng Consejo at Montinelli—halos lang naman kasi may kaibagn pa rin. Siguro kaya nasasabi ko na halos pareho at dahil sa kaisipan na pareho silang kompanya.    Nagpatuloy lang ako sa paglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa isang hallway. Sa isang hallway na 'yon, nakita kong may another hallway pa.   Naka-intersect.  Napansin ko rin sa lugar na 'to na wala nang masyadong dumadaan na empleyado. Nagtaka ako ngunit nagpatuloy lamang ako sa paglalakad ko hanggang sa mapadaan ako sa isa pang hallway.  Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang may makita akong lalaki at babae roon na naghahalikan. Mas intense! As in! Tinitigan ko lang sila habang nakangiwi.  Pinigilan ko ang sarili ko. Buti na lamang ay hindi ako napasigaw. Kampon ba 'to ni Elias Benedict? Ayaw kong isipin ang lalaking manyak na 'yon pero hindi ko napigilan dahil sa nakikita ko ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng sobrang inis. Pamilyar sa akin 'yong lalaki. 'Yong babae naman ay hindi ko makita kung sino. Hindi ko siya makilala base sa pigura niya. Ngunit ang lalaki ay pamilyar talaga sa akin. Biglang pumasok sa isip ko si Vaux Consejo kaya naman lalong nanlaki ang aking mga mata...   Si Vaux Consejo nga! Si Vaux na kapatid ni Zerafina Consejo. Kaya pala wala siya sa Consejo's dahil nandito siya sa Montinelli's?     Naisip ko tuloy bigla na baka girlfriend niya ang babaeng hinahalikan niya ngayon. Hindi ko lang alam, baka katulad din siya ni Elias.    Hayok sa mga ganiyan!   Hindi ko naman kilalang lubos si Vaux Consejo kahit na sa Consejo's ako nagta-trabaho. Kung busy si Zerafina ay mas busy naman si Vaux. Marami ring ginagawa 'yan para sa business.   Ugh. Nagdesisyon na lang din ako na mag-iwas ng tingin sa kanila. Si Vaux lang talaga ang nakilala ko. Hindi na 'yong babae.    Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at iniwan ko na lang ang dalawang naghahalikan sa lugar na 'yon.   Agad ko naman pinagsisihan na nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Dapat pala ay um-atras na lang ako!    Sa pagpapatuloy ko ay nagulat ako nang may masalubong ako na hindi ko inaasahan na makikita ko rito. Nagulat din siya no'ng una dahil nakita niya ako pero agad naman siyang natauhan at nginisihan ako.    Lihim akong napangiwi.    Bakit?! Naiinis ako! Sana pala hindi na ako naglakad-lakad. Bakit ganito?! Kailangan ba talagang magkasalubong kami? Nai-stress ako!    Hindi ko na tuloy alam kung dapat pa ba akong dumiretso sa paglalakad ko o hindi.    Ngumiti na lang din ako sa kaniya. Plastic na ngiti pagkatapos ay umirap ako tapos naglakad ng dire-diretso. Pinili ko na lang na magpatuloy sa paglalakad kaysa um-atras. “Jeya…” Rinig kong sambit niya. Lalo lang akong napairap hanggang sa tuluyan ko siyang malagpasan. Buti naman ay hindi niya ako pinigilan. Hindi na rin naman ako nag-abalang lingunin siya. Yes. I am talking about Elias Benedict. ‘Yong manyak nalalaki na sa elevator ko unang nakita na may kahalikang babae. Gusto ko sanang itanong kung ano ang ginagawa niya rito pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nakasuot siya ng two-piece suit, possible kayang dito siya nagta-trabaho? Hindi niya naman siguro ako sinusundan dahil nahalata ko na nagulat pa siya no’ng una nang makita niya ako. Hindi na rin talaga ako nagtanong. Ayaw ko sana siyang makita pero wala na akong nagawa. Nakakainis naman kasi, bakit lalong lumiliit ang mundo namin nang lalaking ‘to? Napairap na lang akong muli. Hindi ko na siya nilingon pa. Buti na lang talaga ay hindi niya na ako pinigilan. Nagpatuloy lang din ako sa aking paglakad-lakad pagkatapos ay bumalik na rin ako kung saan ako iniwan ni Zerafina Consejo. Nadaanan ko muli ang hallway kung saan ko nakitang may ka-halikan si Vaux Consejo— pero wala na sila roon. Napabuntong hininga na lang ako. Medyo kinikilabutan ako lalo na nang masalubong ko ang Elias na ‘yon. Nakakakilabot nama talaga siya! ‘I like you… naked in my bed…’ Naalala ko na naman ang sinabi niyang ‘yon. Puro lang kasi ka-manyak-an ang alam niya. Gusto niya akong nakahubad sa kama niya? Napakabastos talaga! Marunong naman ako mag-self-defense kaya naman maipagtatanggol ko talaga ang sarili ko kapag pinilit niya ako. Sana lang talaga minamalas na siya! Pero bakit parang hindi naman? Nang makita ko siya kanina ay parang okay lang siya. Hindi pa siguro siya minamalas, pero sana lang talaga. Ang bastos niya kasi masyado. “I haven't been able to reach Vaux yet... Tabitha isn't here either… I spoke with Fe Montinelli… Yeah… yeah. Alright, bye.” Dumating na rin si Zerafina Consejo na may kausap sa cellphone. Ako naman ay itinikom ko ang aking bibig. Kunwari wala akong alam. Kunwari wala akong nakita. Para bang hindi ko nakita si Vaux dito kanina na may ka-halikan. Ngumiti lang ako kay Zerafina. Padabog niya namang inilagay ang cellphone niya sa kaniyang dala-dalang mamahaling bag. Alam kong mamahalin ang bag na iyon. Kunot na kunot din ang noo ni Zerafina nang makalapit na siya sa akin. “Achilliance lied to me! Wala naman sa office niya si Tabitha!” sabi pa niya. Bigla namang may ideya na pumasok sa utak ko. What if… Itinikom ko na lamang ang bibig ko. Hindi naman ako mahilig mangialam sa buhay ng iba. “Let's get back to the office,” sabi lang niya. Tumango lang ako sa kaniya. Hagdan lang din ang ginamit namin ulit. Lihim na lang akong natawa. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay napamura na lang ako nang makita ko na may masasalubong kaming lalaki na ikaiinisan ko simula nang unang araw na makabalik ako ng Tastotel City. Nakangiti siya sa amin. “What’s up, Elias?” Nanlaki naman ang mga mata ko nang tumigil si Zerafina para makaharap si Elias. Natigilan na rin ako sa paglalakad. Hindi naman puwedeng iwanan ko siya. Nag-iwas lang ako ng tingin. Iyong puso ko, ang lakas ng kabog. Hindi ko ‘to inaasahan! “Nothing’s up,” tipid lang na sagot ni Elias. “Why are you here?” Nagtataka ako kung paano sila nagkakilala. May bagay na pumapasok sa isip ko pero ang hirap naman paniwalaan. Hindi naman magpapauto si Madam Zerafina sa gagong Elias na ‘yan. “Hinahanap ko si Tabitha,” sagot ni Zerafina. “I need to talk to her,” sabi niya. Nakaiwas ang tingin ko sa kanila. “Kakaalis niya lang,” sagot naman ni Elias. “What? Ngayon?” gulat pang tanong ni Zerafina. “Yes, ngayon…” “Damn it.” Napamura na lang si Madam Zerafina. “Anyway, this is Li Mei Huang. She’s working with us…” pakilala niya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi humarap na sa kanila nang diretso. Nakita ko naman kaagad ang nakangising si Elias. Nakakainis. “Hello,” sabi ko na lang. I acted normal. Kunwari ay hindi ko siya kilala. “I am Elias, it’s nice meeting you,” sabi niya at inilahad niya pa ang kamay niya sa akin. Hindi ko na lang pinahalata ang aking pagngiwi. “It’s nice meeting you too,” sabi ko na lang din at pinilit na ngumiti. Anong ‘nice’? Isusumpa ko siya habang nabubuhay ako! Nandoon si Zerafina Consejo kaya kahit na ayaw kong abutin ang nakalahad niyang kamay ay wala akong nagawa kundi abutin na lang ‘to. Lalo lang lumawak ang ngisi niya sa akin. We shook our hands for a second. Nang kukunin ko na ang kamay ko ay ayaw niya nang bitawan. Sinamaan ko na siya ng tingin. “Alright. Let’s go, Li Mei,” sabi ni Madam Zerafina at nauna nang naglakad sa akin! “Bitawan mo ang kamay ko, Elias…” mariin kong sab isa kaniya. I even gritted my teeth. Marahan lang siyang natawa nang nakakaloko. “You’re so cute,” sabi niya sa akin. Sinubukan ko ulit bawiin ang kamay ko sa kaniya ngunit mas hinigpitan niya pa. Nang tingnan ko si Zerafina ay nakalabas na ‘to ng building. Grrr! “But I am cuter naked on your bed?” sarkastiko pang sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin. “Yes…” sabi niya. Nakaramdam na naman ako ng sobrang inis. “Bitawan mo na ako,” sabi ko na lang. “Hindi ako magpapaloko sa iyong manyak ka,” pabulong ko pang sinabi ang mag ‘yon. “Oh, really?” nanghahamon pang sabi niya. Sinubukan ko ulit na bawiin ang kamay ko sa kaniya. Mabuti na lamang ay dahan-dahan niya nang binitawan ang kamay ko. “Really…” paninigurado ko pa. “You’re the most annoying person I have ever met,” sabi ko na lang sa kaniya. Inirapan ko siya bago talikuran. Nakakainis! Sinabi ko nang ayaw ko na siyang makita! Pero bakit… bakit hindi? I mean, bakit hindi binibigay nag hinihiling ko na ayaw ko na siyang makita. Nakakainis siya! Manyak siya!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD