Elias Benedict 4

2696 Words
Napangiti na lang ako lalo. “You know what, Li Mei, we are all glad to work with you,” sabi ni Zerafina Consejo. Pinsan siya ng current CEO ng Consejo’s na si Misael Consejo. Nginitian ko lamang siya at tumango-tango. “It’s also an honor for me to work here. Thank you so much for accepting me,” sabi ko na lang. Wala kami sa Consejo Building. Nasa isa sa mga restaurant kami. Hindi ko naman inaasahan na makakasundo ko ang isa sa mga Consejo. Mag-iisang linggo na rin simula nang magtrabaho ako sa nasabing kompanya. As in, tuwang-tuwa talaga ako. Hinahangaan ko kasing tunay si Linea Consejo. She’s my inspiration—her working hard made this company successful. Isa siyang inspirasyon na kahit gaano pa kalayo ang pangarap mo— kung pursigido ka talaga, wala nang imposible. Maaabot mo ito. “Haha, you’re welcome,” Zerafina answered me. “Anyway, bakit sa Consejo mo napili na mag-apply?” biglang tanong niya sa akin.  “Sa Consejo ko naman talaga gustong mag-apply noon pa man,” tipid ko na lang na sagot sa kaniya. Hinahangaan ko kasing tunay si Linea Consejo. She’s my inspiration—her working hard made this company successful. Hindi naman talaga sila mayaman mula’t mula. Kung hindi dahil sa pagiging ma-tiyaga at may pangarap na si Linea ay hindi maaabot ng Consejo ang ganitong karangyaan. Si Linea Consejo ay namatay na bago pa man ma-ipanganak si Misael Consejo. Well, I still know her story. Maraming tao ang humahanga sa kaniya noon at nagpapatuloy hanggang ngayon. Inspirasyon siya sa lahat— lalo na sa akin. Hindi ako magpapatuloy sa buhay kung hindi dahil sa kaniya. "Life is cruel," Linea Consejo once said. "Yeah, there's a time when you want to escape out of the world and have a peaceful life. But, as we all know, life is a game. Every day, you must keep in mind that there will be a wonderful episode in your life. Soon… very, very soon.” Saulo ko pa nga ang sinabi niyang ‘yon. I will just always tell myself that there’s something more special waiting for me. Kaya ako nagpatuloy sa buhay. I sighed. "Oh, I’m still curious why you speak Tagalog so well. Aren’t you Chinese?” she asked me. Marahan naman akong natawa. Si Zerafina Consejo ay ang ikatlong anak ni Ruben Consejo. “Hindi naman talaga ako pure Chinese. Half lang. Dito ako lumaki sa Tastotel. Dito ako pinanganak,” sabi ko na lang sa kaniya. “And yes, fluent talaga ako sa Tagalog. Dahil nga sa dito ako lumaki. Kahit no’ng nasa China ako ay nagsasalita pa rin naman ako ng Tagalog,” paliwanag ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya. She took a sip on her iced tea. “I see,” sabi niya pa sa akin. We just continue talking. Ang sunod naman na naging topic namin ay tungkol sa business. Malapit nang dumilim nang matapos kami at umalis na sa restaurant na ‘yon. Hinatid niya pa ako sa Zaminican Hotels. “Thank you,” pasasalamat ko sa kaniya. Ngumiti lang naman sa akin si Zerafina Consejo. “No problem, next time ulit,” sabi niya lang sa akin. Ang babait talaga ng mga Consejo! Hindi talaga ako nagkamali na dito ko piniling mag-apply. Napangiti na lang din ako. Kumaway pa ako sa kaniya bago niya ako iniwan doon dala ng sasakyan niya. Malawak lang ang mga ngiti ko hanggang sa nagdesisyon na akong pumasok. Maayos ang mood ko ngayon at mukhang makakapaghinga ako ng maayos. Kaso… Gagamit na naman ako ng hagdan! Ilang araw na talaga akong dumadaan sa hagdan. Palagi ring sumasakit ang mga muscles ko pagkatapos kung gumamit ng hagdan. Pero tinitiis ko naman. Kaya ko naman tiisin. Buo na talaga ang loob ko na hindi na talaga. Ayaw ko nang maulit iyong nangyari no’ng unang araw ko rito sa Zaminican. Nakakainis! Sana talaga minamalas na ang lalaking ‘yon sa mga oras na ‘to! Ilang araw na rin simula nang makabalik ako ng Tastotel at nangyari nga ‘yong sa elevator ay hindi ko naman na nakita iyong lalaking ‘yon. Ayaw ko na rin talaga siyang makita— mabuti na rin ‘yon. Nakakainis siya. At ang mas nakakainis pa ay palagi ko siyang naalala— palagi kong naalala ang nakakadiri niyang halik sa akin. Gusto ko nang mabura sa isipan ko ang ala-ala na iyon. Nakakainis. Bakit kailangan ko pang maalala ‘yong kalaswaang ginawa niya sa elevator? Napakabastos na tao. Hanggang ngayon ay labing-limang beses akong nagma-mouthwash dahil pakiramdam ko ay may naiwan pang bakterya galing sa bibig niya. Idagdag mo pa iyong sa laway ng babae. Nagpasa-pasa na ang lahat! Ang manyak talaga niya. ‘Di ko talaga maiwasan ang ma-irita nang sobra sa kaniya. Sino ba naman ang hindi? Hindi pa ako nahahalikan noon. That’s the truth before that Elias ruined that thought! Ang kapal ng mukha niya para sabihin na masarap ako. Sarap niyang pagmumurahin. Dahil sa kaniya— wala na akong balak sumakay ng elevator. Nasa mataas na bahagi pa ang unit ko kaya naman mga dalawa hanggang limang minuto pa ako bago makarating. Mabagal lang din naman ang aking paglalakad paakyat sa hagdan. Pero kung minamalas ka nga naman. Wala akong balak na tumigil sa paglalakad pero nang matanawan niya ako ay siya ang naunang tumigil. Doon pa lang ay napansin ko na ang suot niya. Nakasuot siya ng suit. Siguro ay nagta-trabaho siya sa isa sa mga kompanya rito sa Tastotel. Hindi na ako magtataka kung malalaman ko na lahat ng ka-trabaho niyang babae ay nilalandi niya. Medyo ang linis niya ring tingnan, akala mo inosente. Akala mo hindi nanghahalik. Akala mo banal katulad ng pangalan niya. Pinanatili ko lamang blangko ang ekspresyon ko. Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kaniya. Balak ko sana siyang lagpasan ngunit nang marating ko ang baytang kung nasaan siya’t kapantay ko na siya ay bigla niyang hinawakan ang braso ko dahilan upang matigilan ako. Bigla akong nanggigil pero kinalma ko lang ang sarili ko. I had a good time with Zerafina Consejo. Masayang matatapos ang araw ko ngayon. Ayaw kong masira kaagad. Na naman. “Get off of my arm,” I sternly said. Hindi ko siya tinitingnan. Diretso lang ang tingin ko. Siya naman ay naramdaman ko ang mga titig sa akin. Mainit na naman kaya hindi ko maiwasan na kabahan nang kaunti. “It’s nice seeing you here,” sabi niya pa. Kahit hindi pa ako sa kaniya tumitingin nang diretso ay alam ko na ngumingisi na siya nang nakakaloko. Ikinalma ko lang talaga ang sarili ko at iniintindi ang mga nangyayari. Pero nakakainis naman talaga. It’s nice seeing you here, huh? Nice ba iyong siya ang dahilan kung bakit ayaw ko nang sumakay ng elevator? At saka, bakit gumagamit siya ng hagdan? Coincidence lang ba ito o sinadya? May elevator naman! Bakit pa kami magkakasalubong dito! Isa lang naman ang lalaking tinutukoy ko. Walang iba kundi ang manyak na lalaking naging dahilan ng pagkairita ko ngayon. Ayaw kong sambitin ang kaniyang pangalan— kahit na sa isip lang. Hindi sa kaniya bagay ang banal na pangalan. Indeed! “Well, for me, it wasn’t. Can you please just stay away from me?” I asked sarcastically. Sinubukan ko rin na bawiin sa kaniya ang braso ko na hawak-hawka niya ngunit hindi ako nagtagumpay kaya naman napangiwi ako nang sobra. “No,” sabi niya sa akin. “Ano bang problema mo? Bitawan mo ako!” I hissed, but he didn’t even do what I said. “Tagalog na iyon! Hindi mo pa rin ba naiintindihan, ha?” Ano ba ang ginawa kong mali at nakilala ko pa ang lalaking ‘to? “Naiintindihan ko,” sagot niya sa akin. “Look at me,” utos niya sa akin. Hindi ko naman ginawa. Nakaiwas lang ako ng tingin sa kaniya. Baka may hindi magandang mangyari kapag sinunod ko ang gusto. First of all, anong karapatan niyang utusan ako? “Just let go of my arm,” matigas kong sabi sa kaniya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na dahan-dahan niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa may bandang tenga ko. “I won’t let go of your hands…” bulong niya sa tenga ko. Natigilan pa ako ng kaunti dahil para may impact iyong pagkakasabi niya sa akin no’n. Iyong boses niya— nang-aakit. Pero naiirita lang ako lalo. Hinding-hindi niya ako maaakit! Itataga ko ‘yan sa bato! “Gusto mo bang tuluyan na akong magsampa ng kaso sa iyo?” nanghahamon pang sabi ko sa kaniya. Bigla naman humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Marami akong puwedeng ireklamo tungkol sa iyo,” dugtong ko pa. “Like?” He snorted. “Unang-una, ‘yang ka-manyak-an mo, ganiyan ba talaga ang ugali mo? Manghahalik ka na lang ng hindi mo naman kakilala basta masarap sa paningin mo? Pangalawa, iyong pagkuha mo ng gamit na hindi naman sa iyo,” sabi ko lang sa kaniya. He chuckled. Hindi ko maiwasan na mainis. Gusto kong harapin siya at sampalin na lang muli pero sinasabi ng gut feeling ko na huwag kong gawin. Kaya naman hindi na ako gumalaw muna. Nanatili muna ako sa posisyon na iyon habang hawak pa rin ng lalaking may banal na pangalan na hindi naman bagay ang aking braso. “Okay, unang-una rin, huwag mo lokohin ang sarili mo, alam ko na nagustuhan mo iyong halik na ibinigay ko sa iyo, pangalawa rin, binalik ko naman iyong maleta mo,” mayabang pang sabi niya. Si gross and so arrogant! Nagkuyom ang aking mga kamao. Parang ayaw ko na siyang sampalin. Gusto ko na siyang suntukin. Suntok na lang para mas masarap tutal sarap din naman ang hanap niya! I wonder kung ilan nang babae ang nagpakatanga sa lalaking ito. “Ang kapal ng mukha mo…” I said in disbelief. “Hindi pa rin tayo magkakilala kaya una pa lang ay wala kang karapatan na halikan ako. Wala ka rin karapatan na hawakan ako ngayon. Nagtitimpi lang ako sa iyo…” Narinig kong muli ang marahan niyang pagtawa. “I am Elias Benedict Callabañes. I have a sister named Eirah Bennisse Callabañes, and you are Li Mei Huang from China,” diretsong sabi niya sa akin. Bigla akong napanganga. Paano niya nalaman ang Li Mei na pangalan ko? As far as I know, Jeya ang alam niyang name ko dahil nakita niya iyon sa aking maleta. Paano niya?! “How did you know my name?” tanong ko sa kaniya. Mahina lang naman ang aming mga boses. Halos magbulungan na kami. Wala rin namang dumadaan na tayo sa hagdan kasi bihira naman daw talaga. They’re all using the elevator instead. “Simple,” sabi niya lang. “How?” I asked. “Look at me…” sabi niya lang sa akin. Kahit labag sa loob ko ay ginawa ko pa rin. Dapat nga wala akong pakialam na malaman kung paano niya nalaman ang Li Mei na pangalan ko— pero gusto ko lang talagang malaman. Nang lingunin ko siya ay agad nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ginawa. Bigla niyang itinulak ako papunta sa may pader. He pinned me on the wall. Napanganga ako at agad na nanlaki ang mga mata. Sinasabi ko na nga ba! Dapat hindi ko na siya tiningnan. Pinagsisihan ko na dahil sa nangyari. Cornered na ako ng manyak na ‘to! Hindi ko maiwasan na kabahan dahil baka halikan niya na naman ako bigla. Sana naman hindi magkatotoo ang nasa isip ko ngayon. Kapag talaga nangyari ‘yon ay magsasampa na ako ng kaso laban sa kaniya. Hindi ko na ito papalagpasin! He grins at me. Napalunok naman ako kaagad lalo na nag ilapit niya pa lalo ang mukha niya sa akin. “Puwede bang p-pakawalan m-mo na lang a-ako. A-Ano b-ba talaga ang p-problema mo?” I tried to calm down. Nararamdaman ko ang lakas niya habang hawak ang mga braso ko. Kahit siguro ay maglaban ako ay wala ring saysay. Napatingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata. Ang mga mata niya na mainit ang dating sa akin. Nang-aakit… Napalunok akong muli. “Fun fact, I like you, Jeya, Li Mei or whatever,” he said to me while grinning. Bigla namang nag-init ang aking mukha. Gusto ko nang mag-iwas ng tingin sa kaniya pero bakit hindi ko ginagawa?! Inches lang ang layo ni Elias sa mukha ko. “Y-You, w-what?” kumikibot pa ang labing tanong ko. He likes me? What the hell! Hindi pa nga kami masyadong magkakilala tapos sasabihin niya na sa akin na gusto niya ako?! Hibang ba talaga ang lalaking ‘to? At isa pa, hindi siya welcome sa buhay ko! “I like you…” sabi niya lang. Diretso lang ang mga tingin niya sa akin. Nang-aakit pa rin. He even licked his lower lip! Bigla ko lang naalala iyong nangyari sa elevator. Ganiyan din ang ginawa niya bago niya ako hinalikan. Sana naman ay hindi na maulit. But… I'd be lying if I said he wasn't attractive. Sa totoo lang ay nakakaakit talaga ang jawline niya. Pero nakakainis siya. “S-stop s-saying such r-ridiculous thing. Paano mo ako n-nagustuhan?” Bakit pa ba ako nagtanong? “I like you… naked in my bed.” Nganga. Literal na napanganga ako. Pakiramdam ko rin ay nalaglag ang panga ko sa lupa. Iba naman ang iniisip ko sa iniisip niya. Oh, I forgot! Holy sh*t. I forgot na puro lang pala ka-manyak-an ang nasa utak ng lalaking ‘to! Halata naman, eh! Ngumisi siya sa akin. “Wanna come to my unit?” he asked me. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Hindi mo ba talaga ako titigilan hangga’t hindi mo ako natitikman?” seryosong tanong ko sa kaniya. Baka bukas ay ganito na naman ang gawin niya. “Yeah…” he said seductively. Binitawan niya pa ang isang braso ko para lang mahaplos niya ang pisngi ko. Nagbigay iyon ng kakaibang kiliti. Ikinalma ko lang din ang sarili ko. Napakabastos talaga. “Ilang babae na ba ang natikman mo?” I asked. "Hundreds of women were always wanting me and my naked body…" he said. Mapang-akit pa rin ito. At mukhang madadala na ako ngunit sinabihan ko lang ang sarili ko na imulat ang mga mata at maging handa. “Hundreds pala, eh. Bakit ka ngayon nandito sa harapan ko, ha?” I asked him. Gamit ang binitawan niyang braso ko ay tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko. Hindi naman siya nagmatigas kaya naisipan ko na siyang itulak. Mabuti na lang ay hindi ako nahirapan. Narinig ko na naman ang kaniyang marahan na pagtawa. Magsisimula na rin talaga akong mainis sa mga tawa niya. “You should be thankful then, inuuna kita kahit na napakaraming nakapila,” sabi niya. Maliit na nga ang aking mga mata ay lalo pang nanliit sa kaniya. “Hindi naman ako pumipila, Elias, bakit mo ako inuuna?” I even laughed sarcastically. “Kahit na wala ka sa linya, nakalista ka naman sa akin,” sabi niya. Natigilan naman ako. Sinamaan ko lang siya muli ng tingin. “I don’t want to see you again, Elias Benedict,” seryosong sabi ko na lang sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot. Dahil sa tuluyan na akong nakawala sa kaniya ay nag-iwas na ako sa kaniya ng tingin at nagpatuloy sa paghakbang sa taas. Mabuti na lang at hindi niya ako pinigilan ngunit natigilan ako dahil sa pagtawa niya nang nakakaloko. Nakaramdam na ako nang matinding inis kaya nilingon ko siyang muli. Nagtama na naman ang mga mata namin. “Ano ba talagang problema mo?” inis pa na sabi ko. “609 is the number of my unit. Palagi akong nasa unit ko tuwing gabi,” sabi niya. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. “Wala akong pakialam,” sabi ko pa. Napakibit-balikat naman siya sa akin at tinalikuran niya na ako. Napanganga na lang ako. “Kapal ng mukha…” bulong ko na lang sa sarili ko at nagpatuloy na lang sa pagtaas gamit ang hagdan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD