bc

Ysabelle Escobar

book_age18+
142
FOLLOW
1K
READ
possessive
arranged marriage
goodgirl
drama
bxg
small town
abuse
wife
husband
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Labing Apat na taong gulang noon si Ysabelle ng sa pilitan itong ipakasal ng kanyang mga magulang sa isang lalaking hindi naman niya mahal.Gustong gusto ng pamilya Cabrera noon si Ysabelle para mapangasawa ng anak nilang si Pio,na noon ay may kasintahan na rin.Dahil nga sa kagustuhan ng mga ito na makasal si Ysabelle sa anak nilang si Pio nakipagmabutihan ang pamilya Cabrera sa pamilya ni Ysabelle.Kinuha nito ang loob ng mag asawang Cardo at Carda hanggang sa mapapayag nito ang mag asawa para ipakasal si Ysabelle kay Pio.Labag man aa kagustuhan ni Ysaballe na maikasal kay Pio,ngunit wala siyang magagawa kundi sundin ang kagustuhan ng mga magulang niya.Kung hindi niya susundin ang mga ito maaring mawala ang buhay ng kanyang Ama na si Cardo at sa murang edad nakaramdam ito ng takot para sa buhay ng kanyang mahal na Ama.Kaya naman pikit mata niyang tatanggapin ang kasal na ni sa isip ay hindi niya alam na mangyayari sa ganitong kaaga.Ano ang mangyayari kay Ysabelle at Pio matotohan ba nilang mahalin ang isa't isa O sa huli pareho nilang papalayain ang isa't isa.?Hanggang kailan siya magiging sunod-sunuran sa kanyang mga magulang na ang tanging gusto ay hawakan ang buhay niya.Kailan magiging masaya ang buhay ni Ysabelle kung ang inaasahan niyang mga magulang na sana ay umiintindi sakanya ay sila pang palaging nagpapahirap sakanya at humahadlang sa pangarap niya at kasiyahan.

Sino si Elias sa buhay ni Ysabelle siya ba ang magbibigay saya sa kanya,Siya na nga ba ang lalaking magpapalaya kay Ysabelle sa kalungkutan o Lalo lamang madadagdagan ang paghihirap ni Ysabelle?

Sabay-sabay natin alamin ang buhay ni Ysabelle Escobar.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ysabelle POV "Essay! bumangon ka na d'yan at malapit ng sumikat ang araw, Aba! hindi ka ba talaga babangon d'yan huh?!. Malilintikan ka na talaga sa akin bata ka!" Nagising ako sa lakas ng boses ng Inay, Umagang-umaga nag bubunganga na naman ito. Kung bakit ba naman kasi ako na lang palagi ang inaasahan ng inay na tumulong sa kanya sa bukid. Sa edad kung labing apat na taon batak na ako sa trabaho sa aming bukid.Lagi kaming gumigising ng umaga para maghanda sa pagpunta namin sa aming maliit na sinasaka.Kaya naman pagtilaok pa lamang ng manok gising na agad ang Inay at Itay, kung minsan pa nga nauuna pa ang mga ito sa pagtilaok ng manok. Maya- maya pa bumangon na ako dahil kung hindi ako babangon agad tiyak na mabubungangaan na naman ako ng Inay. Paglabas ko sa aming maliit na hapagkainan naabutan kung nagkakape si Inay at Itay,Lumingon sa akin si Inay at sininyasan ako nitong lumapit sa kanya. Napansin ko din na nakagayak na ang aming dadalhin pananghalian sa bukid. "Oh, Essay umupo ka na at magkape. Tanghali ka na naman bumangon, hindi ka pa ba sanay na tuwing umaga bago tumilaok ang mga manok kailangan ay gising ka na.Hala! kumain ka na." Wika ng Inay hindi na lamang ako sumagot dito, bagkus nag timpla na ako ng kape at nagsimulang mag almusal pang lima ako sa aming magkakapatid sampu kaming lahat na magkakapatid.Pero ako lamang ang kalimitan palaging kasama ng Inay at Itay sa pagsasaka. Binilisan ko na ang pagkain ng tumayo na ang Inay. "Hoy! Essay! Sama ka ba sa amin mamaya?" Naglalakad na kami pa-punta sa aming maliit na sinasaka ng matanaw ako ng aking itinuturing na kaibigan na si Ate Feta, nakakatanda ko itong kapatid sa dami naming magkakapatid ito lamang ang na sasabihin ko ng lahat ng hinaing ko sa buhay. Tumigil ako saglit sa paglalakad at masayang ngumiti sa aking Ate Feta. "Bakit ate Feta? Saan ang punta niyo mamaya?" Tugon ko sa aking ate Feta na nakangiti rin sa akin. " Balak namin manguha ng bumagsak na mga niyog sa gubat. Ano sama ka ba?" Wika ng ate Feta sa akin, Nagdalawang isip ako kung sasama ba ako kila ate at sa mga pinsan ko pero sa huli pinili ko na lamang na sumama. Siguro magpapaalam na lamang ako kay Inay at sana naman ay payagan ako nito.Tamang tama baka sakali isama nila si Lauro sa pangunguha ng niyog.Lihim ako napangiti ng maalala si Lauro na aking sinisinta alam kung mahal ako nito at siya naman ay mahal ko rin. Ngunit wala itong lakas ng loob para bumisita sa aming tahanan dahil na rin sa takot nito sa aking Inay. "Essay! Ano ba't ang tagal mo maglakad? Saka na kayo mag usap ng ate Feta mo baka abutan tayo ng matinding sikat ng araw mamaya sa pag tatanim sa kaingin. Bilisan muna d'yan!" Naiinis na naman wika ng Inay habang may tabako ito sa kanyang bibig. "Sige ate mamaya na lamang" Sigaw ko kay ate. Tumakbo ako bahagya para makahabol kila Inay. "Ay naku! Cardo bakit ba at panay na lamang ang bisita ng kumpare mong si Don sa bahay at palagi na lamang may dalang lechon? Ano ba ang pakay talaga ng kumpare mo na 'yun? Sino sa mga anak mo ang natitipuhan ng Don na 'yun? Aba ay mahiya naman siya at siya ay matanda na." Naririnig kung nag uusap ang Inay at Itay, ngunit hindi ko masyadong maunawaan ang pinag uusapan ng dalawa.Pinagpatuloy ko na lamang ang pagtatanim ng mga kamote at balanghoy sa bagong bungkal na lupa. "Pabayaan mo at kakausapin ko si kumpare, itatanong ko rin kung ano ba talaga ang kanyang pakay at palagi na lamang ito dumadayo ng inom sa ating bahay at kung anu-ano pa ang mga dinadala nito pasalubong sa tuwing nagtutungo sa ating bahay."Rinig kung tugon ng Itay Cardo kay Inay Carda.Ang tinutukoy ng mga ito na kumpare ni Itay ay si Mang Don,na sa tuwing nasa bahay namin ay panay na lamang ang bati sa akin at palagi rin itong nakatingin sa akin.Isang beses sinabi nito sa akin na gusto daw ako nitong maging manugang. Hindi ko naman pinansin ang sinabing 'yun ni Mang Don, marahil nagbibiro lamang ito at siguro dala na rim nang kalasingan nito. " Inay, Maari po ba akong sumama kila ate Feta mamaya mangunguha ng niyog sa gubat?Kasama ko naman po ang ibang pinsanin namin." Sabay pang napalingon ang Inay at Itay sa akin. " Naku! Ysabelle baka makipagkita ka lamang sa Lauro na 'Yun. ang akala mo ba ay hindi ko alam na may lihim na pagtingin sa iyo ang binata na 'yun!" Nagulat ako sa sinabi ng Inay paano naman nito nalaman ang lihim namin na 'yun ni Lauro. "Hoy! Ikaw matanda ka pagsabihan mo yang anak mo si Ysabelle. Baka mamaya niyan boyfriend na niyan ang lalaking iyon." Wika ng Inay kay Itay na nilingon lamang ako. "Ang bunganga mo talaga Carda, walang tigil hayaan mo na ang anak mo sumama sa ate Feta niya para manguha ng niyog sa gubat kasama naman pala nila ang mga pinsanin nila e." Nakahinga ako ng maluwag ng pumayag ang Itay. "Naku! Ikaw na matanda ka, akala mo ba makipagkita lamang 'yan sa nobyo niyang si Lauro." Napakunot noo ako sa sinabi ng Inay, kahit mahal ko si Lauro at ito ang first love ko, ay hindi ko pa rin ito sinasagot. "Inay, hindi ko po nobyo si Lauro." Sagot ko kay Inay na tumingin pa sa akin ng masama.ayaw na ayaw talaga nila kay Lauro para sa akin at isang bagay iyon na ikinalulungkot ko. "Ahh,, Ewan ko sayo bata ka.Hala na tapusin mo na ang pagtatanim ng mga kamote at pag uwi natin mamayang gabi ay gagawa naman tayo ng paninda nating pakaskas at matamis na bao." Mukha naman payag na ang Inay kaya naman bumalik na ako sa aking pwesto at nagsimula na ako muli magtanim ng kamote.Binilisan ko ang pagtatanim ng matapos na ako kaagad para makapunta na ako sa aming tagpuang magpipinsan. "Ysabelle, buti pumayag ang Inay na sumama ka sa amin?" Wika ng aking ate Feta. kararating ko lamang sa tagpuan namin magpipinsan. Panay ang aking paglingon.Nalungkot ako ng hindi ko makita ang taong kanina ko pa iniisip at gustong gusto makita. "Ohh, kanina ka pa panay ang linga ahh, Sino ba ang hinahanap mo?" Wika ng ate sa akin, Napailing-iling na lamang ako sa tanong ng ate sa akin, marahil hindi sumama si Lauro. Labis ang pagkadismaya ko. " Ohh, paano tara na?" Wika ng isa kung pinsan na babae, kasama din namin ang ilang pinsan namin lalaki para sila ang magdala ng mga makukuha namin niyog.Nagsimula na kami maglakad ng may narinig akong familiar na boses at hindi ako maaaring magkamali kay Lauro ang boses na iyon,kaya naman dali-dali akong napalingon at ganun na lamang ang pagkakangiti ko ng makita ang lalaking aking iniibig. "Hoy!Sandali lang wag niyo naman ako iwan." Habol sa amin ni Lauro bakas sa mukha nito na malayo layo din ang tinakbo nito para lamang makarating dito sa aming tagpuan.Hingal na hingal ito ng makalapit sa amin. "Lauro, Aba, daig mo pa ang hinabol ng asawang sa daan ahh. Hahaha" Wika ng ate Feta kay Lauro na ngayon ay nakatingin na sa akin at nakangiti pa ito,nginitian ko rin naman ito at medyo kinilig pa nga ako ng kindatan ako nito. " Aba!May pakindat-kindat ka pa nalalaman Lauro ahh, Iba talaga pag umiibig." Wika ng isang pinsan kong babae at nagtatawanan pa ang lahat samantalang si Lauro naman ay napababa na lamang ng tingin mukha bigla na lamang itong nahiya dahil sa nag-uumpisa na naman itong kantiyawan ng aking mga pinsan. "Ano ba kayo tigilan niyo na nga si Lauro kita niyo at para nang kamatis ang mukha sa sobrang pula Hahahaha" Pang aasar na naman ng isa kong pinsan na lalaki. "Kayo talaga palagi niyo na lamang ako inaasar."Wika nito sa mga pinsan ko na nagtatawanan pa lalo. "Tigilan niyo na nga si Lauro, kayo talaga maigi pa lumakad na tayo ng marami tayong makuha niyog." Sabi ko sa mga pinsan ko at nagpatuloy na nga kami sa aming paglakad at habang naglalakad kami sinisipat naman namin ang bawat madaanan namin,baka may matiyambahan kaming niyog. " Ysabelle, Kailan mo ba ako sasagutin?" Biglang tanong sa akin ni Lauro na kinagulat ko naman. " Anong sagutin baga ang sinasabi mo d'yan? Hindi mo nga magawa dumalaw sa aming bahay e." Tugon ko naman dito na kumamot pa sa kanyang ulo. "Ay, Paano baga naman ako dadalaw sa inyo Essay, Natatakot ako harapin ang iyong mga magulang baka hindi nila ako magustuhan para sa iyo." Sagot naman nito sa akin, halata sa boses nito ang lungkot. "Hay naku! saka na lamang natin pag usapan ang tungkol d'yan. Manguha na lamang muna tayo ng niyog ng mapera na natin ito mamaya pag naibenta na".Tumango-tango naman ito sa sinabi ko, ngunit bagas pa rin sa mukha nito ang lungkot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook