JAMES Kadarating lang namin kagabi mula sa isang buwang bakasyon namin sa Paris. Isang buwan kaming nananatili roon dahil doon namin ipinag-celebrate ang ika-pitong taon na kaarawan ni Cassie, ayon na rin sa kagustuhan nitong doon pumunta. "Good morning po, Daddy and Mommy!" masiglang bati ni Cassie habang pababa ng hagdanan kasunod ang yaya nito. Sabay naman kaming napalingon ni Cassandra sa aming anak. Napangiti ako nang makita ko ang maamo nitong mukha at masiglang itsura. "Good morning, baby!" ganting bati ni Cassandra sa aming anak saka nito hinalikan sa pisngi. "Good morning, my little Princess!" saka ko ito hinalikan sa noo. "How is your sleep?" tanong ko saka ko marahang hinaplos ang namimintog nitong pisngi. Yumakap ito sa akin. "It's good, Daddy. And I'm happy! Thank you po

