Pagdating ko sa bar ay nakita ko na ang mga sasakayan ng aking mga kaibigan. Napailing na lamang ako dahil kahit sa kabila nang pagiging abala ng mga ito ay hindi pa rin pumapalya sa paglalaan ng oras para sa pagkikita at pagba-bonding namin. "Good evening po, Sir James!" sabay na bati ng dalawang guard. Tumango naman ako at pumasok na rin sa loob ng bar, habang ang aking driver/bodyguard na si Ruel ay nasa aking likuran. Bago pa man ako pumasok ng elevator papuntang VIP room ay muli akong humaral kay Ruel at mahigpit na ibinilin si Miss Pajares, dahil simula nang mangyari ang gabing iyon na muntik na itong mapahamak sa kamay ng grupong iyon ay hindi na ako mapalagay, kaya't nang umalis ako papuntang Paris ay hindi ko na isinama si Ruel at palihim ko na lamang pinabantayan ang dalaga.

