KABANATA 22

2811 Words

Pagdating ko sa J-Bar ay agad na rin akong dumiretso sa aking locker upang magsuot ng pang itaas na uniform, nang matapos ay dumiretso na ako sa itaas upang ayusin ang VIP room, dahil sinabi ni Sir Norman na darating ngayon ang mga kaibigan ni Sir James. Isang buwan ko na ring hindi nakikita si Sir James. At sa loob ng isang buwang iyon ay hindi ko maintindihan ang aking sarili, na para bang nangungulila ako sa presensya nito kahit na alam kong hindi dapat at wala akong karapatan. Hindi ko naman maitatangging habang tumatagal ay lalo lamang lumalalim ang lihim na paghanga ko para kay Sir James. Kahit na alam kong mali dahil sabi nga ng lahat ay may asawa at anak na ito, ngunit ganoon pa man ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na mahulog dito. Aminado naman akong kasalanan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD