Pagdating ko sa bar ay agad na rin akong nagpalit ng aking uniform. Pagkatapos ay nagsimula na rin ako sa aking trabaho. Pasimple kong sinisilip ang VIP room na nasa itaas kung saan doon ko madalas makita ai Sir James habang kasama ang mga kaibigan nito. At sa mga oras na iyon nagbabakasakali akong baka makita ko ito, at kung magkataon man na nandoon ito, ay lalakasan ko na lamang ang aking loob upang makausap o kausapin ito. Subalit hanggang sa lumipas ang mga oras ay nananatili pa ring madilim ang bahaging iyon. Palatandaan na ni isang tao ay wala man lang pumunta roon. Nakaramdam ako ng bahagyang panlulumo at para bang nawalan na rin ng gana sa trabaho. "Ay, Jenniel! Puwede ba akong makisuyo. Ikaw na lang muna ang kumuha ng order sa table 12. Hindi ko kasi maasikaso, eh. Ang dami ka

