“I am the father.” Marahas na napalingon si Zeki sa taong bigla na lang nagsalita. Tumambad sa kanya ang bulto ng kapatid na nakatayo sa pintuan. Ano ang ginagawa nito sa opisina ng Chairman? Nagtagis ang mga bagang niya kasabay ng pagpulso ng kanyang mga panga. Nagtama ang kanilang mga mata ni Vicencio at tila may gustong ipahiwatig sa kanya ang kislap na nasa mga mata nito, subalit wala siyang balak na mag-aksaya ng oras para arukin ang kung ano man ang nasa niloloob nito. Ang alam niya lang ay gustung-gusto niya itong suntukin nang mga oras na iyon. “You are the assistant, am I right?” tanong ni Juan Salvador, kumapal ang mga linya sa noo na senyales ng pagkalito nito. Tinitigan siya nito bago muling ibinalik kay Vicencio ang mga titig. “But Zeki said that you are not the father of t

