Chapter 5

5000 Words
Kinabukasan maaga akong nagising, ginayak ko na ang mga kailangan sa pag hahanap ng trabaho, naligo muna ako, nagtoothbrush pag labas ko ng banyo nag bihis na agad ako, suot ko lamang ay simpleng white blouse, black skirt na knee level at black shoes na may 1 inch ang takong, hapit na hapit ang aking katawan, kitang kita ang hubog ng aking katawan sa aking kasuotan, aminado akong sexy talaga ako, monster nga lang daw ang mukha. Huminga ako ng malalim pinasadahan ko muna ang aking mukha, proud ako sa aking hitsura kahit papaano ay malakas naman ang aking appeal, ngumisi ako sa harap ng salamin, malapad at pango ang aking ilong, makakapal at kalat kalat na kilay, maraming tigyawat, kulubot ang mukha, malalim ang eyebags na para bang isang taong hindi natulog, buhaghag ang buhok at kulot, parang hindi ni minsan nadaanan ng suklay, makapal na mga labi at labas ang ngipin, dagdag pa ang makapal ko na salamin. Ganito ang aking hitsura, mukha naman talagang monster, kahit pamangkin ni Arthur at Aquil na anak ni ate Allie natakot sa aking hitsura. Bumaba na ako, nadatnan ko ang aking mga magulang sa kusina, na nag kakape, nagtataka sila at madaling araw pa lang aalis na ako para mag hahanap ng trabaho, ngunit wala na silang nagawa dahil nakabihis na ako. Madilim pa pala sa labas, sinipat ko ang suot kong relong pambisig, alas singko pa lang pala, umupo ako sa hapag at sinaluhan ang aking mga magulang sa kanilang almusal. Ilang saglit lang, nag paalam na si nanay at tatay nauna na silang umalis papuntang bukid sa taniman namin, may maliit kasing lupa na nabili ang mga magulang ko, yun ang pinag kaabalahan nila, marami din silang tanim na gulay doon, at yoon ang hanap buhay ng mga magulang ko. Naiwan ako sa bahay nagpalipas oras muna ako, antayin ko munang lumiwanag ng kaunti bago ako pupunta ng mansiyon, dadaan muna ako sa mansiyon para mag paalam kay madam Aurora na aalis na ako, maya maya pa ay nakita kong lumiwanag na sa labas, kaya gumayak na ako, palabas na ako ng bahay, lalakarin ko pa ang paradahan ng tricycle papasok sa village kung saan ang mansiyon nila senyora. Pag dating ko sa mansiyon, pinapasok agad ako ng guard kilala na kasi nila ako dito, pagpasok ko nabungaran ko kaagad si madam Aurora, nag babasa ng diyaryo sa sala habang nag kakape, agad ko siyang binati at ganoon din siya sa akin, ngumiti siya at pinaupo niya ako sa tapat ng inuupuan niya, umupo ako at yumuko tanda ng pasasalamat ko sa kanya. Nasabi ko na ang dapat kung sabihin kay madam, nagulat pa nga siya dahil ayaw niya akong paalisin, ngunit nag pumilit ako, sinabi ko na lahat ng dahilan ko upang mapagbigyan niya ako sa aking gustong mangyari, nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni madam, mamula mula ito, tanda na malapit nang lumandas ang kanyang mga luha. Sinabi ko na kailangan kong maghanap ng trabaho, para magamit ko ang aking napag aralan. Kalaunan ay pumayag na rin siya, gusto pa niya sana na sa kumpanya nila ako mag tatrabaho ngunit tumanggi ako, subra sobra na ang nagawa nila sa akin, kaya gusto ko sa sarili kung mga paa, at kung makahanap man ako ng trabaho iyon ay pinag hihirapan ko, kaya tumanggi ako sa kagustohan ni madam na doon ako mag trabaho sa kumpanya nila. Marami pang naikwento si madam sa akin hanggang sa paulit ulit niyang nabanggit ang salitang salamat. Nahihiya man ay tinanguan ko na lamang ang kanyang mga sinabi, mahirap tanggihan si madam, ngunit kailangan kong mag matigas,. Ilang sandali pa nagpaalam na ako kay madam, marami pa kasi akung puntahan na kumpanya, para sa interview ko, pag tayo ko sakto naman ang pag baba ni Arthur. Nakangiting bumati siya sa akin, sandali muna kaming nag usap, marami siyang tanong sa akin tungkol kagabi, kung bakit natagalan ako, at gabing gabi na nakauwi. Tinanong din niya kung ano ang aking ginawa, at saan ako nag punta, sa dami ng tanong niya, ni isa wala man lang akong nasagot, ngumiti lang ako at umiiling iling, nag paalam na ako sa kanila dahil kailangan ko nang puntahan ang unang kumpanya na inaaplayan ko. Akmang paalis na ako nang nag salita ulit si Arthur, na isasabay nalang niya ako dahil may pupuntahan siya at nadadaanan naman daw ang sinasabi kong kumpanya, umiling ako tanda ng pag sang ayon sa kanyang sinabi. Madami kaming napag usapan ni Arthur, napahalakhak pa ako buhat nang nakakatawa ang kanyang mga kwento sa akin. Naopen pa niya sa akin na ang mga babae daw ang nanliligaw sa kanya sa US ni isa wala daw siya natipohan, may nag mamay ari na daw kasi sa kanya puso matagal na. Sa isip ko napakaswerte naman ng babae na iyon, dahil si Arthur naman talaga ay likas na mabait bukod sa guwapo na kamahal mahal pa at ubod ng yaman. Kaya kung ako sa babae na lihim na minahal ni Arthur angkinin na niya agad at pakasalan na niya kaagad si Arthur. Ilang sandali pa ay huminto na ang kotseng sinasakyan namin, hindi ko napansin na nandito na pala ako sa unang kumpanya na pinag applayan ko. Nag paalam na ako kay Arthur, agad naman siyang tumango tanda ng pag sang ayon. Pag baba ko ng kanyang sasakyan, pumasok na ako sa loob si Arthur naman ay nakaalis na, papasok pa lang ako sa building ay may humarang na sa akin na dalawang guardiya, tinanong nila ako kung may appointment ba daw ako, agad ko naman silang sinagot na may interview ako ngayon sa HR. Itinawag muna nila iyon sa itaas, pagkababa sa telepono ng isang guardiya ay sumenyas ito na paakyatin na ako sa itaas sa 3rd. floor at sinabi na rin nila ang direksiyon ng opisina ng hr na mag iinterview sa akin, nagpasalamat na ako sa kanila at lakad takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa 3rd floor ilang minuto lang ang late ko, nag elevator na ako, pag kadating ko sa elevator hinanap ko kaagad ang opisina na sinabi sa akin ng dalawang guardiya. Nang nahanap ko na ito pang apat ako sa pila, nakipag kwentohan pa sa akin ang isang applikante, marami siyang sinabi sa akin ngunit binalewala ko ito, dahil hindi naman pakikipag chismisan ang pinunta ko dito, kundi trabaho na sana masungkit ko ang trabahong inaapplayan ko dito, tinawag ang pangatlong aplikante, ako na ang susunod na tatawagin, kinakabahan ako nanginginig ang mga kamay ko, pinapakalma ko nalang ang aking sarili, na sana ay masungkit ko ito, maya maya pa ay lumabass na ang pangatlong aplikante at salubong ang kilay nito. Pinatawag na ako sa loob, pag bukas ko ng pintuan pumasok na ako sa loob, bumungad sa akin ang mukha ni Guinevere at may isa pang babae na sa wari ko ay HR. Nag iba agad ang timpla ng mukha nilang dalawa, nawala ang ngiti sa kanilang mga labi.. Madami ang katanungan sa akin ng hr at nasagot ko naman lahat ng iyon ng maayos, napaexcellent pa si hr sa aking mga kasagutan, ngunit nag salita din si Guinevere, marami din siyang sinabi na masasakit na salita sa akin, katulad noong mga nagdaang panahon. Ang isa sa hindi ko makalimutan ay, dapat maganda at may class ang makakuha sa posisyon na inaplayan ko dahil haharap daw ito sa mga kliyente. Nasaktan ako doon, With high pleasing personality daw ang dapat mahire dito,. Paanu ako matanggap kung pangit ako? ito ang katotohanan, sa mata ng mga tao huhusgahan ka nila base sa hitsura mo, wala na akong magagawa kung yun ang isa sa mga requirements nila. Paalis na ako sa gusaling ito, nakababa na ang elevator na sinasakyan ko nang nakita ko si Aquil papasok sa elevator na kung saan ako naka sakay, nasa likod ako ng isang empleyado dito niyuko ko ang aking ulo para hindi niya ako makita, buti nalang malapad ang likod ng empleyado, medyo natakpan ako ng kaunti, palabas na sana ako ng building, ngunit ito ako pabalik balik akyat baba, dahil gusto ko lang iwasan si Aquil. pagadating sa 3rd floor nag labasan na ang lahat pati na yung lalaking malapad ang balikat na nakaharang sa akin kanina, akala ko ako nalang mag isa sa loob ng elevator, ngunit nagkamali ako dahil ito si Aquil pinag mamasdan niya ako, siguro nag tataka siya kung anu ang ginawa ko dito. Hindi ko siya sasagutin kahit anung pilit niya sa akin, nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin at pinag mamasdan lang niya ako, Wala akong pakialam sa kanya, ayaw ko nang lumapit sa kanya at ayaw ko rin siyang kausapin, puro pang iinsulto lang ang maririnig ko sa kanya. Ilang sandali lang, nakarating na ako sa unang palapag, hindi na ako nag dadalawang isip na lumabas dali dali na akong lumabas at hindi ko na siya ni minsan tinapunan ng tingin. Nararamdaman kung sinundan niya ako ng tingin, hindi ko siya maintindihan, o sadyang may sayad lang talaga ang utak niya,. Huminga ako ng malalim at hinayaan na lamang na ganoon ang nangyari sa akin sa loob ng elevator sa gusaling iyon. Nakalabas na ako ng building sinipat ko ang aking relong pambisig maaga pa naman may nakaabang pa na dalawang kumpanya na mag iinterview sa akin. sunod ko nang pinuntahan ang pangalawang kumpanya ngunit ganoon pa rin, isa sa mga kailangan ay maganda at presentable sa mga kliyente. Dali dali na akong lumabas ng gusali at dadaluhan ko naman ang pangatlong kumpanya na aking inaaplayan, pumasok na ako sa gusali at malungkot ulit akong lumabas sa gusaling aking pinanggalingan, With pleasing personality ulit ang hinahanap nila, paanu naman ako matatanggap kung wala naman ako noon. Pag labas ko ng gusali ay tumingin ako sa kawalan, napapaisip, kung bakit ganito ka unfair ang buhay, basta pangit basta basta nalang i etsa pwera, kahit gaanu kataas ang grado mo at kahit gaanu kagaling ang sagot mo sa kanila kung wala kang ganda i etsapwera ka nila, siguro ito talaga ang isa sa mga kailangan ng posisyon na inaplayan ko dito sa kumpanya, ikaw daw kasi ang haharap sa mga kliyente at may mga kliyente daw kasi na masiyadong mapang api at mapang lait. Mayroon namang inoofer sa akin ang pangalawang kumpanya ngunit hindi ko ito gusto, hindi naman kasi iyon ang tinapos ko, ganoon din sa pangatlong kumpanya ngunit tinanggihan ko din ito,.Oh diba ang choosy ng pangit o kaya siguro mas maganda kung monster ang itawag sa akin.. Nag aabang ako ng bus, maraming tao at nag uunahan ang mga pasahero pasakay ng bus, hindi pa nga nakahinto ang bus ay sinasalubong na ng mga pasahero, sa tantiya ko ay alas sinko na ng hapon uwian na at labasan na ng mga empleyado kaya ganito na lamang karami ang pasahero ngayon, nakasakay na ako ng bus at dahil maraming tao ay siksikan na sa loob ng bus, kaya ito ako ngayon nakisiksik nakatayo ako sa bus, subrang naipit ako buti nalang at maliit ang aking katawan pwede kong isiksik ito kapag may dadaan, ngunit may mga tao talagang sadyang halang ang kaluluwa, kani kanina lang ay may naramdaman akong parang matigas na bumubundol sa aking pang upo, ngayon naman ay may humihipo naman dito, nag aalangan akong mag reklamo kasi walang maniniwala sa akin sa halip ako pa ang magiging masama kapag nag reklamo ako, dahil sa monster kung mukha, ilang sandali lang ay lumuwag ang bus at kahit papaanu ay nakaupo narin ako, medyo malapit na rin ako ngunit nag pasalamat pa rin ako at nakaupo ako ng maayos sumakit na rin ang binti at balakang ko, kalalakad at katatayo, hindi ako sanay sa may takong na sapatos kaya heto ako ngayon nagkakapaltos ang kalingkingan sa aking daliri. Pababa na ako ng bus nang may humabol pang humipo sa aking malalaking pang upo, tadyakan ko na sana kung hindi pa huminto ang bus, dali dali akong bumaba, pagbaba ko lakad takbo ang aking ginawa upang mabilis na marating ang paradahan ng tricycle, ngunit hindi ko talaga maintindihan kung anu talaga ang gusto ng taong ito, nakaabang nanaman ito at parang may inaantay, nang palapit na ako ng palapit sa paradahan ng tricycle, bigla na lang siyang nag salita. " Sumakay ka sa aking sasakyan kung ayaw mong mapahiya dito." walang emosyong sambit niya. " Baka makita tayo ng mga tao dito, baka pag tawanan ka pa nila, hindi ka dapat nakikipag usap sa isang monster na katulad ko,." nakayukong wika ko sa kanya. " Gusto lang kitang makausap may gusto lang akong itanong sayo, sumakay ka na." malamig na wika niya sa akin. " Nag usap na po tayo senyorito, pwede niyo na pong itanong sa akin ngayon ang gusto niyong itanong, nakayukong wika ko ulit sa kanya. Rinig ko ang malutong na mura niya, ilang sandali lang bumaba siya sa kanyang sasakyan mabilis siyang nakarating sa aking kinatatayuan, hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at pilit na pinasasakay sa kanyang kotse. Wala na akong nagawa kundi sumakay na lamang sa kanyang sasakyan, nasa loob na kaming parehas ng kanyang kotse at parehong walang imik, ni wala man lang isang salita akong narinig sa kanya. " Bakit ka aalis sa mansiyon?. kalmadong tanong niya sa akin. " W wala na po kasi ang senyora, senyorito si senyora lang po ang dahilan kung bakit pabalik balik ako sa mansiyon." Nauutal kung sagot sa kanyang katanungan. " No! mananatili ka sa mansiyon, simula ngayon ako ang mag papasahod sa iyo triplehin ko pa ang sahod mo." may kayabangang wika niya sa akin. “ Hindi na ako pwedeng bumalik senyorito nag paalam na po ako kay madam, at hindi na po pwedeng mag bago iyon.” Sambit ko sa kanya. Nakaismid lamang siya at galit na galit, hindi ko maintindihan kung bakit nitong mga nagdaang araw ay iba iba ang timpla ng kanyang hitsura, noong mga bata pa kami, puro pang aasar, panlalait at galit ang Aura ng mukha niya, kahit anung layo niya ay sasadyain ko talagang lumapit para mapansin niya ako, sabagay lage naman niya akong napapansin dahil sa pangit ng aking hitsura. Noong mga panahon na iyon ang saya saya ko kapag nilalait niya ako kalaunan ay hindi ko akalain na magbabago ang lahat. Nitong mga nag daang araw hindi ko maintindihan ang ugali ni Aquil, pabago bago ito ng timpla, sa tuwing lumalayo ako at iniiwasan ko siya, siya namang pag sunod niya sa akin.Nabibigla at nagugulat ako minsan kasi lagi nalang siyang sumusulpot minsan sa likuran, madalas sa harapan, umiiling iling ako at naguguluhan..Ngayon dapat masaya na siya dahil mawawala na ako sa paningin niya, ito na naman siya ngayon gusto niya akong pabalikin sa mansiyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako na pababalikin niya ako sa mansiyon o maiinis,. Ngayon na buo na ang desisyon ko, hinding hindi na ako babalik pa sa mansiyon. “Hindi niyo po ako laruan senyorito, lalong hindi po ako bagay na basta basta niyo lang po makuha at kung gusto niyo ang isang bagay ay pag hihirapan niyo po, tapos na po ang misyon ko sa mansiyon sentorito, kaya hindi niyo na po ako mapapabalik doon, si senyora lang naman po ang dahilan kung bakit nasa mansiyon ako.” Mahinahong sambit ko kay Aquil. Nanatiliting tikom ang kanyang bibig, nag maneho na lamang siya at idinaan na niya ako sa aming bahay. Nakakapagod ang buong mag hapon na pag aapply, hindi pa ako natanggap. Hayaan ko nalang marami pa namang kumpanyang pwedeng applyan hanggang sa umabot na ng isang linggo ang pag hahanap ko ng trabaho ngunit ni isa walang tumatangap. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag asa, diterminado pa rin ako na makuha ang trabaho na tungkol sa aking natapos . Tumigil muna ako sa pag hahanap ng trabaho, mag pahinga muna ako ng kahit dalawang araw lang, naubos na kasi ang mga kailangan kong application form, kaya gagawa po ulit ako ng panibago Nandito pa rin ang laptop na binigay sa akin ni senyora noong nag aaral pa lamang ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising ako alas quatro na ng umaga, madilim pa sa labas naligo na rin ako bago ako bumaba, balak ko kasi sumama kay nanay at tatay sa bukid, pag baba ko naabutan ko ang aking mga magulang sa hapag kainan. “ Oh, anak halika ka na sumabay ka na sa amin ni tatay mo, hindi ka nag hapunan kagabi hindi na kita ginising pagod na pagod ka kasi anak.”” Sambit ni nanay “Opo nay sasabay po ako sa inyo, nay sasama po pala ako ngayon sa bukid.” Ani ko kay nanay. “Bakit anak hindi ka ba aalis? Wala ka bang interview ngayon.” Tanong ni tatay. “ Wala po tay sa susunod na araw nalang po ako mag pa interview tay, dito muna ako sa bahay sasamahan ko po muna kayo, gusto ko po kayo makasama.” Sagot ko kay tatay. “Anak kumusta ang mga inaapplayan mong trabaho?” tanong ni nanay sa akin. “ Nay okay lang naman po, yung iba po tatawagan lamang daw po ako, yung iba naman po hindi na ako natanggap.” Malamig na sagot ko kay nanay. “ Anak wag ka lang mawalan ng pag asa ha, tuloy tuloy mo lang, pero kung hindi mo na kaya pwede ka naman anak sa susunod na buwan ulit mag hahanap ng trabaho.” Mahabang wika ni nanay. “O opo inay.” Maiksing sagot ko naman. Natapos na ang aming agahan at ako na rin ang nag hugas ng aming pinag kainan. Ilang sandali pa ay gumayak na kami para sa mga kailangan namin sa bukid. Nag lalakad lang kami sanay na naman kami, kahit noong bata pa ako nilalakad ko lamang ito, pagdating namin sa taniman ng mga gulay ni nanay at tatay, namangha ako kasi mag harvest na pala ngayon ang nanay at tatay, tama lamang na sumama ako sa kanila dito upang matulungan ko sila sa kanilang gawain. Grabe nakakamangha napakarami palang tanim si nanay at tatay, nag papatunay lang na matagal na akong hindi nakabalik dito sa taniman ng aking mga magulang. Mayroon na rin maliit na barong barong, pahingahan nilang dalawa, pumasok ako sa loob ng barong barong, nakikita ko na may bigas, kaldero at mga gamit sa pag luluto. Hmm napapatikhim ako napahawak sa aking baba, ang sarap pala ng buhay ng aking mga magulang dito. Simula noong nag tatrabaho si ako kasabay ng pag aaral ko, hindi na ako nakabalik dito, dahil ayaw ng senyora na iwanan ko siya mag isa sa kanyang silid. Nakakamiss talaga dito huminga ako ng malalim, at sinamsam ang presko at malamig na hangin, ang sarap sa pakiramdam, parang nag sialisan ang mga masasamang elemento sa aking katawan. Napaisip pa rin ako, hanggang ngayon hindi pa ako tanggap sa mga inaaplayan kong trabaho, halos naikot ko na ang lahat ng kumpanya dito sa aming probinsiya ngunit wala pa rin ni isa na tumanggap sa akin, kahapon sa ibang bayan ako nakarating doon na ako nag pa interview ngunit hindi pa rin ako natanggap. Minsan naisip ko na sa Maynila nalang mag hahanap ng trabaho, ang taas kasi ng standard nila dito sa probinsiya. Naalala ko ang sinabi ng bakla sa akin doon sa foodchain, kung hindi pa rin ako matanggap sa susunod na linggo, susubukan ko iyong inaalok sa akin ni Sir. Geo yung baklang kausap ko. Huminga ulit ako ng malalim habang nakatingin sa kawalan, kapag ganitong mga eksena nakaawang ang aking mga labi at nakalabas ang aking mga ngipin, sadya naman talagang nakalabas ang aking mga ngipin. Nakalimutan ko nandito pala ako sa bukid at kasama ko si nanay at tatay, bumalik ako sa aking ulirat ng, tawagin ako ni nanay may nag hahanap daw sa akin. " Nay! nandito tayo sa bukid, sino po ba ang mag hahanap sa akin dito?" mahinahong tanong ko kay nanay. " Anak may importante daw siyang sasabihin sayo." ani naman ni nanay. Nandito kasi ako sa loob ng kubo kubo nila nanay, mayroon kasing parte ng bahay na walang bubong particular na dito sa likod ng kubo. Sino kaya ang nag kamaling umakyat dito sa bukid para hanapin ako, hmmm yan ang nag lalaro sa aking isipan. " Opo nay, sandali lang po lalabas na." wika ko kay nanay. Pag labas ko, nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita, si Aquil? tanung ko sa aking isipan. Anung ginagawa ng binatang ito dito, sinong sadya niya dito.? " Hinihintay kita sa mansiyon, bakit hindi ka pumasok.?" mahinang tanong ng binata. " Senyorito dito nalang muna kayo sa labas mag usap ng anak ko, wala kasi kami maayos na masisilungan dito, walang upuan sa loob ng kubo, pasensiya ka na ha..dito nalang kayo sa lilim para hindi kayo mainitan, kayo na bahala dito pupuntahan ko lang ang asawa ko." mahabang litanya ni nanay kay Aquil. "Anu ba ang ginagawa mo dito senyorito Aquil, bakit hanggang dito sa bukid ay sinusundan mo ako.?naiinis na tanong ko sa kanya. " Hindi ka pumasok, hindi ka nag pakita sa mansiyon." ani ni Aquil. " Hindi pa ba malinaw sayo ang sinabi ko kahapon.? maiksing tanong ko. " Bumalik ka na sa mansiyon, kulang pa ba ang pasahod ko sayo?Magkano ba ang kailangan mo? para mapabalik kita sa mansiyon." sunod sunod na tanong ni Aquil sa akon. " Lahat ba talaga ng bagay senyorito nakukuha niyo sa pera? kung oo, ibahin mo ako hindi ako bayarang babaeng nag bebenta ng laman." naiinis ko pa ring wika sa kanya. " Babalik ako, babalikan kita sa susunod sisiguraduhin ko na sasama ka na sa akin." galit na litanya ng binata. Nagbuga ako ng malalim na hangin, at napailing iling na lamang sa aking narinig sa kanya, kung sa tingin niya natatakot ako sa paninindak niya sakin, nagkakamali siya, simula ngayon hindi na ako magpapa sindak sa kanya. Pinuntahan ko ang kinaroroonan ni nanay at tatay naka apat na basket na sila ng sitaw, limang basket na talong,mayroon pang ampalaya at okra, ang dami pala kaya tumulong na rin ako sa kanila, bukas ay tutulong din ako sa pag bebenta nito sa palalengke, paniguradong maraming bibili nito dahil bagong pitas lamang, mayroon din namang mga suki si nanay at tatay isa na doon ang mayordoma ni senyora na si nanay Martha. Natakatapos kami sa pag harvest ng mga halamang gulay, bukas ay mag haharvest daw si tatay ng mais at mga prutas, may bayabas, mangga, langka at papaya na tanim si tatay, may saging rin pero hindi pa pwedeng iharvest kasi hindi pa naman hinog. Nakakapagod pala ang ganito, buti nakayan nila nanay at tatay, kung sa bagay sanay na si nanay at tatay, sabi nga ni tatay hindi bale na ganito ang hanap buhay nila basta mag kasama lang silang dalawa at masaya sila sa ginagawa nila. Nakakakilig at nakaka touch naman. Ako kaya makakatagpo kaya ako ng lalaking kagaya ni tatay? Nakatingin nanaman ako sa kawalan, napaliyad na lamang ako ng sundutin ako ni nanay sa aking tagiliran, nag tataka na rin si nanay kung bakit pabalik balik daw si Aquil sa bahay at hinahanap ako. Kahapon nga lang daw dumaan daw siya sa bahay at nag tanong kay nanay kung nasa bahay ako, hmmmp bahala siya sa buhay niyang mag habol sa akin, basta ako wala akong nagawang mali sa kanya, siya lang naman itong habol ng habol sa isang monster na katulad ko. Malinaw ang mga sinasabi niya sa akin noon na hindi siya mag hahabol at mag kakagusto sa isang katulad ko, ngunit anu itong ginagawa niya ngayon, araw araw akong pinupuntahan sa bahay para lang pabalikin ako sa mansiyon, asa pa siya. Inayos na ni nanay at tatay ang aming bitbitin, wala kaming sasakyan, kaya itong kalabaw ang ginagamit na sevice ni nanay at ni tatay para makarga lahat ng mga naharvest na gulay, marami rami din itong naharvest ng mga magulang ko, kawawa naman ang kalabaw, ito ang katuwang ng mga magulang ko kahit noon pa. Matagal na itong kalabaw namin nag iisa lang ito dati,dahil nanganak ng nanganak ito, dumami na rin siya ng dumami, ngunit dahil sa kahirapan untu unti namin naibenta ang mga ito, hanggang sa tatlo nalang ang natira,. ito na yong ginagamit ni nanay at tatay para mag buhat ng kanilang mga naharvest na mga pananim. Habang nag lalakad kami maraming naikwento si nanay sa akin, nagpapahiwatig lamang na matagal ko nang hindi nakabonding ang aking mga magulang. Noong nag aaral pa ako, sa mansiyon ako namalage, pagkauwi galing sa skwela, diretso sa mansiyon ang aking destinasyon kailangan kasi ako lage ni senyora, minsan pag hindi ako makapasok mag papatawag si senyora ng tutor para ipaliwanag ang lesson ko sa araw na lumiban ako, para hindi ako mahuli sa lesson at hindi na rin ako mag hahabol. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa bahay, sa dami ng kwento ni nanay hindi ko na maalala yung iba doon,. Tinulungan ko muna sila nanay na mag baba ng mga na ani nila na mga gulay, medyo may kabigatan ngunit kaya naman buhatin. Nabanggit din ni nanay na madaling araw sila aalis ni tatay patungong palengke para ibenta ang mga naaning pananim. Nasabi ko rin kay nanay na sasama ako sa kanila, ngunit nag alangan si nanay baka hindi ko daw kayanin dahil alas dos ng madaling araw sila aalis, madami daw kasing namimili pag ganoong oras, paunahan na rin kasi mura lang pag ganoong oras. Buo na ang aking pasya na sasama ako sa kanila. Hindi na mag babago iyon, natapos na kami sa pag aayos ng mga kailangang dalhin para bukas. Nag pasya narin si nanay at tatay na matulog na, ganoon din naman ako inanantok na rin ako at sobrang pagod. Nag paalan na ako kay nanay at tatay na mauna na ako sa aking kuwarto at mag pahinga dahil madaling araw pa ang gising namin bukas. Kinabukasan, nagising ako sa katok ni nanay, ginising na niya ako dahil kailangan na naming umalis, dali dali akong tumayo at nag bihis ng isusuot papuntang palengke. nag hilamos nalang ako at nag toothbrush mamaya na ako maligo pag uwi namin galing sa palengke. Mahirap pala kapag ganito nagagahol sa oras si nanay at tatay dahil kalabaw lamang ang kanilang service, tinanghali tuloy kami, napaisip tuloy ako, na pag nagkatrabaho ako bibilhan ko ng sasakyan si nanay at tatay para hindi na sila mahihirapan pa at hindi gagahulin sa oras, katulad nito, mukhang abutin ata kami ng tanghalian. Pag dating namin sa palengke marami nang tao, nag uunahan sa pag pila ung iba naman, pinapakyaw nila dahil ibebenta din kasi nila, nakita ko si nanay Martha ang mayordoma ng namayapang si senyora.. Nakita din niya ako dito ang direksiyon niya sa kinatatayuan namin. namili na siya ng kanyang bibilhin halos lahat ng klase ng gulay binili niya. maraming naikwento si nanay Martha sa akin sa maikling panahon nang pag uusap namin. Naikwento din niya ang tungkol kay Aquil at kay madam na nag karoon ng hindi pag kakaunawaan.Nagagalit daw si Aquil dahil pumayag daw si madam na aalis ako sa mansiyon, simula daw noong umalis ako sa mansiyon hindi na ako nag pakita sa kanila dalawang linggo na rin ang nakalipas. Nag paalam na rin si nanay Martha, umiling na lamang ako tanda ng pag sang ayon, naikwento ni nanay martha na umalis na pala si ate allie at ang kanyang pamilya, bumalik na itong US kasunod na umalis ang pangatlong apo ni senyora, nandoon kasi ang mga ari arian ni senyora na pamana sa kanya si Arthur naman at Aquil ay nandito lang sa pilipinas ang mga ari arian na pinamana sa kanila ni senyora. Si madam Aurora ay babalik na din daw sa US sa mga susunod na araw, may inasikaso lang daw ito dito sa Pilipinas, kasama ang asawa nito.. Padami na ng padami ang mga tao na namimili dito mag liliwanag na rin naman, kaunti nalang ang paninda namin, nakakatuwa naman ang sarap sa pakiramdam nang ganito,maraming namimili ngayon narinig ko sa isang namimili, may fiesta sa kabilang baryo kaya pala siguro madaming namimili, may mamimili pa pinakyaw ang dalawang basket ni nanay.Naubos din ang paninda ni nanay at tatay kaya makakauwi na kami, bumuili na rin ng pag kain si nanay pang almusal, pag dating namin sa bahay nag almusal muna kami, tsaka gumayak na ulit papunta sa bukid. Nasabi ko na rin kay nanay na bukas na ulit ako mag hahanap ng trabaho, sa pag kakataong ito labas na sa baryo namin, sa kabilang baryo naman ako pupunta para mag hanap ng trabaho. Kinabukasan maaga aking gumayak, ang sinuot ko lamang ay isang simpleng navy blue dress na hangang tuhod, sa ilalim ay nag suot ako ng manipis na short. nag suot na rin ako ng blazer, na bumagay naman sa suot ko, nag flat shoes lang ako kulay black. Buong araw akong paikot ikot sa lugar limang kumpanya nilapitan ko ngunit ganoon parin ang nangyari hindi ako natanggap dahil kailangan maganda at presentable, sinipat ko ang aking relong pambisig, malapit na mag alas kuatro ng hapon, uuwi na naman ako na malungkot,. Pauwi na ako, mas maaga ngayon, ayaw ko kasing sumabay sa mga empleyado at estudyante, makikisiksik nanaman ako, marami pa namang malikot ang kamay, mahigit isang oras kalahati ang biyahe ko, maaga pa naman kaya dumaan muna ako sa puntod ni senyora. Bumili muna ako ng bulaklak at kandila sa gilid ng sementeryo, yung paboritong kulay ni senyora ang pinili ko, sinindihan ko na ang kandila at nilapag ang bulaklak, may fresh na bulaklak din ang nandito, sa tantiya ko ay kalalapag lang din nito, may bumisita ka senyora kaaalis lang.. Nakabukas ang card may nakasulat na letter maiksi lamang ito, hindi ko maiwasan ang macurious, aksidente ko itong nabasa. "lola pabalikin niyo po siya sa mansiyon miss ko na po kasi siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD