Chapter Nine

2475 Words
BAGO sila bumaba mula sa kotse ni Jester, hinawakan muna nito ng mahigpit ang isang kamay niya. Bago hinalikan nito ang likod ng palad niya. "Kamille, kahit na anong mangyari. Hindi kita iiwan. Nandito lang ako sa tabi mo." Sabi pa nito. Ngumiti siya, pagkatapos ay tumango. Hinalikan pa niya ito ng matagal sa labi. "Alam ko 'yon, that's why I'm so thankful." Sagot niya. "Are you ready?" tanong nito. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago sumagot. "Ready," aniya. Tatlong araw muna ang pinalipas ni Kamille bago siya kumilos. Pagkatapos ng mainit na komprontasyon nila laban kay Norris, at matapos niyang malaman ang tunay na negosyo nito at ng Daddy niya. Nag-desisyon na siyang kausapin ng personal ang Ama. Hindi man niya alam ang magiging resulta ng pag-uusap na iyon. Umaasa pa rin siya na maayos na ang hidwaan sa pagitan nila. Bilang Pulis ay pinayuhan sila ni Miguel na huwag agad magpakita sa bahay ng Daddy niya. Alam kasi nito na nakilala na ito ni Norris. Baka daw kasi mag-abang na ito doon at pigilan sila. Para makasiguro sa kaligtasan nila, nakasunod sa kanila si Miguel sa di kalayuan kasama ang isang kasamahan nitong Pulis. Bago siya bumaba ng kotse ni Jester. Napatingin siya sa malaking bahay nila. It used to be a happy home. Noong mga bata pa sila, natatandaan pa niya na palagi silang naglalarong magkakapatid sa bakuran ng bahay nila. Nang mga panahon na iyon, kahit na busy na noon ang Daddy nila. May panahon pa ito para makipaglaro sa kanila. Ngunit ng mas lumaki na ang negosyo nito, doon na ito nagsimulang magbago. Nawalan ito ng panahon sa kanila. At tila pera at negosyo na lang naging buhay nito. Hanggang sa tuluyan na nga nawala ang pagiging Ama nito sa kanila. Pagdating nila sa tapat ng gate nila, agad niyang pinindot ang doorbell. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi ng Mayordoma at Yaya niya, pagkakita sa kanya. Agad nitong binuksan ang gate at sinalubong siya ng yakap. "Naku naman, anak. Salamat at dumalaw ka! Halika, tumuloy kayo." Magiliw na pag-anyaya nito. "Si Daddy po ba nasa loob?" tanong niya. "Ay, Oo." Sagot nito. Hinawakan niya ang kamay ni Jester, saka sila pumasok sa loob ng bahay. Pagdating niya doon ay nakita niya sa sala na prenteng nakaupo ang Daddy niya sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. "Dad," tawag niya dito. Nakakunot ang noo na lumingon ito sa kanya. Binaba nito ang binabasang dyaryo at tumayo mula sa pagkakaupo nito. "What are you doing here?" may bahid ng galit na tanong nito. "I'm here to clear up something." Sagot nito. Hindi ito sumagot, bagkus ay lumipad ang tingin nito sa katabi niya, kay Jester. Pagkatapos ay sa kamay nila na magkahawak. "Sino siya?" tanong nito. "Dad, I want you to meet. Jester Labayne. He's my boyfriend." Pagpapakilala niya dito. "Good Afternoon, Sir." Magalang na pagbati ni Jester. Inabot nito ang kamay nito pero hindi nito tinanggap iyon. Hindi man lang nito tinignan iyon. "Lumayas ka dito para takasan ang kasal n'yo ni Norris, pagkatapos magpapakita ka na may kasamang ibang lalaki!" sigaw ng Daddy niya. "Noon pa man, Dad. Sinabi ko na sa inyong hindi ako magpapakasal kay Norris." Wika niya. "Kailangan siya ang pakasalan mo!" giit ng Daddy niya. Marahil ay narinig ang malakas na sigaw ng Daddy niya, kaya mula sa mga silid nito ay bumaba ang Ate Karmela at Mommy niya. "Kamille," anang Ate niya. "Bakit Dad? Bakit ba pinagpipilitan n'yo si Norris sa akin? Anong bang meron?" panghuhuli niya dito. Naging mailap ang mga mata ng Daddy niya. Tumingin ito sa ibang direksiyon. "Dahil hindi ko siya gusto para sa'yo!" "Wala akong ibang papakasalan kung hindi ang lalaking mahal ko!" pagtatanggol niya kay Jester. Binalingan nito ang nobyo. "Ikaw lalaki, layuan mo si Kamille. Hindi ikaw ang gusto ko para sa kanya! Kay Norris lang siya magpapakasal, wala ng iba!" sigaw nit okay Jester. "With all due respect, Sir. But I'm sorry, hindi ko po magagawa ang gusto n'yo. Mahal na mahal ko po si Kamille, at hindi ko kayang malayo sa kanya." Buo ang loob na wika ni Jester. "Mahal, kalokohan!" pambabara ng Daddy niya. "Tigilan n'yo na 'to Dad, hindi n'yo kilala si Jester. Wala kayong dahilan para tutulan ang relasyon namin." Pagtatanggol niya dito. "Hindi siya Chinese, at ang Chinese ay para lang sa Chinese." Katwiran nito. "Huwag n'yong gawing dahilan ang tradisyon, Dad. Hindi n'yo na kailangan pang magsinungaling sa akin. Alam ko na ang lahat!" sabi niya. Biglang namutla ang Daddy niya. "What's going on?" tanong ng Mommy niya. "You're doing an illegal business with Norris." Sabi niya sa Daddy niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo!" pagtanggi nito. "Huwag na kayong magkaila pa. Alam ko na ang totoong negosyo n'yo ni Norris. Drug Trafficking!" umiiyak na sigaw niya. Natutop ng Mommy niya ang bibig habang umiiyak. Ang Ate naman niya ay hindi halos makapagsalita sa gulat. "Noong mga panahon na halos bumagsak na ang negosyo natin sa pagkalugi, lumapit ka noon kay Norris para sagipin ang kompanya. At bilang kapalit sa hiningi mong tulong, makikipag-tulungan ka sa negosyo nila. Pinagamit mo ang isang warehouse para doon ibagsak ang mga drugs nila. Isa sa mga kapalit ng pagtulong niya sa'yo ang pangako mong ipapakasal ako sa kanya!" paglalahad niya. Hindi nakaimik ang Daddy niya. "And you agree to all his plans. Kahit na alam mong masisira ang buhay ko sa piling n'ya! Kaya ba kahit na anong gawin n'ya kahit na mali ay pilit kang sumasang-ayon dahil sunud-sunuran ka sa kanya? Dahil hawak ka niya sa leeg! Kaya ba noong pinatay nila si Adrian, wala ka rin nagawa? Dahil ayaw mo rin sa kanya! Kayo ang sumira sa buhay ko! Pinatay n'ya si Adrian, Dad! Pero mas pinaniwalaan mo siya! Kung hindi n'yo pinilit sa akin noon pa ang Norris na 'yon, baka nandito pa si Adrian hanggang ngayon!" sigaw niya. "Iniisip mo ba na pwede akong mapahamak kung siya ang papakasalan ko? Ha Dad? Bilang Ama ko, naisip mo ba ang kapakanan ko? Namin mga anak mo? Hindi na pamilya ang turing mo sa amin. Nagmistula na lang kaming mga display n'yo, huwag lang may masabi ang tao na may asawa't anak kayo. Dahil ang totoo, matagal na kayong hindi naging Ama at Asawa sa pamilya n'yo!" "Pinagmamalaki n'yo ang perang pinambubuhay n'yo sa amin, iyon naman pala. Galing sa masama!" galit na wika niya dito. "I'm sorry," usal ng Daddy niya. "Gusto ko lang malaman n'yo na alam na ng mga Pulis ang kalokohan n'yo ni Norris. Matagal na kayong under surveillance. Huwag n'yo na rin subukan pang tumakas o magtago. Please Dad, ayokong ako pa mismo ang magsuplong sa sarili kong Ama." Wika niya. Bago siya umalis, niyakap muna niya ang Ate niya at Mommy niya. "Bye Ate, Bye Mom. Uuwi na kami." Pagpaalam niya. "Hindi ka na ba babalik dito?" tanong ng Mommy niya. "Mas mabuti na po siguro ang ganito, okay na ako ng ako lang mag-isa. Masaya na po ako sa bagong lugar na tinitirhan ko. Don't worry about me, Mom." Sagot niya. Bago lumabas ng bahay ay muli niyang tinignan ang Daddy niya. Nakaupo na ito sa sofa at tila nawalan ng lakas. Habang tulala. "Sumuko na lang po kayo," sabi pa niya. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Pagdating sa loob ng sasakyan, doon niya binuhos ang lahat ng luha at sama ng loob. Ang masakit na katotohanan na gusto siyang ipambayad na utang ng loob ng sarili niyang Ama. Hindi na nito inisip ang kapakanan niya. Nang makaharap ang Daddy niya, hindi na niya napigilan isiwalat ang lahat ng sinabing impormasyon ni Miguel. Pagkatapos ng komprontasyon nila ni Norris sa Tanangco. Kinabukasan, binalita ng una na nakahanap na daw ang mga ito ng matibay na ebidensya laban kay Norris. Agad na naglabas ng warrant of arrest ang mga ito. At ayon na rin mismo kay Miguel, malaking posibilidad na balikan sila nito. Niyakap siya ni Jester. "I'm sorry, binastos ka ni Daddy." Hinging paumanhin niya dito. Inangat nito ang mukha niya pagkatapos ay pinunasan nito ang mga luha niya. Ngumiti ito pagkatapos ay umiling. "No, you don't have to apologize. I understand." Sagot nito. "Ngayon, alam ko na kung bakit ayaw na ayaw ni Dad kay Adrian at ginigiit niya sa akin si Norris. Dahil sa kasunduan nila sa negosyo. Pati ng mamatay si Adrian, mas pinaniwalaan niya si Norris." Sabi pa niya. Hinintay niyang sumagot si Jester. Ngunit nanatili itong tahimik. Nakatingin lang ito ng diretso sa labas, tila ba bigla itong nahulog sa malalim na pag-iisip. "Jester," pukaw niya dito. Bumuntong-hininga ito. Pero hindi pa rin ito lumilingon sa gawi niya. "Tell me, Kamille. Was this all about Adrian?" mahinang tanong nito. Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. "What?" balik-tanong niya. Umiling ito. "Never mind." Sagot nito. Pagkatapos ay tahimik nitong pinaandar ang kotse. At sa buong byahe nila, hindi na ito muli pang nagsalita. Hindi na rin niya pinansin ito, mas pinili na kasi niyang ipikit ang mga mata. Gusto niyang i-relax kahit panandalian ang isipan. Hindi biro ang problemang kinakaharap niya. Konti na lang, makakamit na ni Adrian ang hustisya. NAGULAT si Kamille, nang sa pagdilat niya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Adrian. Pinapanood siya nitong matulog, nang lumingon siya ay naroon sila sa park kung saan madalas silang pumapasyal. Maganda ang sikat ng araw, ang mga bulaklak sa paligid ay naglalaro sa kanilang mga sariling kulay. Ang malakas na ihip ng hangin ay parang yumayakap sa kanya, marahil kaya siya nakatulog habang nakaunan sa hita nito. "Masaya ako para sa'yo, Kamille. Huwag mo na akong aalalahanin pa." sabi Pa nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong pa niya. "Palagi mo akong kasama kahit saan ka pumunta, nakatago lang ako sa isang sulok na bahagi ng puso mo." Sagot nito. Pagkatapos ay unti-unti na itong naglaho sa paningin niya. "Adrian." TINUNGGA ni Jester ang natitirang laman ng hawak niyang bote ng beer. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim, at pabagsak na binaba niya ang bote sa ibabaw ng mesa. Naroon siya sa Groove Bar ng gabing iyon. Pag-uwi nila ni Kamille galing sa bahay ng magulang nito ay nagkayayaan naman silang magpi-pinsan na pumunta doon, ang Bar na pag-aari ni Karl. Habang nagkakasayahan ang mga ito sa dance floor kasama ang date ng mga ito. Siya ay naroon sa isang tabi, tahimik na umiinom. Pilit na nilalaban ni Jester ang luha niyang gustong bumagsak. Ayaw niyang umiyak sa lugar na iyon. Ayaw din niyang magpatalo sa sakit. At ang alak sa harap niya, hindi niya dinadaan sa inom ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib niya. Gusto lang talaga niyang libangin ang sarili. Pero kahit anong pilit niya ay kusang sumisiksik sa isip niya ang mga pangyayari kanina. Nang may sumungaw na luha sa isang mata niya, agad niyang pinahid iyon. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng sakit. Inakala niyang pumunta sila doon sa bahay ng mga magulang ni Kamille para maliwanagan ang pagkakasangkot ng Ama nito sa sindikato na nagbebenta ng bawal ng gamot. Pero ang naging sumatotal ng lahat. Hinarap ni Kamille ang Daddy nito dahil kay Adrian. Hanggang sa sasakyan ay si Adrian ang bukambibig nito. Nang makatulog ito dahil marahil sa emotional stress. Bago niya buhatin ito papasok sa bahay nito, dinig na dinig niya ang pagbanggit nito sa pangalan ng dating minamahal. O mas tamang sabihin na, minamahal pa rin hanggang ngayon. Sa isang iglap, hindi siya sigurado kung may lugar nga ba siya sa puso ni Kamille. Pakiramdam niya, si Adrian pa rin ang laman ng puso nito. Ayaw man niya aminin sa sarili, pero tila naging panakip butas siya. At kahit na anong ingay ng paligid dahil sa malakas na musika, pilit pa rin nagre-replay sa utak niya ang paulit ulit na pagbanggit ni Kamille sa pangalan ng nasirang kaibigan. At aaminin niya, nagseselos siya. "'Ter, ayos ka lang ba?" tanong ni Wayne sa kanya pag-upo nito. Tinignan niya ito bago tumango. "Yeah, I'm okay." Walang siglang sagot niya. "You don't look okay to me!" pasigaw na sabi ni Mark. "Was it about what happened this morning?" tanong pa ni Wesley. Muli ay bumuntong hininga siya. "I don't know. Maybe." Sagot niya. "Nag-away ba kayo? Binastos ka ba ng Daddy niya?" magkasunod na tanong ni Gogoy. "About her Dad, expected na namin 'yon. But it's more than." Aniya. "Then, what is it?" tanong din ni Daryl. "Dude, puwede mong sabihin sa amin. You know very well you can always trust us." "Hindi ako sigurado kung totoong mahal ako ni Kamille." Malungkot na wika niya. "What? Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ni Glenn. "The confrontation earlier made me realize na si Adrian pa rin ang mahal niya." sabi niya. "Jester, Adrian is dead. You are alive, Ikaw ang boyfriend." Komento naman ni Jefti. "Don't let your insecurities over power you." Payo naman ni Kevin. "I'm not insecure." Mabilis niyang sagot dito. "Then, bakit ka nagkaka-ganyan?" tanong pa ni Marvin. "Dahil hanggang sa panaginip si Adrian pa rin ang gusto niyang makasama." Nangingilid ang luhang sagot niya. Pagkatapos ay agad siyang tumayo at lumabas ng Bar. Dumiretso siya sa kotse niya at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Doon sa loob ng sasakyan niya, pinakawalan niya ang mga luha. Bakit nga ba palagi na lang siyang pangalawa? Ilang taon na ang nakakaraan ng mahalin niya ang isang taga-doon sa Tanangco. Inakala niyang pareho sila ng nararamdaman, pero mas pinili nito ang kababata nito. Naiwan siyang bigo at sugatan ang puso. Ngayon, sa pangalawang pagkakataon na kumatok sa puso niya ang tawag ng pag-ibig. Muli ay natuto siyang magmahal. Pero parang nauulit lang ulit ang nakaraan. Pangalawa na naman siya sa puso nito. Ang mas masakit pa dito, mas doble ang pagmamahal niya dito. Pinaramdam din ni Kamille na mahal siya nito. Pero bakit sa bandang huli? Mas matimbang pa rin dito ang taong wala na sa piling nito at hindi na kailan man magbabalik pa. Pagdating niya sa Tanangco, pinarada niya sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Kamille ang sasakyan niya. Mula sa loob ng kotse niya ay tinanaw niya ang bintana ng silid nito. Kinapa niya ang damdamin, kahit na masama ang loob niya dito. Naroon pa rin ang pagmamahal niya para dito, ang pag-aalala. Ang kasabikan niyang makita ito at malaman ang kalagayan nito. Kinuha niya ang cellphone niya at tinext niya ito. Ilang sandali pa ang lumipas, nakita niyang nagsindi ang ilaw sa sala. Binuksan nito ang pinto at lumabas ito. Pagbaba niya ng kotse, agad niyang sinalubong ito ng yakap. "Jester, are you okay?" tanong agad nito. "Shhh, don't talk. I just want us to stay this way." Sagot niya. "Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya. Bago pa niya masagot ang sumunod na tanong nito. Dumating ang taong ayaw niyang makita. Gaya ng dati kasunod nito ang mga alipores nito. Agad niyang tinago si Kamille sa likod niya. Binulungan niya ito at palihim na inabot ang cellphone niya dito. "Call my cousins, sabihin mo na umuwi sila agad." Bulong niya dito. Mabilis naman itong tumalima. Mula sa dalawang itim na sasakyan ay bumaba si Norris at ang mga tauhan nito. Agad na hinanda ni Jester ang sarili. Alam niyang sa pagkakataong ito, mapapalaban siya. Kahit na magulo ang puso't isip niya. Hindi siya papayag na mapasakamay nito si Kamille. Ipagtatanggol niya ito, kahit pa ang kapalit nito ay ang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD