“HALA! Bakit tumirik tayo?” naitanong na lamang ni Mikaela kay Kaison nang mapansin niyang huminto ang sasakyan. Napatingin si Kaison sa kanya na para bang nahihiya o nag-aalala, nakahawak pa rin ang dalawang kamay nito sa manibela. “W-Wala na tayong gas. Nakalimutan kong magpa-gas.” Pagkasabi ni Kaison niyon ay doon namutawi sa pagmumukha ng babae ang pag-alala. “Ha? Paano iyan? Mukhang malayo pa yata ang gas station dito, ’tapos parang malayo pa tayo sa may siyudad.” “Itutulak ko na lang ang sasakyan sa gilid ng kalsada at makisakay tayo rito para makapunta sa malapit na gasolinahan.” Nawala sa mukha ni Mikaela ang pag-alala sa nasabing desisyon ni Kaison. Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon at walang naisalita man lang. Bababa na sana ang binata ng sasakyan nang bigla itong

