BALOT sa kasiyahan ang mukha ni Kaison habang patuloy siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Ni hindi pa sila nakararating sa Tarlac ay hindi na sumagi sa isipan niya ang ma-bored man lang dahil sa kasamang babae. Kung tutuusin ay taliwas sa paniniwala niya na hindi ito palasalita. Dahil ang totoo niyan ay sobrang daldal ni Mikaela na animo’y parang nagpapaganda pa yata sa kanilang biyahe, na hindi naman niya pinagsisisihan kung bakit niya ito isinama. Sabagay, mabuti na lang ay isinama niya si Mikaela para naman may makausap siya. Kapag siya lang siguro ang bumabiyahe ngayon patungong Baguio, baka mamamatay na siya sa sobrang bagot ng biyahe. Isama pa na nagkaroon siya ng lagnat kahapon. “Siya nga pala, matanong nga kita, puwede?” tanong ni Mikaela sa lalaki habang busy ito kakaalis ng

