Chapter Five

1699 Words
“KAISON, we need to go! Quick!” Hindi maiwasan ni Kaison na magtaka at magulat sa sinabi ni Kashton sa kanya. Napapansin niyang nababahala ito ngayon. “Bakit?! Ano’ng nangyayari?” naisipan pang tanong ni Kaison sa lalaki. At sa puntong iyon, sabay silang dalawa na napalingon sa gawing pinto dahil nakarinig sila ng kumusyon sa labas ng hospital. Namutawi ang kaba sa puso ni Kaison. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas. “Bilis! Kailangan mong umalis dito! Kailangan mong tumakas!” naiinip na saad pa ni Kashton sa kanya. Sa tono ng boses pa lang nito ay parang may kinalaman ito sa nangyayaring gulo sa labas ng hospital. Naguguluhan si Kaison sa kanyang kinatatayuan. Nagsisimula na siyang mabahala. Napatingin muna siya kay Mikaela na natatakot na rin sa nangyayari. Napatayo na nga ito sa pagkakaupo sa kama dahil sa curiosity. “Ano’ng meron? Saan ako pupunta?!” “Tumawag sa akin si Daddy. Kailangan kitang protektahan dahil pinaghahanap ka ng mga tauhan ng ama mo. Delikado kung uuwi ka sa inyo. Kailangan mong tumakas. Kailangan mong magtago. Dapat hindi ka matunton ng mga tauhan ng ama mo rito at baka kung ano pa ang gawin nila sa iyo.” Parang hindi kaagad rumehistro sa utak ni Kaison ang pinagsasabi ng pinsan sa kanya. Mas nananalantay sa kanyang katawan ang takot sa masamang balita nito. Pinapahanap siya ng mga tauhan ng kanyang ama. Ibig sabihin ay nalaman na nito na naglayas siya. At sa pagkakataong ito, kapag nagpakita siya sa mga tauhan ng ama ay alam niyang hindi lang bugbog ang mapapala niya. Iba mag-isip si Henry para kay Kaison. Hindi ito tao para sa kanya kundi halimaw na nabuhay sa pagiging brutal. Kung ano ang gusto nito ay iyon ang masusunod. At sa tono ng pananalita ni Kashton sa kanya, parang hindi yata maganda kung uuwi muna siya sa kanila. Saka kilala niya ang mga tauhan ng kanyang ama. Sa hitsura pa lang ng mga ito ay parang inensayo na ang mga ito upang pumaslang ng tao. “Saan ako pupunta?” nag-aalalang tanong ni Kaison. “Hindi naman puwede na sa condo mo ko tumira at baka hanapin din ako roon ng mga tauhan ng daddy ko.” “Here, take this.” May iniabot na isang papel si Kashton sa kamay niya. Tiningnan niya ito at may nakasulat doon na address. “Pumunta ka sa Baguio. May ancestral house si Mommy roon na pinamana sa kanya. Puwede ka roon magtago muna pansamantala. Tatawagin ko rin si Mang Kaloy na darating ka at kakausapin ko na rin siya tungkol sa kalagayan mo. ’Wag kang mag-alala. Matagal ng caretaker si Mang Kaloy sa ancestral house namin sa Baguio. Safe ka roon. Puwede kang magtago.” “P-Pero . . . teka . . . naguguluhan ako, Kashton. Paano ka? Baka hanapin ka ng mga tauhan ni Daddy. Baka kung ano pa ang masamang mangyari sa iyo.” “Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa akin. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan mo. Naiintindihan mo ba ako?” Walang salitang tumango si Kaison bilang sagot sa tanong ni Kashton sa kanya. “Maghanda ka na. Sisilip lang ako sa labas. Titingnan ko kung ano’ng meron doon.” Tumalikod si Kashton at tumungo sa pinto ng kuwarto. Nagmamatiyag na sumilip pa ito habang si Kaison naman ay napatingin lang kay Mikaela na hindi niya namalayang nakatayo na pala sa kanyang likuran. Nababahala rin ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Hindi maintindihan ni Mikaela kung ang nangyayari sa kaharap. “I think this is the time that I will say goodbye to you, Mikaela. Ipapaubaya kita kay Kashton. Ako ang bahala sa mga gagastusin mo rito sa hospital. Don’t worry about—” Pinutol naman ni Mikaela ang pagsasalita niya. “Aalis ka?” Hindi maintindihan ni Kaison na tumango sa saad ni Mikaela. Sa tingin pa lang nito ay parang may kung ano’ng iniisip ito ngayon. “Bakit?” tanong niya sa babae. Kumunot pa lalo ang noo ni Kaison nang hawakan siya ng babae sa kanyang kanang kamay. Para itong nagmamakaawa sa kanya. “Puwede bang sumama sa iyo?” Mas lalo pa yatang naguluhan si Kaison sa sinabi nito. “Sasama ka? Bakit? Mapanganib. Hindi mo kilala ang ama ko. Nakasasama sa iyo na sumama ka sa akin.” “Wala sa akin iyon. Gusto kong sumama sa iyo. Nang marinig ko kayo ng doctor mo kanina na nag-uusap tungkol sa paglalayas mo, naisip ko na pareho tayo ng sitwasyon ngayon: walang mapupuntahan at walang matitirhan. Pareho lang tayong umalis sa poder ng pamilya natin. Kaya nagmamakaawa ako sa iyo. Wala na talaga akong ibang mapupuntahan o matatakbuhan. Ayoko naman na magpalaboy-laboy na lang sa kalsada. Please . . .” “Mikaela . . .” “Please . . . Nagmamakaawa ako.” Pinagdaop pa ng babae ang dalawang kamay niya at lumuhod sa harapan ng lalaki. “Please, isama mo ako kung saan ka man pupunta. Wala na talaga akong mapupuntahan pang iba. Ikaw lang ang tanging pag-asa ko,” mangiyak-ngiyak pa nitong pagmamakaawa sa harapan niya. Hindi maintindihan ni Kaison ang kanyang nararamdaman nang tingnan niya ang mga mata ng dalaga. Parang may kung ano’ng bumaon sa kanyang puso kung bakit biglang nakaramdam na naman siya ng awa rito. Nagdadalawang-isip siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging desisyon niya. Kung isasama niya ito, marahil ay madadamay talaga ito sa gulong nangyayari sa buhay niya sa pagitan ng kanyang ama. At kung hindi naman niya ito isasama, paniguradong wala itong mauuwian. Paniguradong magpapalaboy-laboy ito sa kalsada. Delikado iyon para kay Mikaela since mag-isa lang ito at dagdagan pa na buntis ang babae. Napalunok si Kaison, saka napabuntong-hininga. Sige na. Natalo siya sa nararamdaman niyang awa. Isasama niya ang babae. Isasama niya si Mikaela kung saan man siya pupunta. Dahan-dahan na tumango ang binata para ibigay ang kasagutan sa babae na pumapayag siyang isama ito. Nakita ni Kaison kung paano sumilay sa mukha nito ang saya na nagbigay rin yata sa kanya ng ligaya sa puso. Ewan. Nang makita niya, sa unang pagkakataon, na ngumiti ang babae sa kanyang harapan ay parang abot langit na rin ang tuwa niya. Napailing siya at sinubukang alisin ang nararamdamang iyon. Hindi muna siya dapat maging masaya dahil may problema pa siyang kinakaharap sa pagitan ng kaniyang ama. “Salamat talaga, ah.” Dahil sa sobrang kasiyahan, nagdikit ang kanilang katawan sa isa’t isa. Halos talunin na ni Mikaela ang katawan ni Kaison upang salubungin ito ng nakagagalak na yakap. Hindi naman nakakilos kaagad si Kaison nang yumakap sa kanya si Mikaela. Para siyang naging bato sa kanyang kinatatayuan dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na yakapin siya ng isang estrangherong babae sa buong buhay niya. Tila lumalakas yata ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya iyon mapigilan. Ang tuwa at saya na gusto niya sanang pawalain sa kanyang katinuan ay hindi iyon nangyari. Kusa pa iyon kumalat sa buo niyang katawan, na sanhi upang bumilis pa yata ang t***k ng kanyang puso. Pero nang mapansin ni Mikaela ang sarili niya na nakayakap sa lalaki ay siya ring naiilang na pumutol niyon at napatungo ng ulo. Hindi niya sinasadya iyon. Nadala lang siya sa tuwa kaya niya niyakap si Kaison. “I’m sorry,” pagpapaumanhin pa ni Mikaela. Hindi ito makatingin ng maayos kay Kaison. “Wala iyon. Nothing to be worry about.” “M-Mag-aayos lang ako ng mga gamit ko.” Tango lamang ang isinagot ni Kaison at dali-dali na siyang naglakad papunta sa kama, isinara ang malaking kurtina upang makapagbihis na ng damit. Kahit basa pa iyon dahil nga sa nabasa siya ng ulan kanina ay wala siyang choice kundi suotin ulit iyon. Sa kabilang dapit ay lumapit naman si Kashton kay Kaison. Kagagaling lang nito sa labas upang tingnan ang nangyayaring kaguluhan doon. “False alarm. Akala ko kung ano na. May isang grupo ng mga pasyente na kritikal ang kalagayan. Nabangga ang sinasakyan ng mga ito. Kailangan kong pumunta sa emergency room para tulungan ang ibang doctor. Makasisigurado ba ako na kaya mong makaalis sa hospital na ito, Kaison?” Tumango siya. “Oo. Ako na ang bahala.” “Good. Mas mabuti pang umalis ka na rito hangga’t maaga pa, hangga’t hindi ka pa natutunton ng mga tauhan ng ama mo.” Muli siyang tumango. “I will. Salamat, Kashton.” Naramdaman ni Kaison na tinapik lang siya ng pinsan niya sa kanyang balikat. “Siya nga pala, isasama ko si Mikaela.” “What? Bakit?” gulat na gulat ang mukha nito nang aminin niya sa pinsan na isasama niya ang babae. “I have my reason. Kung okay lang sa iyo.” “Hindi na talaga ako maniniwala sa iyo na walang koneksyon ang babaeng iyan sa iyo. Pero sige. Kung iyan ang gusto mo. Hindi kita tatanggihan.” “Salamat.” “Umalis na kayo. Bilis!” At sa puntong iyon, hindi na nga napigilan pa nina Mikaela at Kaison ang gusto nilang mangyari. Dahan-dahan pa silang lumabas ng kuwarto at pinagmamasdan ang paligid kung may sinyales ba ng mukha ng mga tauhan ng ama ni binata. Kilala na ni Kaison ang mga tauhan ng ama kaya alam niya ang tinitingnan niya sa paligid. Nang makasiguradong safe ang labasan ng hospital, kalma ngunit mabilis na magkahawak ang kamay na naglakad ang dalawa patungo sa labasan ng hospital. Tumungo sila sa dalang sasakyan ni Kaison na naka-parking lang sa labas ng gusali. Mga ilang segundo ang nakalilipas, natagpuan na nila ang kanilang mga sarili na nilalakbay ang highway papuntang norte. “Saan nga pala ulit tayo pupunta?” Narinig niyang tanong ni Mikaela habang nakatuon ang tingin nito sa bintana ng sasakyan. “Sa Baguio.” “First time kong makakapunta riyan. Balita nila ay malamig daw at maganda sa Baguio.” “Really? Mukhang pareho tayo. I’ve never been to Baguio. Pero alam kong magugustuhan mo ang lugar na iyon. Ah, hindi pala. Magugustuhan natin ang lugar na iyon, Mikaela. I’m sure we will.” Bumalot ang saya sa mukha ni Kaison. Ngunit naroon pa rin sa kanyang agam-agam ang pag-aalala sa nangyayari sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD