Wala si La Fiona sa sarili habang nakasakay sa sasakyan ni Elyes. Pagkatapos niyang kumain, kaagad silang umalis sa restaurant. Laman pa rin ng isip niya ang sinabi ng binata sa kaniya na halos sumabog ang puso niya sa lakas ng kabog. Yes, I am. I'm crazy in love with you. Her heart pounded again. He really said that! Hindi niya iyon basta guni-guni lang. She really heard him say it and she couldn't even make herself to reply because of too much pounding of her heart. Pero kahit gusto pa niyang marinig ulit na sabihin iyon ng binata, hindi na nito inulit iyon hanggang sa matapos siyang kumain. Malakas siyang bumuntong-hininga saka bumalik sa kasalukuyan ang isip ng maramdamang tumigil ang kinalululanang sasakyan. Kumunot ang nuo niya ng makitang nasa labas sila ng condominium building

