NATAGPUAN NI LA FIONA ang sarili sa rooftop ng bahay ni Elyes. Doon siya dinala ng mga paa niya nang gustuhin niyang makasagap ng sariwang hangin. At nang maramdaman ang malamig na simoy niyon, niyakap niya ang sarili habang pinagmamasdan ang kalangitan na malapit nang magtakip-silim. Isang araw na rin pala ang lumipas mula nang mangyari ang kaguluhan kahapon. It had been a very terrifying day for her. Kailangan niyang maging matapang para hindi siya maging problema ng iba. Ayaw niyang maging pabigat. Nang mapagod siya sa kakatayo sa rooftop, maingat siyang naupo sa gilid niyon at hinayaang nakalaylay ang paa niya at paminsan-minsan ay pinapatama niya ang sakong ng paa sa sementong kinakaupuan. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakaupo sa gilid ng rooftop nang may tumabi ng up

