Kabababa pa lang ni La Fiona mula sa kuwarto niya nang marinig niya ang pang-iingay ng doorbell nila. Hindi pa niya naayos ang sarili maliban sa nag-toothbrush at naghilamos pagkagising. Buhaghag pa rin ang buhok niya at naka-pajama pa nang buksan niya ang pinto, sa isipang ang kapitbahay niya iyon at magbibigay na naman ng chocolate cookies—pampahilom daw sa nasugatan niyang puso. Hindi gumana ng maayos ang utak ni La Fiona nang pagbuksan niya ng pinto si Elyes. Mabilis sanang isasara niya iyon, pero naunahan siya nitong ilagay ang paa sa pinto para hindi sumara.
"f**k! Ouch!" Hiyaw ni Elyes nang maipit ang paa nito sa pinto.
Sa halip na maawa sa binata, inirapan pa niya ito. "Ang arte naman nito. Naipit nga lang, e. Saka naka-sapatos ka naman."
Masama ang tingin nito sa kanya. "Ikaw kaya ang ipitin ang paa gamit ang pinto?" Napamura ulit si Elyes at sinipa-sipa ang paa para mawala ang sakit. "Bakit sa mga pelikula, kapag ginagawa ito ng bidang lalaki, hindi siya nasasaktan?"
Doon siya natawa. "Really, Elyes? Sa tanda mong 'yan, nagpapaniwala ka pa rin sa mga nakikita mo sa pelikula na puro kasinungalingan?"
Nagkibit-balikat ito. "Some of them are true. Anyway." Itinaas nito ang mga kamay na may bitbit na paper bags. "I brought breakfast."
Sumama agad ang timpla ng umaga niya. "Puwede ba, Elyes, huwag kang magdala ng pagkain dito sa bahay. On diet ako."
Elyes tsked. "Alam mo bang nag-effort ako na bilhin ito?" Bumagsak ang balikat nito. "Ang sarap pa naman ng dala ko. Cinnamon flop coffee cake, mashed potato pancakes, peanut butter chocolate chip muffins, and very perfect waffles. And then I bought latte, espresso, piña colada smoothie, pink lemonade, and Hawaii twist. Ikaw na lang mamili kung alin ang sa'yo."
Naglaway ang bagang ni La Fiona nang marinig ang mga pagkain na pinagsasasabi ni Elyes.
"Tigilan mo ako, Elyes," mariin niyang sinabi, pero sa totoo lang, natatakam na siya.
Ngingisi lang si Elyes at nanu-nudyo ang mga mata. "Kakain na 'yan. Kakain na siya. Yes! Hindi masasayang ang effort ko."
Inirapan niya ito at binuksan ng malaki ang pinto. "Siguraduhin mo lang na masarap 'yan."
Inilipat ni Elyes ang hawak na paper bag sa isang kamay at parang nanunumpa na itinaas ang isa pa. "I swear, masarap siya. Itinataya ko ang p*********i ko rito."
Bumaba ang tingin niya sa p*********i nito. "Ano naman ang gagawin ko riyan?"
Achilles grinned, naughtily. "Kahit ano basta masarap."
Namula ang pisngi ni La Fiona at akmang susuntukin na sana niya si Elyes, pero naalala niya ang sinabi nitong halik kapag naging violent siya.
Ngumiti ng maloko si Elyes. "Go on," hamon nito sa kanya. "Punch me." Inisang hakbang nito ang pagitan nila. "One violent move, one kiss."
Hindi puwede! Baka kung saan na naman mapunta ang simpleng halik na 'yon. "Pumasok ka na bago magbago ang isip ko at ihampas ko ang pinto sa mukha mo," inirapan niya ito at tinalikuran.
Babalik sana si La Fiona sa kuwarto para ayusin ang sarili nang pigilan siya ni Elyes.
"Hey! Where the hell are you going?" tanong nito, parang natatakot na umalis siya.
Humarap siya rito. "Magbibihis ako at mag-aayos. Nakakahiya naman sa'yo dahil mukha akong engkanto na kaharap mo," sarkastikong sabi niya.
Elyes rolled his eyes. "Okay na yang mukha mo. Wala namang magbabago."
Parang may karayom na tumusok sa puso niya dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba—
"Maganda ka pa rin naman kahit ganyan ang itsura mo," dagdag nito, na biglang ikinabilis ng t***k ng puso niya.
"Nasaan ang kusina niyo?" tanong ni Elyes, naputol ang silence nang hindi siya nagsalita at nakatitig lang dito.
Wala sa sariling naglakad si La Fiona patungo sa kusina, nasa isip pa rin niya ang mga sinabi ni Elyes. Bakit ba ito ganito? Why was he making her heart thump like crazy?
Pagdating sa kusina, inilapag ni Elyes ang mga pagkain sa hapag-kainan.
"Masarap ang mga ito," ani Elyes, pinaghugot siya ng upuan. "Sit here."
Umupo naman si La Fiona at excited si Elyes na inilagay ang mga pagkain sa harapan niya.
"This is delicious." May inilapag itong Hawaii twist sa harapan niya. "It's pineapple, banana, and coconut mixed together." Umupo ito sa tabi niya at ini-umang sa kanya ang peanut butter chocolate chip muffins. "Bite. Masarap 'yan."
Naguguluhang binalingan ni La Fiona si Elyes. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano ba ang kailangan mo sa'kin, Elyes? Because honestly speaking, I have nothing to give. At kung s*x naman ang habol mo, naibigay ko na 'yon sa'yo at sigurado ako na maraming babaeng pipila para makipag-s*x sa'yo."
Matiim siyang tinitigan ni Elyes. "Kung ano man ang kailangan ko sa'yo, alam kong hindi mo pa kayang ibigay ngayon."
"Ano nga?" pangungulit niya.
Biglang nawala ang kaseryosohan sa mukha ni Elyes at ngumiti ito. "Nothing. Wala 'yon. Don't mind me. Kumain ka na. Papasok ka pa sa restaurant, 'di ba?"
Tumango siya saka ibinuka ang bibig para kumagat ng muffin. Napapikit siya sa sobrang sarap nito. The taste exploded in her mouth and she couldn't help but moan. "Ang sarap."
Nang magmulat siya ng mga mata, inuubos na ni Elyes ang muffin na kinagatan niya.
"Mukha kang matakaw, alam mo 'yon?" aniya.
Elyes chuckled as he looked at her. "Yes. I love food."
Habang sumisimsim ng hawaii twist, napatingin siya sa matitipuno nitong braso. "Bakit macho ka pa rin?"
Elyes stilled then grinned mischievously. "Talaga? Macho ako?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Ako ba ang pinagloloko mo?" Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt nito at itinaas iyon. "Look at that abs..." Her voice faded away when she saw Elyes's ripped abdomen.
Lihim siyang napalunok.
Damn! Bakit naglalaway ang bagang ko?
And then Elyes's baritone voice filled her ears. "Take a picture, it'll last longer."
Namula ang pisngi niya at mabilis na ibinaba ang t-shirt nito. Walang imik na pinagpatuloy niya ang pagsimsim ng hawaii twist. Alam niyang nakatitig sa kanya si Elyes dahil nararamdaman niya ang mga mata nito sa kanya.
"Heto pa, oh." Boses iyon ni Elyes sabay umang ng mash potato pancake sa bibig niya. "Masarap 'to."
"Parang ikaw, masarap."
Nanlaki ang mga mata niya at napabaling sa katabi. Big mistake. Naroon ang mga labi nito na hinihintay ang mga labi niya.
When their lips met, napaigtad siya sa gulat at mabilis na inilayo ang mga labi rito.
"Sorry. I didn't mean to—"
"It's okay." Desire glimmered in Elyes's eyes. "You can kiss me anytime."
Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Ano daw? She could kiss him anytime? Siya na isang ugly, fat duckling okay lang na halikan ito?
Elyes winked at her and continued eating like nothing happened. Siya naman ay parang tinatambol ang puso niya sa lakas at bilis ng t***k niyon.
Nagpapasalamat si La Fiona na walang sexually related na nangyari sa kanila ni Elyes habang nag-aagahan sila. Para kasing hindi niya makontrol ang sarili kapag malapit lang sa kanya ang binata kaya naman gusto niyang umiwas dito para hindi na maulit ang nangyari kagabi. Yes, it was so pleasurable but 'till when? Alam niyang tulad ng ibang lalaki, aalis din ang binata sa buhay niya.
"Sige na. Umalis ka na," pagtataboy niya sa binata para itago ang tunay na nararamdaman.
Sa halip na lumabas ng bahay niya, nginitian siya nito. "Maligo ka na. Ihahatid kita."
Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?"
"Ihahatid kita sa restaurant kaya maligo ka na."
Hindi na siya nakipagsagutan kay Elyes. Nasisiguro naman niya na hindi ito seryoso na ihahatid siya. Naiiling na umakyat siya sa hagdanan patungong second floor ng bahay nila. Hanggang sa makapasok siya sa banyo ng silid niya at makaligo ay laman pa rin ng isip niya si Elyes.
Iniisip niya na nakaalis na ngayon si Elyes. Alam naman niyang nagbibiro lang ang binata na ihahatid siya. He was not actually serious, right? Si Kyle nga na hindi naman kaguwapuhan ay nahihiya at napipilitan lang na ihatid siya sa restaurant.
Looking back.... ngayon lang niya naisip ang mga negatibong gawain noon ni Kyle na hindi niya napapansin dahil bulag siya sa pagmamahal sa binata. Nasaktan pa rin siya sa panloloko nito sa kanya pero kahit papaano ay nabawasan na ang sakit. Minahal niya si Kyle ng buong puso sa loob ng dalawang taon kaya nasaktan siya sa panloloko nito.
Nang makalabas siya ng banyo, ang napili niyang isuot ay simpleng jeans at white t-shirt tapos pinaresan niya iyon ng flat shoes. Inilugay lang niya ang mahaba at wavy niyang buhok.
Inaasahan talaga ni La Fiona na umalis na si Elyes, kaya naman nagulat siya nang makitang komportable itong nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya.
"Nandito ka pa?" manghang tanong niya.
Bumaling sa kanya si Elyes at ngumiti ito. "Well, hello there, gorgeous."
Inirapan niya ito. "Sige, mambola ka pa."
Tinawanan lang siya ni Elyes at nauna na itong lumabas ng bahay.
Nang mai-locked niya ang pinto, nilampasan lang niya ang nakaparadang kotse. Ang totoo, masaya siya na ihahatid siya ni Elyes. Natutuwa siya ng may lalaking nagbibigay sa kanya ng atensiyon. Sino ba ang hindi? Elyes seemed like a nice guy. Sana talaga tama ang obserbasyon niya sa pag-uugali nito.
Masaya rin siya kasi dahil kay Elyes kahit papaano, nawawala ang sakit sa puso niya na dulot ng panloloko ni Kyle sa kanya.
At isa pa, sino siya para tanggihan ang offer ni Elyes? Sa Ducati siya sasakay! Yes! Sa wakas. Makakasakay na rin siya ng Ducati! Dream come true!
La Fiona was grinning as she walked towards Elyes's Ducati.
"Come closer," ani Elyes na nakasakay na sa motor at hawak na ang manibela.
Lumapit naman siya rito.
Isinuot nito ang helmet sa ulo niya. "For protection." Tinapik nito ang leather seat ng motor. "Sakay na, La Fiona."
Na-i-excite siya na sumakay at humawak sa magkabilang balikat ni Elyes. Nagsuot din muna ng helmet ang binata bago pinaandar ang motorsiklo patungo sa restaurant.