Chapter 6

1137 Words
NANG makarating sa bahay niya sa Bachelor's Village si Elyes, nakatanggap siya ng tawag mula sa ina niya na nasa Greece. Kaagad niya iyong sinagot. "How are you, mitéra?" ( Mitéra meant mother.) "I'm good, son," sagot ng ina niya. "Anyway, how is she? Did you already make a move? I told you to make it fast, my son. Always fight. Conquer!" Natawa siya sa pinagsasabi ng ina niya. "Mother, everything is going smoothly." "Oh yeah? If you need my aid, just tell me. Okay?" His mother offered. "I will gladly offer our house jewelries." "Mom," sansala niya sa ina. "It's fine. You don't need to do that." "Well, you are the prince of the House of Kostas—" "Mom. Stop it," pigil niya sa iba pang sasabihin ng ina. "I already turned my back from that title. I am no prince of any house. I'm just plain me. I'm just Elyes Williams—" "No!" May talim ang boses ng ina niya. "You are Elyes Kostas Williams. You are Greek, American, and Filipino combined but that doesn't stop you from being the prince of the Royal House of Kostas." He rolled his eyes. Kaya nga siya humiwalay sa poder nito dahil ayaw niya sa mga royalty-royalty na iyan. Ang Kostas family ay kasali sa mga Royal Houses na nabubuhay at kilala pa rin hanggang ngayon sa Greece kahit wala na sa kapangyarihan. The Royal House of Kostas, his family, was one of the oldest and richest Royal House in Greece. Nang mag-divorce ang mga magulang niya, siya ang unang nahirapan. His father never settled down in one country. Minsan nasa America ito, minsan nasa Pilipinas at pinapalaganap ang negosyo nitong Ztate Trend Magazine na ngayon ay kilala na at nagdi-distribute sa buong Asya at Amerika. Siya na ang may hawak niyon dahil matanda na ang ama niya at nasa bahay na lang nila ito sa New Orleans at nagpapahinga. Elyes spent his teen years in his mother's care. Pero nang mag-eighteen na siya at nag-aral sa Stanford Academy, doon na siya namalagi sa poder ng ama niya na tinuruan siyang mag-Tagalog. "Mom, I'm good." "Are you sure?" Malakas siyang napabuntong-hinga. "Yes. Very sure." "Okay. Call me when you need anything, my son," anito at nagpaalam na. Parang na-drain ang lahat ng energy niya dahil sa pakikipag-usap sa ina. She always wanted him to be proud of his title. Ilang ulit na ba niyang tinanggihan ito pero mapilit ang ina niya. Pero kahit ano pang pamimilit ang gawin nito sa kanya, hindi na talaga siya babalik sa poder nito. Tamang-tama naman na katatapos lang nilang mag-usap ng ina, nang tumawag ang sekretarya niya sa main office ng State Trend Magazine na nasa California. Sinagot niya ang tawag. "Yes?" "Boss, I just received an e-mail from L.A. Couture, one of the famous couture houses in California. They wanted *State Trend Fashion Magazine* to feature their upcoming fashion gala. They know that Chix Fashion, their main competitor, is also contacting us, so they are willing to pay triple just to be featured. And then Global Financial just contacted the office a while ago. They want ten pages on State Trend Business Magazine. They are big clients, sir." Hinilot niya ang sentido at napabuntong-hinga. "I'll be there." "Okay, boss. Should I invite them for a meeting?" "Yes, please." "Copy." Nang mawala ang sekretarya sa kabilang linya, kaagad niyang tinawagan si Cade, ang may-ari ng AirJem Airlines. "Hey, Cade," aniya sa kabilang linya. "Can you ready my plane?" "Ano tingin mo sa akin?" sikmat ni Cade sa kanya. "Assistant mo? Idiot." Natigilan siya nang bigla nitong patayin ang tawag. Pero pagkalipas ng ilang segundo, nakatanggap siya ng text. Galing iyon kay Cade. The plane is ready, Williams. - Cade Napangiti siya at napailing-iling. Si Cade na ang taong palaging tinatago ang nararamdaman sa personal man o tawag. Pero para sa kanya, ito ang pinakamabait sa lahat ng kaibigan niya. Palagi lang magkasalubong ang kilay nito at bilang lang kung ngumiti sa isang taon, pero mabait ito. Mabilis siyang naligo, nagbihis, at lumabas ng bahay. --- ELYES stopped his Ducati in front of Zion's house in Bachelor's Village. Mula sa bahay ni La Fiona De Guzman, dito siya tumuloy. Hindi pa siya nagdo-doorbell ay bumukas na ang pinto. Nagsalubong ang kilay niya nang wala siyang makitang tao sa pinto. Napailing-iling na lang siya nang maisip na baka remote controlled ang pinto. It was ZION's house after all. Nang pumasok siya sa loob ng bahay, nakita niya si Zion na nakaupo sa couch sa harap ng seventy-two-inch na TV. "Lazy bastard," natatawang sabi niya at umupo sa sofa katabi ng couch na kinauupuan ni Zion. "Kailan pa naging remote-controlled ang pintuan ng bahay mo? Last time I came here, wala pa 'yan." Nagmamalaking ngumisi si Zion. "Matagal na akong talented, Williams, kaya huwag ka nang magulat." "You are a dipshit." "Whatever." Pinahina nito ang volume ng TV. "Anong kailangan mo?" Sumandal siya sa likod ng sofa bago sinabi ang pakay niya. "I need you to do a background check for a guy named Kyle." "Williams, alam kong abot-langit ang talentong taglay ko, pero maraming Kyle sa mundo. Baka naman uugod-ugod na ako bago ko siya mahanap." Puno ng sarkasmo ang boses nito. Umikot ang mga mata niya. "Hindi ko alam ang apelyido niya. He is La Fiona De Guzman's ex-fiancé—" Napatigil siya sa pagsasalita nang mahinang tumawa si Zion. Umiling-iling ang singkit niyang kaibigan. "Sabi ko na, e. Woman problem again. Pagkatapos ni Hiro, ikaw naman." Natatawang tumingin ito sa kanya. "Mahal ang serbisyo ko, Williams." "Name your price," Elyes said with a shrug. Zion grinned. "I have a mansion in Las Vegas worth five million dollars." Parang hinahamon na tumaas ang dalawang kilay nito. "Is she worth five million dollars?" Elyes thought of her and a smile drew on his lips. "She's worth more than that." Napailing-iling si Zion. "Mukhang magiging kasapi ka na rin sa kulto ni Tyron." Mahina siyang natawa at tumayo. "Hihintayin ko ang impormasyong kailangan ko." Naglalakad na siya patungo sa pinto nang magsalita si Zion. "Anong gagawin mo kay Kyle kapag nakuha mo na ang impormasyong kailangan mo?" His face turned deadly serious and his eyes darkened. "Magdasal lang siya na wala siyang importanteng negosyo na bumubuhay sa kanya dahil sisiguraduhin kong hindi na siya makakabangon kapag natapos ako sa kanya." Ilang segundong natahimik si Shun bago nagsalita. "s**t, man. You're scary." Elyes lost his serious face and smiled at Zion "Well, my mom named me Elyes for a reason." Bumuga ng hangin si Zion at umiling-iling. "Buti na lang pala kaibigan kita." Ngumiti siya at lumabas ng bahay ni Zion. Sumakay siya sa kaniyang motorsiklo at pinaharurot iyon patungo sa bahay niya na ilang bahay lang ang pagitan mula sa bahay ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD