KINAKABAHAN si La Fiona habang naghahain siya sa hapag-kainan para sa hapunan nila kasama si Elyes. Ang mga magulang niya ay hindi niya maintindihan kung excited ba ang mga ito o kinakabahan dahil sa mga kakaibang kinikilos ng mga ito. Panay ang tingin ng mga ito sa labas ng bintana para tingnan kung dumating na ba si Elyes. Siya naman ay panay ang iling. Kung alam lang nito ang totoong ugali ng lalaking 'yon, tiyak na hindi ang mga ito kakabahan. Abala pa rin si La Fiona sa pag-aasikaso para sa hapunan nila ng makarinig siya ng busina mula sa labas ng bahay nila. "Any! Buksan mo, dali! Narito na siya," kinakabahan na sabi ng mommy niya habang inaayos ang damit. Ang ama rin niya ay ganoon din ang ginawa. Parang hindi ang dalawa magkauga-uga sa pag-aayos ng hapagkainan at sa mga suot ni

