Maagang pumasok si La Fiona De Guzman sa restaurant. Natuwa siya nang makita na kompleto na ang waitress nila. Hindi na niya kailangan pang mag-waitress ngayong araw.
Habang dumadaan ang oras, palabas-labas si La Fiona mula sa Manager's Office. Ang alam ng lahat nag-oobserba siya, pero ang totoo ay palagi niyang hinahanap si Elyes Williams. Ngunit hanggang sumapit ang hapunan, ni anino ni Elyes ay hindi niya nakita.
Bakit ba siya umasa na pupunta siya ngayon? Sabi na nga ba niya, pare-pareho lang ang mga lalaki sa mundo. Mga walang isang salita at puro sinungaling.
Matapos ang nakakadismayang gabing iyon, bumalik sa normal ang buhay niya. Araw-araw siyang pumapasok sa restaurant at mina-manage ito. Nag-umpisa nang magtanong ang mga empleyado ng restaurant kung bakit hindi na bumibisita si Kyle, at buong puso niyang sinabi sa kanila ang dahilan.
Nanghinayang ang mga ito. Tama si Kyle. Palaging isyu ang pagiging plus size niya. Iniisip ng mga taong nakakaalam na wala na sila ni Kyle dahil sa pagiging plus size ng katawan niya ang dahilan. Masakit. Kahit pa ngumingiti siya sa harap ng mga tao na naawa sa kanya, ang totoo, nabibiyak ang buo niyang pagkatao.
Kung alam lang niya na ganoon ang kalalabasan ng relasyon nila ni Kyle, edi sana hindi nalang siya nakipag-relasyon sa lalaki.
"I'm sorry, Bes," sabi ni Dina, ang kapitbahay nila at isa sa mga imbitado sa kasal. Puno ng awa ang mukha nito. "Sana mas nagpapayat ka pa para hindi ka niya niloko."
Mapait siyang ngumiti. "Hindi ko naman po alam na size na pala ngayon ang batayan sa isang magandang relasyon."
"Bes, hindi man natin tanggapin, iba na talaga ang mga lalaki ngayon. Kita mo naman ang nangyari sa'yo."
Tinanguan niya ang babae bilang pag-respeto saka tinalikuran siya nito at mabilis na pumasok sa bahay nila.
Hindi niya napigilan ang ilang butil ng luha na nalaglag sa pisngi niya. Mabilis niyang pinahid at naiinis na sinabunutan ang sariling buhok. Walang mangyayari kung iiyak siya. Walang magbabago kahit ilang balde pa ang iluha niya.
Isang linggo na mula nang malaman niyang niloko siya ni Kyle. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang niya na wala na sila ni Kyle. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ng mga ito.
Nagtatanong siya sa sarili kung siya nga ba ang may kasalanan. Naloloka na siya sa kakaisip kung kasalanan ba niya o hindi. Dahil ba talaga ito sa size niya?
Biglang naputol ang pag-iisip niya ng may kumatok sa pinto ng bahay nila. Inayos muna niya ang sarili bago mabilis niyang binuksan iyon at napangiti ng makita si Cearina at Jenel sa labas. May dalang prutas si Cearina—isang paborito niyang saging—at si Jenel naman ay may dalang champagne. Tuwing linggo, tulad ngayon, bumibisita ang mga ito sa bahay nila at nag-iinuman sila. That was their routine. Linggo lang sila nakakapag-bonding kasi nga busy sila sa kanikaniyang trabaho.
"Hey, guys!" Natutuwang sabi niya at niyakap ang dalawang matalik na kaibigan.
"Hey, La Fiona," sabay na sabi ng dalawa at pumasok sa loob ng bahay.
Kumuha muna siya ng highball glass sa kusina saka dumeretso sa kuwarto niya at pasalampak na naupo sa carpeted floor. Binuksan ni Cearina ang champagne at sinalinan ang mga highball glass nila na nakalapag sa sahig.
"So anong ganap sa'yo ngayong linggo? Kumusta kayo ni Kyle?" Tanong ni Jenel.
Walang pag-aalinlangan siyang sumagot. "Wala na kami."
Halatang nagulat ang dalawa pero bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga ito.
"Yes, finally!" Sigaw ni Cearina.
"Hell, yeah!" Hiyaw naman ni Jenel.
"Nahuli ko siyang ka-s*x ang sekretarya niya," dagdag niya na ikinawala ng kasiyahan sa mukha ng mga ito.
"What?!" Cearina looked shocked. "Oh, God. Please tell me that you kicked that bastard's ass!"
"Please, sabihin mo sa amin na pinagsasampal mo ang malanding sekretarya ni Kyle," dagdag naman ni Jenel.
Mapakla siyang ngumiti at nag-uunahang namalisbis ang luha niya. Kyle could still hurt her. Akala niya wala na siyang pakialam sa binata, pero kapag naalala niya ang panloloko nito, palaging may mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.
"Noong gabing nahuli ko siyang may ka-s*x, pumunta akong bar naglasing ako tapos ang tanga ko—" Napahagulhol siya ng iyak. "Nakipag-s*x ako sa lalaking kakikilala ko palang. Hindi na ako virgin!" Umiiyak na nahiga siya sa sahig ng patagilid. "Ang tanga ko talaga. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon!" She was now sobbing loudly. "I'm such a stupid woman."
Habang umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya, walang imik ang dalawa niyang kaibigan na alam niyang mga virgin pa. Nakatitig lang ang dalawa sa kanya na bakas ang hindi makapaniwalang emosyon sa mukha ng mga ito.
"Y-You mean to say, s-sinuko mo na ang perlas ng silanganan?" Si Cearina ang unang nakabawi sa pagkabigla.
Humihikbi na tumango siya. "Noong lunes pa."
"Woah. Take that cheater Kyle!" Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga. "Who's the guy?"
"Elies Williams," sagot niya na hiyang-hiya sa sarili.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Jenel. "Elies Kostas Williams, the owner of State Trend Magazine that distributes in the U.S. and Asia?"
Nagsalubong ang kilay ni Cearina. "Never heard of him pero pangalan palang mukhang katakam-takam na. Mahaba ba, La Fiona? Masarap ba? Magkuwento ka naman."
Umupo siya ulit at pulang-pula ang pisngi niya. "Oo, sakto lang naman," nakatungong sagot niya kay Cearina. "And no, hindi ko alam kung siya ba ang mayari ng sikat na State Trend Magazine."
"Well, kung siya man 'yon, ang swerte mo," ani Jenel. "Natikman mo ang isang Elies Williams na habulin ng mga babae."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "At nasisiguro kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng humahabol sa kanya."
Cearina rolled her eyes. "Of course, may laban ka!"
Mariing sabi nito. "Maganda ka. Maputi. Matangkad. At higit sa lahat ma—"
"Mataba," aniya.
Pinukol siya ng masamang tingin ni Cearina. "Gaga. E, ano naman ngayon kung plus size ka? Sa 'yon ka na, e. Saka kahit naman hindi ka skinny, maganda pa rin ang hugis ng katawan mo. Makurba pa rin naman." Tinuro nito ang dibdib niya. "You have a 38D breast size." Ang beywang naman nito ang sunod na itinuro. "Thirty-one waistline and then 37 butt size. You're freaking sexy, La Fiona."
Umiling siya. "No. Mataba ako."
Itinirik nito ang mga mata. "Ewan ko sayo. Basta para sa akin, isa kang malaman na sexy na babae. You are not fat. Just voluptuous."
Tumango si Jenel bilang pag sang-ayon. "Tama. At maswerte si Elies dahil natikman niya ang isang kagaya mo."
Hindi nalang siya nagkomento pa. Alam naman niyang hindi sila magkakapareha ng opinyon. Her friends were trying to build her up kaya ng mga ito sinasabi ang mga 'yon. But she knew the truth. Mataba siya. At sa mundong ginagalawan niya, kapag mataba ka, walang lalaking magmamahal sa'yo ng totoo.
It was based on experience.
Nagsalin siyang muli ng champagne sa baso niya at mabilis na inubos ang laman niyon. Pagkatapos ay nagsalin siyang muli.
Mukhang napansin ng dalawa niyang kaibigan na balak niyang ubusin ang isang bote ng champagne kaya inaya siya ng mga ito na manuod ng action film. Ang *The A-Team* ang napili nilang panuorin. Isa 'yon sa mga paborito niyang pelikula pero hindi niya ma-appreciate 'yon ngayon. Malayo ang tinatakbo ng isip niya. Malayong-malayo.
Hanggang matapos ang pelikula, wala siya sa sarili. Hanggang sa umalis ang mga kaibigan niya, nag-dinner siya ng mag-isa, malayo pa rin ang isip niya sa kasalukuyan.
At nang sumapit ang araw ng lunes, hindi siya nag treadmill katulad ng nakasanayan niya tuwing umaga. Hindi siya nag-agahan at pumasok sa restaurant na walang laman ang tiyan niya. And as usual, she waited for Elyes Kostas Williams to come by but nothing... not even his freaking shadow.