Nararamdaman ni La Fiona De Guzman ang pagkaubos ng lakas habang dahan-dahang umupo sa upuan kaharap ni Elyes Williams. Napahiya siya sa sarili at tanging hiling niya ay sana bumuka na ang lupa para lamunin siya dahil sa sobrang kahihiyan.
Hindi siya makatingin kay Elyes. "A-Anong well?"
Huminga ng malalim si Elyes. "What are we going to do now?"
"Hindi ako buntis," agad na sabi niya, umaasa na makakatulong ito para umalis na ang lalaki.
"At paano ka naman nakakasiguro?"
"Basta. Ano... kasi... basta. 'Yon na 'yon."
Tahimik si Elyes nang ilang segundo bago muling nagsalita. "Look at me, Fiona."
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa binata. "A-Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Pinaghalong kaba at hiya ang nararamdaman niya. "Oo, may nangyari sa atin pero kailangan bang gawing big deal 'yon? One night stand happens all the time, Mr. Williams."
Mataman siyang tinitigan ni Elyes, walang emosyon sa mukha. Mukhang galit ito, halatang nakatiim ang bagang, pero wala siyang mabasa sa mga mata nito.
"Yeah, one night stand does happen all the time," sang-ayon nito na tumango pa. "Fine. I won't make it a big deal."
Pilit niyang nginitian si Elyes. "Salamat. Nangyari lang naman 'yon kasi lasing ako at lasing ka. I'm sure kung nasa matino akong pag-iisip, hinding-hindi ako m************k sa'yo, at ganoon ka rin naman."
A strange emotion crossed his eyes. "Oh, okay."
Inginuso nito ang pagkain na ni-recommend niya. "Eat up. Para sa'yo 'yan."
Napatingin siya sa pagkaing paborito niya. Gusto na niyang kainin pero kailangan niyang mag-diet para patunayan kay Kyle ang pagkakamali nito.
Umiling siya. "Ayoko."
Kumunot ang noo ni Elyes. "At bakit?"
"Da-diet ako," nahihiya niyang pag-amin dahil wala naman talagang nangyayari sa pagda-diet niya.
Natawa si Elyes, halatang hindi makapaniwala. "For real?"
Tumango siya, kahit gusto niyang irapan ito. Bakit ba parang duda ito na on a diet siya?
Tumayo si Elyes at lumipat sa tabi niyang silya. Halos mawalan siya ng hininga dahil sa sobrang lapit nito. Naamoy niya ang masculine scent nito, at hindi niya maiwasang maalala ang nangyari kagabi.
Good God! Stop it, brain!
Itinulak ni Elyes ang pinggan palapit sa kanya. "Eat up. I ordered that for you. Huwag mong sayangin. Maraming bata ang walang makain, tapos ikaw na may pagkain ay magda-diet?"
Tumingin siya kay Elyes ng disapprovingly. "Ayoko nga. Nagda-diet ako. Tataba ako lalo."
Elyes raked an appreciative look over her body. "Hindi ka naman mataba. Malaman ka lang. Ilang kilo ka na ba?"
Napanganga siya. She was horrified at that question.
"A-Anong... b-bakit mo tinatanong 'yan? That's personal!"
Amusement glinted in his eyes. "Personal? We already got personal last night."
Namula siya nang sobra sa sinabi nito. Malinaw pa sa isip niya ang lahat ng nangyari kagabi.
"P-Pati ba naman 'yon?" Pinigilan niyang irapan ito. "Kailangan mo ba talagang sabihin 'yon?"
"Oo. Totoo naman kasing nangyari 'yon. I think we are beyond the personal thing. Kaya sagutin mo ako, ilang kilo ka ba?"
Namula si Fiona sa sobrang hiya. No! Hindi niya sasabihin ito! Elyes was still a stranger to her despite what happened.
"Hindi ko sasabihin sa'yo," matigas niyang sabi.
Nagkibit-balikat si Elyes. "Okay. Pero hindi ka naman mataba. Wala ka namang bilbil, so hindi ka mataba."
"At paano mo naman nasabi 'yon?" Sinikmat niya ito.
"I would know." Elyes raked a lustful stare over her voluptuous body. "Nakita ko na yan kagabi. And I enjoyed your body last night. So soft. So creamy. So beautiful—"
Tinakpan niya ang bibig nito. "Stop. Huwag mo na akong bolahin pa. Wala man akong bilbil, mataba pa rin ako. So just stop."
Naiinis siya sa pambobola nito dahil alam niya ang totoo sa kanyang katawan.
Tumayo siya at nagtungo sa manager's office, dala ang pagkairita. Hindi na siya kailanman magtitiwala sa sinasabi ng mga lalaki. Kyle already told her those things, but it was all a lie. Anong pinagkaiba ni Elyes?
Men are men. Pare-pareho lang silang manloloko!
Pagkapasok niya sa office, abala siya sa pagkuwenta ng sales nang may kumatok.
"Pasok," sigaw niya.
Nag-angat siya ng tingin nang pumasok si Jessa, isang waitress nila. May dala itong tray ng pagkain.
"Wala akong inutos na pagkain," sabi niya, nakakunot ang noo.
Ngumiti si Jessa. "Pinapabigay po ng isang customer. Elyes Williams raw ho."
Nanlaki ang mata niya.
Inilapag ni Jessa ang tray sa mesa at umalis. Tinitigan niya ang pagkain, iniisip kung ibabalik ba niya ito. Napansin niya ang tissue na may nakasulat.
Binasa niya iyon.
Eat up. Maraming bata ang nagugutom ngayon. It's for you. Kapag hindi mo 'yan kinain, paparusahan kita. At malalaman ko kung kakainin mo yan o hindi. Trust me.
—Elyes Williams
Mabilis siyang tumayo at lumabas ng opisina, pagkatapos ay hinanap ng mga mata niya ang lalaki, nang hindi makita, si Jessa ang tinanong niya. "Jessa, nasaan si Mr. Williams?" Tanong niya.
Nangingiting itinuro nito ang pintuan ng restaurant. "Kalalabas lang ho, chef."
Mabilis niyang tinungo ang pinto at lumabas.
Naabutan niya si Elyes na sumasakay sa... wait, was that a freaking Ducati? Kilala niya iyon dahil Ducati ang gustong bilhin na motor ng kapatid niya pero masyado iyong mahal. Palaging sinasabi ng kapatid niya na makakabili ito ng ganoong motor pero hanggang ngayon, wala pa rin itong Ducati.
"Elyes!" Malakas niyang tawag sa binata.
Bumaling sa kanya si Elyes habang sinusuot nito ang leather jacket. "Yeah?"
Lumapit siya sa lalaki. Tumigil lang siya ng abot-kamay na ang distansiya nilang dalawa. "Sino ka ba sa tingin mo para sabihin ang mga 'yon sa akin?" Pagalit niyang tanong. "Sinabi nang ayokong kumain, diba? And who the hell are you to punish me?!"
Natigilan ang binata sa pagtaas ng boses niya, kapagkuwan ay mabilis ang sunod nitong naging galaw. Namalayan na lang ni La Fiona na hawak na nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa katawan nito. He snaked his arm around her waist and then looked up at her. Naka-upo ito sa motor at siya nakatayo kaya mas mataas siya rito.
Ang ulo nito ay halos nakadikit na sa malulusog niyang dibdib, na mas lalong nagpapakaba sa kanya.
Sinubukan niyang kumawala rito pero hindi siya nito hinayaan. Mas malakas ito kaysa sa kanya.
"Ano ba, Elyes!" Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap nito sa beywang niya. "Bitiwan mo ako!"
Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang lumapit ang mukha nito sa mukha niya.
Isang dangkal na lang ang layo ng mga labi nila at nahigit niya ang kanyang hininga.
"Hmm..." Elyes brushed his lips against hers sexily as he looked deep into her eyes. "Sino ako? I am the man who took your virginity last night. Ang pangalan ko lang naman ang paulit-ulit na inuungol mo kagabi. And I am the man who made you a woman." Pagkasabi niyon ay inilapat nito ang labi sa mga labi niya.
La Fiona instantly melted in Elyes's arms. Hindi niya alam kung bakit pero nang maglapat ang mga labi nila, nang maramdaman niya ang malambot at masarap nitong labi, parang nawala bigla ang iritasyon niya.
Pero bago pa niya matugon ang halik nito, pinakawalan na nito ang mga labi niya saka kinindatan siya na nagpasikdo sa puso niya ng mabilis.
"Have a good night, La Fiona." Nginitian siya nito. "I'll be back tomorrow. And by the way, I wasn't drunk when I had s*x with you."
Bago pa siya makapagsalita, pinaandar na nito ang motorsiklo at iniwan siya sa parking lot ng restaurant.
Laman ng isip niya ang sinabi nito bago umalis. Hindi ito lasing nang may mangyari sa kanila kagabi? What the hell?! Ano naman ang ibig sabihin ng lalaking 'yon? Na hindi lang ito napipilitan makipagtalik sa kanya?
Parang wala siya sa sariling naglakad pabalik sa loob ng restaurant nila. Pumasok siya sa manager's office at napatitig sa pagkain na nasa mesa niya.
Kakainin ba niya?
'Maraming nagugutom na bata ngayon.'
La Fiona groaned and then sat on the swivel chair. Pagkatapos ay inumpisahan niyang kainin ang pagkain.
Napapikit siya ng malasahan ang sarap ng bolognese. Parang sumabog ang lasa niyon sa bibig niya at napapaungol siya sa sobrang sarap.
Bakit ba ang sarap kumain? Kaya tumataba siya lalo, eh.
Mula nang mag-umpisa siyang mag-diet six months ago, hindi na siya kumain ng walang gulay. She forbade herself to eat burger, fries, rice, fried chicken, and pizza—her favorite food in the whole world.
Mabilis niyang naubos ang pagkain at napasandal siya sa likod ng swivel chair. Hinimas niya ang kanyang tiyan na nalalagyan palang ng pagkain na gusto niya at hindi niya pilit na kinakain.
All thanks to Elyes, the Greek.
Napabuntong-hinga si La Fiona saka bumalik sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinggan na sinimot niya ang laman at may kasiyahan siyang nararamdaman. Elyes forced her to eat, unlike Kyle who wanted her to not eat and lose weight. At sa hindi malamang kadahilanan, mas saya siyang nararamdaman sa isiping 'yon.
Pero sa tuwing naalala niya si Elyes, kinakabahan siya. Babalik daw ito bukas. Hindi niya alam kong bakit bumibilis ang t***k ng puso niya tuwing naiisip niya si Elyes.
God! Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?
Napailing na lang si La Fiona at pinagpatuloy ang pagtatrabaho para makauwi siya ng maaga.