"LA FIONA?" Gagad niya. "Ohh..." Nanunudyo ang boses ni Xian saka tinapik ang balikat niya. "A very pretty lady for our Lover boy here." "Elyes's woman." Wika ni Xian. "She's pretty. Dapat nga bakuran mo na kaagad, kaibigan. Ang mga ganiyang babae, pinag-aagawan 'yan." Tumiim ang bagang niya. "She's mine." Xian clapped his hand. "Welcome to the mahigpit men's club, buddy. We'll throw a biscuit and zest-o party for you this weekend." Naiiling na iniwan niya ang mga kaibigan saka nilapitan ang dalaga. Lumabas siya ng basketball court habang ibinabalik sa bulsa ang cellphone at headset. "Hey," aniya ng makalapit kay La Fiona. "H-hi sa inyo." Hindi niya gusto ang distansiya nila ng dalaga kaya mas inilapit pa niya ang katawan dito. "Kaya ba tumawag ka at nagtanong kung nasaan ako?" Na

