NAPATIGIL SA pagpasok si La Fiona De Guzman sa restaurant niya ng makitang puno iyon ng pulang rosas na halos hindi na niya makita ang mesa niya. Nang itulak niya pabukas ang pinto ng mesa, sumalubong sa kaniya ang halimuyak ng rosas na nanuot kaagad sa ilong niya. "Pasensiya na ma'am, hindi ko sila napigilan ng ilagay nila ang mga 'yan sa labas ng opisina mo," anang waitress niya na nasa likuran niya, "pinatawag ko ang security pero nanghinayang din naman po akong ipatapon kasi ang gaganda kaya naman pinapasok ko na lang po sa opisina niyo. Hindi naman po sinabi ng mga nagdala kung kanino galing— "Ayos lang," aniya. Parang alam na niya kung kanino galing ang mga 'to. "Maganda nga," mahina niyang sambit habang ingat na ingat na naglalakad patungo sa mesa niya dahil ayaw niyang masira, ma

