Nang ihiga si La Fiona De Guzman sa kama, ginawaran siya ni Elyes Williams ng halik sa mga labi, saka siya nginitian. "May kukunin lang ako, 'tapos babalik ako agad, okay?" Hinalikan siya uli nito sa mga labi. "And promise me that when I come back, you're already naked for me." Tumaas ang kilay ni La Fiona. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Dahil masyado kang judgemental pagdating sa akin." "Ano 'yon, babawiin ako sa'yo by getting naked in front of you?" *Elyes* grinned. "Yes. So, Baby, get naked." Kinindatan siya nito. "And I'll be back." Napapantastikuhan pa rin si La Fiona nang lumabas si Elyes sa kuwarto. Pero mas napantastikuhan siya dahil natagpuan na lang niya ang sarili na hinuhubad ang lahat ng saplot niya sa katawan hanggang wala nang matira. At para itago ang hubad niyang ka

